Article 2 - Section 2

618 19 4
                                    

"This is my dear daughter, Rebekah Claire. Pride ko ito! She passed the CPA Licensure Examination, Top 1! Hindi lang iyon, she even passed the bar two years ago, at Top 3 pa siya!" Ngumiti naman ako sa mga kausap ni Daddy.

"You're so smart and pretty, hija. I think you'll hit it off with my son." Ani ng isang business partner ni dad. Tinawanan ko naman iyon at magalang na tinanggihan.

"Dad." Sabay sabay kaming napalingon kay Fryje ng tawagin niya si Daddy.

"Heto naman ang panganay ko, Fryje say hi to them." Ani ni Dad sa kanya. Agad naman niya iyong sinunod.

"Another achiever ba ito, Kiko?" Tanong ng isa na tinawanan lang ni Daddy. Nakita ko ang pag-dilim ng mukha ng kapatid ko ng muling ilipat ni Dad ang usapan tungkol sakin at sa achievements ko.

Maya maya lang ay bumaling sakin ang madilim nitong mga titig at tinaasan ako ng kilay.

Maldita! Mana sa nanay!

Inismiran ko lang siya at muling ibinalik ang atensyon sa mga pinapakilala ni Dad sakin.

Anak ako ni Dad sa kabit niya. But unlike any other illegitimate children, ako ang paborito niya. Not because he loved my mother more than his legal wife, Fryje's mother but because I am a trophy daughter.

I excel in everything I do. Sinisiguro ko iyon. I always give my hundred percent effort in every matters I handle.

I needed to, yun lang ang pinanghahawakan ko. My mother is a gold digger, tanggap ko yun at pati nga ako na anak ay hinuhuthutan pa. So I was striving harder, to gain my father's affection and to keep myself on top.

Matapobre si Fryje at si Tita Arlene, tatapak-tapakan lang ako ng mag-inang iyon kung nagkataong mahina ako.

"Dad, dumating na po sina Forbes, puntahan ko lang po muna." Paalam ko kay Dad at agad naman siyang pumayag ng banggitin ko na ang pangalan ng kaibigan ko.

Dad loves my set of friends so much. And again, not because good influence sila sakin but because these people are from high profile backgrounds, nangunguna na doon sina Forbes at Achi.

"Forbes," bati ko at humalik sa pisngi niya habang nakatingin pa si Dad.

"Ang user talaga nito!" Pang-aasar ni JD sakin ng makita ang ginawa ko. Inirapan ko siya at muling binalingan si Forbes na nailing nalang sa kalokohan ng kaibigan namin.

Sanay na sila na ganoon ako. My father eyes Forbes as his son-in-law. Pero neknek niya, hindi kami talo nito.

"Nasan si Achi?" Tanong ko bago tumusok ng steak mula sa pinggan ni EJ at sinubo iyon.

"He's on his way, dinaanan niya pa sa ospital si Febe." Paliwanag ni Forbes sakin at inabutan ako ng tissue.

"Thanks." Sagot ko sakanya at pasimpleng inobserbahan ang reaksiyon niya.

Okay, Achi and Febe's still safe.

"Ano nga ulit 'to Arci? Auction for what?" Litong tanong ni JD habang nakatingin sa stage kung saan sunod sunod na ipinasok ang mga boring na paintings.

"Paintings daw ni Fryje." Sagot ko at kinuha naman ang brownies mula sa pinggan ni EJ na agad na nag-reklamo.

"Akin yan, Arci! Ang takaw talaga nito! Party niyo 'to, kumuha ka dun ng pagkain mo!" Reklamo nito pero natawa na lang ako ng hatiin niya sa gitna ang isang brownies at inilagay sa bandang kinukuhaan ko ang kabilang piraso.

"Ang sweet naman ni EJ ko." Pacute kong asar sa kanya. Inirapan niya lang ako at nagsubo muli ng brownies niya.

Kinuha ko naman ang parteng hinanda niya para sakin at kinain iyon.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now