Article 2 - Section 18

384 11 2
                                    

"You killed your husband," walang paligoy-ligoy kung saad kay Sheena na nagpalaki ng mga mata niya.

"A-attorney," nauutal niyang tawag sakin. Sinandal ko ang sarili sa upuan ko at tinitigan siya ng maayos.

A young mistress who married an old gay for his riches, had an affair with the son.

Sheena Sison, you're really something.

"H-hindi ko po maintindihan, a-attorney,"

"Sinong mas mahal mo sa mag-ama? Ang asawa mo o si Rocco?" I asked her the same question I asked Rocco, days ago. I wanna know her answer.

If she'd be honest, I'm willing to fight with her on court, but if she'll lie, I'll drop this fucking case.

"A-attorney,"

"Sino ang mas mahal mo Mrs. Sison?" Ulit ko sa kanya.

"A-ang asawa ko,"

"I asked Rocco the same question," I confessed as I stood up from my seat. I stood up behind my chair and used it to support my weight as I stared at her, her eyes widening.

"I was willing to help you if only you said the truth. Rocco would probably be devastated, hearing you say that you loved his father more than him,"

"Bakit nga ba patay na patay sayo si Rocco to the point that he's so willing to take the blame of the crime you committed?" taas kilay kong tanong sa kanya kahit na alam ko naman na ang sagot.

It wasn't true that Rocky just came home that night. Hindi rin totoong naabutan sila ni Rocky sa kama ni Rocco. It was actually the other way around.

Naabutan niya ang asawa niyang pinagsasamantalan si Rocco. The first gun found and was claimed as the murder weapon has Rocco's fingerprints, sinadya ito ng huli para maiiwas si Sheena who used the second gun to shot Rocky. 

Rocco strongly believed that Sheena loved him to the point na napatay nito ang asawa dahil sa kalapastanganang ginawa sa kanya ng ama.

Ilang segundo pa akong nakipag-titigan sa kanya bago ko pinindot ang intercom. A signal that Venus had been waiting for. And as if on cue, a group of police men entered my office and arrested Sheena Sison.

"A-attorney..." naguguluhan at naluluha nitong tawag pero umiling lang ako.

"I'm sorry but I'm dropping your case now, I'm no longer your lawyer," paalam ko rito bago siya tuluyang ilabas ng mga police.

Napa-angat ako ng tingin ng makarinig ng sunod-sunod na mabagal na palakpak. Napabuga ako ng hangin ng makita ang nakangising mukha ni Fryje habang nakatingin sakin.

"You dropped a case? Geez, Daddy won't like that!" naiiling pa nitong saad.

"Bakit ka nandito?" Walang gana kong sagot sa kanya.

"Wala lang. Namiss lang kita," nang-uuyam nitong sagot, I rolled my eyes at her before I took my seat and face her confidently with my arms crossed in front of me.

"Anong kailangan mo?"

"Wala nga---"

"Ang bait mo namang Ate," nakangiti kong sagot sa kanya.

"Makaalis na nga at bigla akong naumay sa mukha mo," ani niya at tumalikod na papalabas ng opisina ko.

"By the way, I'll take the responsibility of telling Dad about the case you dropped," ramdam ko ang pagniningas ng inis ko ng makalabas na siya ng tuluyan sa opisina ko.

"Bwisit," pumikit ako ng mariin at pinilit na pakalmahin ang sarili.

Katay na naman ako kay Daddy nito.

At hindi nga ako nag-kamali. Before my day end at the office, Dad's secretary called me and told me na sa mansyon na lang dumiretso.

"You dropped a case, Arci?" lihim akong napalunok ng makita ko ang galit na itsura ni Daddy.

"My client was the real cri--"

"Kaya ka nga nag-abogado diba?! Para ipagtanggol sa korte ang mga kliyente mo! At ang mga Sison pa?! Ano bang pumasok sa isip mo at ngayon mo pa naisip mag-paka bayani?!" 

"Dad! That woman is a murderer---" napabaling sa isang gilid ang mukha ko ng sampalin ako ni Dad ng tumaas ang boses ko sa pagsagot sa kanya.

After years, ngayon nalang ulit. Gusto kong matawa sa naisip kung hindi lang ako natigilan ng marinig ang pagbukas ng pinto.

