Article 2 - Section 11

409 17 0
                                    

Mas sumama lang ang pakiramdam ko ng makalabas ako ng visitation area ng presinto.

Wala akong nakuhang matinong sagot kay Rocco Sison. He just keeps on blabbering about Cleopatra and Julius Caesar. Ni hindi ko na nagawang makinig ng maayos dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Okay ka lang, ma'am?" Tanong sakin ng reception officer ng magsalubong kami habang papalabas na ako ng presinto.

"Yes, I'm okay." Nang-hihina kong sagot sakanya bago nagmamadaling lumabas.

Should I call EJ?

Pero agad ko ring binalewala ang ideyang iyon ng maalalang may kausap pala itong kliyente ngayon. Mamaya ay baka bigla nalang niyang iwan ang kliyente niya pag-tumawag ako sa kanya.

Napahawak ako sa pader ng biglang mag-blur ang paningin ko. Sobrang sakit na ng ulo ko at nararamdaman ko na ang pagtagaktak ng pawis ko.

My body felt so heavy and my eyes feels like it would popped out any moment, kaya mariin ko na lang muna itong pinikit at huminga ng malalim.

Sanay na akong magkasakit ng ganito. Madalas kasi akong trangkasuhin kung sunod sunod na puyat at stress ang nakakaharap ko.

Madalas ay si EJ ang nag-aalaga sakin kung mag-kasakit man ako but then, he's busy right now and I didn't want to burden him. All I need to do now is to get a hold of myself and check in to a hotel so that I can rest.

"Are you okay?" Pinilit kong lingunin ang taong nag-tanong niyon ng maramdamdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

Napahawak ako sa balikat ni Brent ng biglang mandilim ang paningin ko dala ng pag-ikot para harapin siya.

"I-i'm f-fine," I answered, slightly panting.

"What happened? You looked so pale!" Kunot noo niyang puna bago ko naramdaman ang palad niya sa may noo ko.

"Ang taas ng lagnat mo!" Sigaw niya.

"Shhh, wag kang maingay. Mas nahihilo ako." Ani ko at nakapikit na.

Damn it! Hindi ko 'to kaya.

Binuksan ko ang mga mata ko at hinarap siya.

"C-can I ask you a f-favor?" Hindi siya sumagot pero naramdaman kong inalalayan niya ako sa likod para hindi ako tuluyang matumba.

"C-can y-you b-bring me to a h-hotel, p-please?"

"Hotel? Why? I'll take you to the hospital!" Agad akong nag-panic ng marinig kung saan niya akong balak dalhin.

"N-no!" Tutol ko habang hinahabol parin ang hininga.

"J-just bring me to a hotel, p-please?" Pagmamakaawa ko.

"Sinong mag-babantay sayo doon? If you don't want to go to the hospital, ihahatid na lang kita sa bahay mo." Mas nanlumo ako ng marinig na ihahatid niya ako sa bahay.

"I... I don't w-want t-to go h-home," patong-patong na ang nararamdaman kong sakit at lungkot na hindi ko na namalayang naluluha na pala ako kung hindi ko lang naramdaman ang mga daliri niyang pinupunasan iyon.

"P-please..." Nang-hihina kong pakiusap sakanya bago ko narinig ang pag-buga niya ng hangin.

Halos mapasigaw ako ng maramdaman ko ang pag-angat ko mula sa lupa. Agad akong napakapit sa may leeg niya ng buhatin niya ako.

"What are you doing?"

"Shut up and just sleep, akong bahala sayo." Sandali akong natigilan ng marinig ko ang sinabi niya.

All my life, my friends were the only ones who made me feel that I'm not alone. Even my parents failed to make me feel loved and protected. But after hearing his words, na siya na ang bahala sakin, my heart feel warm.

Extremely warm.

Siniksik ko na lang ang ulo ko sa may leeg niya at bumulong ng pasasalamat.

I woke up feeling cold. Hinatak ko ang kumot na nakataklob sakin at mas binalot ang sarili.

"You still feel cold?" Rinig kong tanong ng kung sino kaya napabuklat ako ng mata.

I looked around, disoriented. Nakita ko ang pamilyar na interior ng kwarto. Bahagya akong umikot para harapin ang nag-salita.

"Is it cold?" Ulit niya bago pinunasan ang pawis ko sa noo.

"Hmmm," sagot ko habang nakatingin sa kanya.

"Pinatay ko na ang aircon," sabi niya bago ko naramdaman ang pag-lundo ng kama dahil sa pag-upo niya.

"Ang taas parin ng lagnat mo," nagulat ako ng humiga siya sa tabi ko at pumasok rin sa kumot bago ako hinatak palapit sa kanya at niyakap.

"What are you doing?" I asked in a hoarse voice.

"This would lessen the cold," paliwanag niya at mas hinigpitan ang yakap sakin.

"Baka mahawa ka," pabulong kong saad kahit na nagustuhan ko ang init na dala ng yakap niya.

"I won't, sige na pahinga ka na ulit."

"Bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Ayaw mong magpadala sa ospital and ayaw mo ring umuwi, kaya dinala nalang kita dito."

"You should have just left me on a hotel. Kailangan ko lang ng pahinga,"

"Walang mag-aalaga sayo dun," maikling sagot niya.

"Sanay naman ako."

"Ako hindi. It's already bad that you're sick, you would only feel worse kung walang nag-aasikaso sayo."

"Naistorbo pa tuloy kita," nahihiya kong saad.

Bahagya niya akong tinulak palayo at tinitigan sa mukha.

"I don't like you like this," nangunot ang noo ko sa sinabi niya

"What do you mean?"

"I don't want seeing you this weak. Mas gusto ko yung palaban at matapang na Rebekah." Natawa naman ako na nauwi sa ubo.

"Pinanindigan mo talaga yung first name basis ano?" He just smirked at me before pulling me back to his arms.

"Mag-pahinga ka na. Gigisingin na lang kita mamaya para inumin ang gamot mo."

"Hindi ka aalis?" Hindi ko nagustuhan ang tono ng tanong kong iyon. Para bang nagmamaka-awa ako sa kanyang manatili siya.

"San naman ako pupunta?"

"Ewan ko, maybe to attend to your girlfriend?" Natatawa naman siyang umiling sa naging sagot ko.

"What a cool way to check if I'm taken," hinampas ko ang dibdib niya dahil sa narinig.

"Ang kapal ha?"

"Ng dibdib ko? Para namang 'di mo pa pinagsawaan yan noon." Namula naman ang mukha ko ng bumalik sa ala-ala ko ang nangyari samin noon.

"Gago!" Sagot ko bago siya tinulak at tinalikuran. Tumawa naman siya dahil sa naging reaksiyon ko bago ko naramdaman ang mga braso niyang pumalibot sakin.

He was hugging me from the back. And I hate to admit it, but it felt good.

Inaalagan naman ako noon ni EJ but it's never like this. Hindi ganito ang pakiramdam noon.

"Sleep now, Rebekah. Dito lang ako," rinig kong bulong niya bago ako tuluyang nakatulog.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now