Article 2 - Section 21

370 13 2
                                    

"Mommy?" nagtataka kong tawag ng makilala kung sino ang babaeng naka-upo sa couch sa loob ng opisina ko.

Venus told me na may bisita ako pero ng tanungin ko naman kung sino ay nginitian lang ako nito. 

Agad naman akong nilingon ni Mommy. A smile immediately broke into her face as she came running towards me and hugged me tightly. Confused man ay yumakap rin ako pabalik sa kanya.

"What's wrong?" nag-aalala kong tanong sa kanya after the hug.

"Anak, uwi ka na satin please?" nagulat naman ako sa pakiusap niya. It's been three months since pinaalis ako ni Daddy noon at niha-hello ay wala akong narinig sa kanila.

"My--"

"Hindi na ako manghihingi ng pera. Lulutuan na rin kita ng breakfast, aasikasuhin kita! So please? Uwi ka na satin," naiiyak na pakiusap ni Mommy.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. This is the first time I saw my mother like this. Maliban sa mga pelikula niya, ay hindi ko pa nakikita si Mommy na umiyak. Bahagya ko na lang na tinapik-tapik ang likod niya at mas hinigpitan ang yakap.

"Mommy, magagalit sayo si Daddy,"

"Galit lang ang Daddy mo kaya niya nasabi 'yon! Recently ay madalas ang pagpunta niya sa bahay, he was asking if you already went home," muli akong natigilan sa sinabi ni Mommy bago naiiling na bumitaw mula sa pagkakayakap niya. Napabuga ako ng hangin ng makita ang mukha niyang hilam na ng luha.

Gusto ko tuloy matawa dahil hindi bagay ang namamaga niyang mga mata sa ayos niya. She was wearing a neon yellow halter-jumpsuit. Umiilaw siya sa mata pero matatawa ka talaga pag nakita mo ang namamaga niyang mga mata.

"My, fix yourself muna. I'll bet you'll shred a hundred fans if they ever see your face like that," natatawa kong pahayag sa kanya habang tinuturo ang CR ng opisina ko. Nanlalaki ang mga mata naman siyang agad na tumakbo papunta roon.

Naiiling habang nakangiti nalang akong dumiretso sa upuan ko at inilabas ang mga gagamitin ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mas lumapad ang ngiti ko bago sinagot ang tawag.

"Hmmm?" bungad ko pagkasagot ng tawag.

"Nasa office ka na?"

 "Yup, ikaw?" 

"Office na rin. Uhmm... you okay?" nagtaka ako ng marinig ang tanong niya. Binaba ko ang ballpen na hawak at tumayo paharap sa malaking bintana sa likuran ng table ko. It was overlooking the whole city.

"Why wouldn't I be?" taka kong tanong sa kanya.

"Venus called me and told me that your mom's in there. Okay ka lang?" napangiti naman ako ng marinig ko ang pag-aalala sa boses niya ng itanong niya iyon.

"Yup, I'm fine. Don't worry," malambing kong alo sa kanya.

"Are you sure? I can go there if you like---"

"Hindi na! Full sched ka babe. Okay lang talaga 'ko, promise!" agad kong awat dahil baka bigla pa siyang pumunta dito.

"Sure?" pamimilit pa nito kaya naningkit ang mga mata ko.

"You just wanted to come here and see me don't you?" nanghuhuli kong tanong sa kanya na sinundan naman ng matunog niyang mga tawa na muling nagpangiti sakin.

"You got me, babe."

"I'm fine, babe. Don't me! Ang dami mong gagawin ngayon, sabay nalang tayo mag-lunch mamaya, okay?" 

"Do I have a choice?" I wasn't able to stop the chuckle that escaped my mouth because of his tone, parang napilitan pa.

"Good boy. Sige na, kita na lang tayo mamaya,"

"Alright. Bye babe, I love you."

"I love you too." Nagulat ako ng pag-ikot ko pagkatapos ng tawag ay nakita ko si Mommy na nakatayo sa harap ng desk ko. She was staring at me curiously.

"You look happy, anak." napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

I am happy.

Itinuro ko ang couch sa gitna ng opisina ko para doon kami makapag-usap. Agad naman siyang umupo doon at ganoon din ang ginawa ko. I was seated in front of her while she was still staring at me.

"Ayaw mo na bang bumalik sa bahay?" napayuko ako sa tanong niya at hindi malaman ang isasagot.

I'm already happy and contented kung ano ang meron ako ngayon. Nakakatakot lang na baka bigla lang iyong mag-bago kung susubok na naman akong ipilit ang sarili ko sa pamilyang iyon.

"My, I'm happy. I'm already happy. For once..." huminga ako ng malalim bago ako nag-angat ng tigin at sinalubong ang mga mata ni Mommy.

"For once, I am genuinely happy. Pakiramdam ko po nakalaya ako."

"Are we suffocating you that much, Arci?" tipid lang na ngiti ang naisagot ko sa tanong ni Mommy. Mabagal naman na tumango-tango si Mommy at kinagat ang pang-ibabang labi. She was thinking about something.

"That's not Eon right?" nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong ni Mommy at mabilis na umiling habang natatawa.

"What the -- My!" natatawa kong suway sa kanya.

"My God! Bakit si EJ?" natatawa ko paring tanong. Hindi ko talaga maimagine!

"I really thought you two would end up together. Akala ko nga ay sakanya ka tumutuloy ngayon..." her voice trailed off ng bumaba ang mga mata niya sa cellphone na hawak hawak ko.

"But it turns out you have someone else," 

"Mommy, EJ and I are just friends. He's my bestfriend!" paliwanag ko kay Mommy pero isang misteryosong ngiti lang ang binigay niya sakin bago tumayo mula sa pagkakaupo niya at lumapit sa pwesto ko. She rubbed the top of my head affectionately.

"Poor Eon," she said as she scanned my face with a smile.

"You look good, Arci." hindi ko alam kung bakit ako biglang naluha sa sinabi ni Mommy. She bent down a little and kissed my forehead.

"Ako ng bahala sa Daddy mo. Don't worry about it, just keep being happy." she said before she lightly pinched my cheeks and turned around to leave.

"By the way, I want to meet that babe of yours. Call me when you're available," nakatagilid siya ng sabihin iyon sakin pero kitang kita ko ang ngiti sa mga labi niya.

"Sige na. I'll be going first. My photoshoot pa ako." nakangiti niyang paalam bago tuluyang lumabas ng opisina ko.

"Babe?" agad siyang nag-angat ng tingin at tinignan ako. Kagat ang labi kong ibinaba ang tinidor na hawak at hinarap siya.

"Do you mind meeting my mom?" nakita ko ang pagbakas ng gulat sa mukha niya. For a moment ay gusto ko agad na bawiin ang tanong ko. Maybe he wasn't ready for that yet?

"Are you ready to let me meet them?" seryoso niyang tanong pabalik na nakapagpa-kunot ng noo ko. Binaba niya rin ang kubyertos na hawak at uminom muna ng tubig bago muling humarap sakin. 

"Look babe, I'm looking forward to meeting with your parents but I don't want to pressure you about that. I'll wait till you're ready for that." agad na napalitan ng ngiti ang taka kong ekspresyon kanina.

"I am ready," sagot ko sa kanya ng may ngiti. Agad namang sumilay ang ngiti sa mga labi niya ng abutin ang mga kamay ko sa lamesa at hinalikan ang likod ng palad ko.

"Then, we'll meet them," he said while staring at me.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon