Article 2 - Section 9

401 15 1
                                    

The bed remained undone, the bloodstains on the white sheets are clear evidences of what had happened during that fateful night.

Huminga ako ng malalim at isinuot ang gloves habang nakatingin sa napakagulong kwarto sa aking harapan.

Nag-kalat sa sahig ang basag basag na mga vases at picture frames. Sira rin ang screen ng malaking TV na nakadikit sa screen. Ang closet ay nakabukas rin at nagkanda hulog pa ang ibang laman, marahil sa pagmamadaling makakuha ng mga damit.

Nakakasira talaga ng buhay ang kalandian.

Naiiling akong nag umpisa na tignan ang mga bagay bagay sa loob. Maingat kong tinignan ang mga unan at ini-angat ko rin ang bedsheet ng kama.

I opened the built-in cabinets and cupboards in the room but I found nothing.

"Check the closet," I heard someone spoke kaya naman agad akong napalingon sa may pintuan ng kwarto.

And there I saw the hot Attorney Hernandez who was leisurely leaning on the door's frame as he stare at me, crossed arms.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sakanya at bahagya pang pinagpag ang mga palad.

"Not really," sagot niya at pumasok na rin sa kwarto.

"Have you checked the closet?" Ulit niya na inilingan ko.

"Wala pa." Sagot ko at mas nauna na sa paglapit sa damitan. Baka manaya ay may something pala doon at maunahan pa ko ng loko.

Inisa-isa kong ilabas ang mga damit na nandoon upang tignan iyon ng mabuti.

Akmang ibabalik ko na sana ang mga damit ng may makapa akong gap sa pinaka likuran nito.

Napa-angat ako ng tingin kay Attorney na napatingin din sakin.

Dahan dahan kong mas ipinasok sa gap ang kamay ko at nanlaki ang mga mata ko ng may makapa ako roon.

"What is it?" Tanong niya at lumapit narin siya at bahagyang umupo sa tabi ko.

Mas kinapa ko pa iyon at sabay kaming napabaling ng marinig namin ang pagtunog noon dahil sa pag-tama sa pader.

Tuluyan ko na iyong dinukot at pareho kaming napa maang ng makita ang isang G19 pistol.

"The murder weapon was already found." I muttered.

"That was also a G19 pistol, nakapangalan ang lisensya kay Rocky Sison." Ani niya na dahilan para mapatingin ako sakanya.

"Then..." Tumango siya sakin.

"Posibleng dalawa ang murder weapon or..."

"Or ito talaga ang murder weapon." Pagtatapos ko sa sasabihin niya.

"Attorney Alarcon, we need your presence sa office po, para sana sa statement about sa newly found evidence ninyo." Ani ng detective habang nagpapalipat-lipat ang tingin saming dalawa ni Attorney Hernandez.

"Sure, I'll drop by tomorrow." Nakangiti kong sagot dito.

Tumango naman ito at tumalikod na, pero laking gulat ko ng lingunin kami nitong muli at bumalik sa harapan namin.

"Diba magkalaban kayo?" Nangunot naman ang noo ko sa tanong nito.

"What do you mean magkalaban?" Taka kong tanong pabalik sakanya pagkatapos saglit na balingan ng tingin ang katabi.

"Diba opposing sides kayo? Bakit kayo magkasama dito?"

Hala! Chismoso ni Kuya!

"Nagkataon lang po," magalang na sagot ng katabi ko.

"Ganoon ba?" Ani ng detective habang umiiling-iling pang naglakad na palayo.

Nang tuluyan ng maging abala ang lahat ay hinarap ako ni Attorney Hernandez.

"It's quarter to two already. Have you eaten your lunch?" Nagulat naman ako sa sinabi niya at wala sa sariling napatingin sa relo ko.

"Hindi pa nga, sa office na lang siguro---"

"Hindi din ako nakapag-lunch. I saw a Thai restaurant on my way here. Kain muna tayo?" Tumaas naman ang kilay ko sa kaswalidad ng pagkaka-tanong niya.

Hinubad ko ang gloves habang nakatingin parin sa kanya.

"We're not friends, dude." Ani ko sa kanya.

"Why? Kailangan bang magkaibigan para mag-lunch?"

"Bakit magsasabay kumain ang mga tao kung hindi naman magkaibigan?" Balik kong tanong sa kanya.

"Diretsuhin mo na lang ako kung ayaw mo kong kasabay mag-lunch, okay? Hindi yung andami mo pang sinasabi." Mahina akong napahagikhik ako dahil sa kasungitang pinakita niya.

"May sinabi akong ayoko?" Nakangisi kong saad.

"Sasabay din pala, dami pang arte," I heard him murmured as he step out of the room before me.

Iniwan na lang namin ang site sa mga detective at officers para imbestigahang muli. Who knows? Baka mas maraming sekreto pa ang tinatago ng room na yun.

"Libre mo 'to ha?" Natawa naman siya ng sabihin ko yun sa kanya habang nilalantakan ang Tom Kha Kai na inorder ko.

"Nag-hihirap ka ba? Pang ilang beses mo ng tanong yan?" Natatawa niyang puna bago sumubo ng Pad Thai na order niya.

"Naniniguro lang, mamaya KKB pala 'to, tapos asadong asado ako na libre mo."

"KKB? What's that?" Napa-awang naman ang labi ko sa gulat sa tanong niya.

"Hindi mo alam kung anong KKB?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

Saang lupa-op ng mundo 'to galing?

"I won't ask, if I know." Hindi ko na napigilang matawa dahil sa inis na ekspresyon sa mukha niya.

"There's something you actually don't know? Akala ko alam mo lahat eh." Pang-aasar ko pa na mas nagpakunot ng noo niya.

"It's Kanya-kanyang bayad, Attorney." Nakangiti kong sagot sa kanya.

I saw his eyes squinted as he let go of the spoon he was holding and stared at me.

"Tell me honestly, you've forgotten my name again, don't you?" Tanong niya sa nagdududang boses.

"What? No." Natatawa kong sagot.

"But you keep on calling me Attorney,"

"Bakit? How should I addressed you ba?" Taas kilay kong tanong.

"Brent,"

"Wow! First name basis ang nais," pang-aalaska ko.

"I'm serious, Rebekah," nabura ang mapang-asar kong ngisi ng makita ang seryoso niyang itsura.

Parang ang ganda ganda ng pangalan ko ng bigkasin niya yun. Hindi tuloy ako agad na nakasagot at nanatali lang na nakatingin sakanya as he heartily went back to his food.

Hindi na kami ulit nag-usap at pinag-tuunan nalang ng pansin ang pagkain.

"Thanks for the meal, Brent." Kitang kita ko ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi ng marinig niya ang paraan ko ng pagtawag sa kanya.

"That sounds better than Attorney Hernandez," he said.

I chuckled at his response and we both stared at each other's faces as we both stood up beside our cars. Pabalik na kami sa kanya kanyang opisina.

"Till next time, Rebekah. I'm looking forward to more meals with you." He said before he smiled at me and gestured me to get inside my car.

"Tapusin muna natin 'tong case. I'll decide then, if gusto ko pang makasama kang kumain." Nakangiti ko ring sagot bago ako tuluyang pumasok ng sasakyan ko at nauna ng umalis doon.

Habang papalayo sa restaurant ay sinilip ko siya mula sa side mirror and he was still standing there, staring at my car.

What do you want from me, Brent?

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now