"Kiko!" awat ni Mommy na kapapasok lang ng study room.

"You don't raise your voice on me Rebekah Claire," mariin ang boses ni Daddy ng sabihin niya iyon.

"Ano bang nangyayari sayo? Pinalampas ko ang pagkatalo mo sa isang pipitchuging arson case na yan! Tapos susundan mo pa ng pagbitiw ng kaso at ikaw pa mismo ang nagpakulong sa kliyente mo?! Hindi mo ba alam na isa sa mga major stock holders ng kompanya ay ang mga Sison?! At sobra sa kalahati ng shares na iyon ay nakapangalan kay Sheena Sison!" naluluha ako habang nakikinig kay Daddy. He talks about his tarnished name and his damn business.

"Paano ako Dad?" singit ko sa kanya ng hindi ko na makayanan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Should I just turn my back on my conscience para masatisfy kita?"

"Arci!" awat ni Mommy sakin habang si Daddy naman ay matalim ang mga mata lang na nakatingin sakin.

"Daddy, kriminal yun. Mamatay tao. Sabihin na nating hindi niya sinadya. Pero sana inamin niya nalang, tinulungan ko pa siya, pero hindi. Pinaako niya sa iba ang kalasanang nagawa niya,"

"That's your job---"

"Daddy, trabaho ko ang ipagtanggol ang kliyente ko at tulungan silang makuha ang hustisyang deserve nila. Pero hindi ko trabaho ang ipagtanggol ang mga kriminal na walang bahid ng pagsisisi sa mga nagawa nila," tumalikod ako at akmang aalis na ng marahas na hablutin ni Daddy ang braso ko at pilit akong hinarap sa kanya.

"At kelan ka pa natutong maging bastos? Tinatalikuran mo na ako ngayon?" gusto kong mapangiwi sa sakin ng pagkakahawak niya sa braso ko pero hinarap ko siya gamit ang blangkong ekspresyon.

Pagod na 'ko.

"Daddy, pagod na 'ko. Pagod nakong i-satisfy ang ego mo. Pagod nakong maging perfect para sayo. Kasi kahit anong gawin ko, kulang parin eh. Kung normal na pamilya lang tayo, you'll probably be proud of me for standing up for what is right. Pero mas inuuna mong isipin ang magiging epekto nito sa pangalan mo at sa pesteng negosyo mo---" muli kong naramdaman ang hapdi sa pisngi ko ng sampalin ako ulit ni Daddy. I can hear Mommy's sobs as she tried to stop Dad, pero bingi na doon si Daddy. Galit na galit ang mga mata niya habang nakatitig sakin.

"Ang pesteng tinatawag mo ang bumuhay sayo! Walang utang na loob! Ibinigay ko sayo ang lahat--"

"Pero hindi ko yun kailangan Dad. Tatay ang kailangan ko, hindi yang yaman mo," lumuluha kong putol sakanya.

Nanatiling blangko ang mukha ni Daddy habang nakatingin sakin. Maya maya lang ay naramdaman ko ang pag-gaan ng kapit niya sa braso ko hanggang sa bitawan na niya ako ng tuluyan.

"Ganoon ba? Then, feel free to leave," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daddy. Mas lumakas ang mga iyak ni Mommy habang pilit na kinaka-usap si Daddy.

"Hindi mo kailangan ang pera ko? Then leave. Siguraduhin mo lang na hindi ka gagapang pabalik,"

"Kiko wag naman ganito. Pag-usapan natin 'to ng maayos," umiiyak na pakiusap ni Mommy sa kanya pero hinarap lang siya ni Daddy ng may nanlilisik na mga mata.

"Subukan mong tanggapin ang batang yan at pati ikaw palalayasin ko!"

"Wag mo nang idamay si Mommy. Aalis ako. Mag-isa." ani ko at sandaling tinignan si Mommy na umiiling at umiiyak. I smiled at her before I turned around and left the life I've been living for years.

Pag-kasakay ko sa sasakyan ko ay nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko.

Damn it! Saan ako pupunta ngayon?

And as if on cue, my phone rang and a smile broke into my lips upon seeing the caller. Lumunok muna ako bago ko sinagot ang tawag.

"B-brent, p-pwede mo bang kong puntahan?"

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now