Article 2 - Section 24

375 14 2
                                    

"Umalis ka na, Fryje!" Galit na galit ang mukha ni Brent habang pilit na itinutulak ang kapatid ko palabas ng opisina matapos itong haklitin palayo sakin.

Wala akong maintindihan.

Nanatili lang akong nakatayo at hindi makapaniwalang nakatingin kay Fryje na may ngiti sa mga labi kahit na halos ihagis na siya palabas ni Brent.

"Tang-ina! Umalis ka na! Layuan mo na kami!"

"Bakit ako ang lalayo? Akin ka, Brent. Alam mo yan. Ako lang ang mahal mo---"

"Umalis.Ka.Na." hindi pasigaw ang paraan niya ng pag-kakasabi noon pero ramdam na ramdam ang galit.

"But Brent---"

"Get out!" Dagundong ng boses ni Brent sa buong opisina, at dahil bukas na ang pintuan ay kitang kita ko kung paano magsilingunan ang mga employee mula sa labas.

"Leave us alone, Fryje!"

"Hindi ganyan ang linyahan mo noon, Brent! Remember how you knelt in front of me to---"

"Shut the fuck up!" Napatingin ako sa pulang pulang mukha ni Brent at sa halos mabaling litid sa kanyang leeg.

This was the first time I ever saw him this mad. Napakapasensyo kasi niya palagi. I don't know how the mere sight of him, getting work out because of this hurts me. Wala pa namang kasiguraduhan na totoo nga ang sinasabi ng bruha kong kapatid.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim. It only took me a few seconds before I was able to press my intercom and asked Venus to send the security to escort Fryje out.

"What the hell?! Bitawan niyo 'ko!" Piglas niya habang tangay-tangay siya ng security guards.

"Tandaan mo ang sinabi ko Arci! I'm bound to get what is rightfully mine!" I didn't bat an eye as I stare at her being dragged by the security. I waited until they were able to ride the elevator bago ako umikot at naglakad na pabalik sa opisina.

"Attention, everyone!" I said in a loud voice as a I clapped my hands to get everyone's attention.

"I'm sorry for the commotion. I'll let you have the rest of the day out. Rest and chill people. Enjoy your day!" Announced ko bago sila binigyan ng tipid na ngiti at tango.

"Ikaw rin, Venus. Take the day off, cancel all my appointments for today." Venus immediately nodded and moved to do her job.

Marahas naman akong napabuga ng hangin ng nasilayan ko na ang naka-awang na pintuan ng opisina ko.
It took me a few seconds before I was finally able to convince my self to take a step towards my office.

Naabutan ko siyang problemado habang naka-upo sa couch. His eyes immediately went to me.

"Babe, I---"

"Hindi naman yun totoo, diba?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Please, Brent. Please tell me it's not true! Hindi totoo ang sinasabi niya! You're different right?" Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko ng hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatitig sa mukha ko.

No. Please, not again.

"Brent, sagutin mo naman ako. Hindi yun totoo diba? " Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Rebekah, let me explain." Natigilan ako ng marinig ko iyon mula sa kanya.

Explain? Why does he need to explain? Totoo bang ginawa niya yun?

"Explain? Bakit ka mag-eexplain? Wala ka namang ginawa...diba?" Bumagsak ang mga balikat ko at mas bumilis ang pagdausdos ng mga luha ko ng makita ang guilt sa mukha niya.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now