Article 2 - Section 19

416 16 3
                                    

"Stop smiling," iritado niyang saad sakin habang kumakain kami ng cup noodles sa isang convenience store.

"Masamang ngumiti?" natatawa kong tanong sakanya na iritado paring nakatingin sakin.

"Hindi masamang ngumiti kung masaya ka. Pero ang pangit tignan ng nakangiti ka pero yung mga mata mo umiiyak na," he said it so softly as I felt his hands beside my face. He then started wiping my tears. Huminga siya ng malalim bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa harapan ko at lumipat sa tabi ko.

Brent pulled me closer to him and wrapped me in a sideways hug.

"Wag ka kasing ngiti ng ngiti pagmalungkot ka. It doesn't look good,"

"Bakit iiwan mo 'ko pag pangit ako?" 

"Baliw. Of course not," napangiti naman ako sa sagot niya.

"Pinalayas ako ni Daddy. Wala na yata akong kwenta para sa kanya. Wala ng pakinabang, puro kahihiyan na lang daw ang naibibigay ko sa kanya," kwento ko sa kanya. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya habang nilalaro ang noodles sa harap ko.

"Lahat na lang ba ganoon? Pag ba wala na 'kong kayang ibigay, iiwan na lang ako?" naramdaman ko ang pag-higpit ng braso niya sa bewang ko.

"For years, for years I've been living my life for him. I studied hard, kahit na hirap na hirap na ako, kahit pakiramdam ko magbre-breakdown na yung utak at katawan ko, nag-aral pa rin ako. Kasi yun gusto niya, yun yung makakapagsatisfy sa kanya. During the peak of my success ay mahal na mahal niya ako. Ngayong nakagawa lang ako ng mga bagay na hindi niya nagustuhan, ang bilis bilis niya lang akong itapon?" Tears keeps on falling from my eyes as I speak.

I felt betrayed.

I felt like all of my hard work for years was all just for nothing.

Ang dami dami kong ginawa para sa kanya noon. Kahit ang mga personal kung hilig ay tinalikuran ko para lang masunod ang mga gusto niya. Tapos...

Tapos, ganito lang?

Ganito niya lang ako kabilis idispatya?

Am I that unworthy?

Am I not worth keeping?

"Shhh. Stop overthinking, babe," napalingon ako ng marinig ko ang magaan niyang bulong sa tenga ko.

"Iiwan mo rin naman ako eh," bulong ko sa sarili pero mukhang narinig niya dahil inalis niya ang mga braso niya sa bewang ko at pinihit ako paharap sa kanya. We were now facing each other.

Napaka seryoso ng mukha niya at titig na titig ang mga mata niya sa mukha ko. I was once again drowned with how deep his eyes were. Pakiramdam ko iyon na ang pinakamagandang pares ng mga matang nakita ko.

"Do you really think I'll leave you?" tanong niya na nagpangiti sakin.

"Everybody does. You're staying for now because you still need me. May kaya pa akong ibigay sayo. Pero kapag wala na? Iiwan mo rin ako tulad ng iba,"

"Everyone wants me just because I have something to offer. Kasi napapakinabangan pa ako," 

"I'm not like them,"

"Narinig ko na yan," Iwas ang tingin kong sagot sakanya. Ilang beses ko na bang narinig yan, but they always end up leaving me.

"Wala akong pakialam sa mga nagawa mo na o kaya mo pang gawin, Rebekah. I can also do those things if I want to. I want you to stay with me not because you can do something for me, I want you to stay with me because I wanted you. All of you, your flaws and imperfections. I want it all," Ramdam ko ang muling pag-iinit ng sulok ng mga mata ko habang nakikinig ako sa mga sinsasabi niya. He sounded so... sincere.

And for once, I wanted to believe him.

"Ibahin mo ko, Rebekah. Ikaw ang gusto ko, ikaw. The hell with your achievements and abilities, I also have mine,"

"Ang yabang," natatawa kong puna habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mata ko.

"Ang yabang mo. Ang yabang yabang mo..." paliit ng paliit ang boses ko at bahagya ng naiirita sa patuloy na pag-tulo ng luha ko.

"What's wrong with my eyes?!" reklamo ko bago ko muling naramdaman ang mga braso niya na hinuli ang bewang ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon nag-iiyak.

Gustong-gusto kong maniwala sa kanya.

I wanted to believe that he was different. Dahil tama naman siya, mas magaling siya sakin, mas matalino. Ano bang makukuha niya sakin maliban sa katawan ko?

"Sa hotel na muna ako. Hahanap pa 'ko bukas ng unit--"

"Mine's available," parang wala lang na sabi niya habang papalabas kami ng convenience store.

"What?" hindi makapaniwala kong tanong sakanya. Umikot siya at humarap sakin pero hindi sakin nakatingin ang mga mata niya.

"Sa unit ka nalang," hindi parin siya makatingin sakin kaya natawa na ko. 

"What's funny?" kunot na naman ang noong tanong niya.

Ang suplado talaga.

"Ibabahay mo 'ko?" natatawa ko paring tanong kaya napangiwi siya.

"Pwede bang ayusin mo naman ang wording mo? It sounded like you're my kept mistress,"

"Malay ko ba?" pang-aasar ko pa na mas nag-pasimangot sa kanya.

"I'm your boyfriend, Rebekah," paalala niya.

"Hala siya, pinanindigan mo talaga yun?!" kunwari ay gulat kong tanong kaya nanlaki ang mga mata niya at bahagya pang namula ang pisngi niya.

Amaze naman akong lumapit at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Iritado niya iyong iniiwas pero hindi ko binitawan.

"Nahihiya ka?" natatawa kong tanong.

"Hindi mo ko boyfriend?" parang batang tanong niya. Nangingiti ko namang kinurot ng mahina ang magkabila niyang pisngi bago siya hinalikan sa pisngi.

"I'm just kidding babe," bulong ko sa kanya at hinilot pa ang kunot sa gitna ng noo niya.

"Hmm," sagot niya at sumandal pa sa sasakyan niya.

"Sa condo ka na," ulit niya. His voice sounded more confident than earlier.

"Hahanap ako ng unit bukas," 

"Wag na, doon ka na lang," tinitigan ko siya habang nakatingin rin siya sakin, waiting for my response.

"Sige na...please?" natulala pa ako ng makita ko siyang nag-pacute sa harapan ko.

"Babe?"

"Ulitin mo muna," pakiusap ko sakanya.

"Ang ano?"

"Magpacute?" nakangiti kong sagot sakanya.

"When did I do that?" gulat niyang tanong.

"Hala siya! So sinasabi mong natural lang sayo ang pagiging cute?" he just rolled his eyes and held my hand.

"Sige na, doon kana. Hmm?" bumaba ang mga mata ko sa magkasiklop naming mga kamay bago iyon bumalik sa gwapo niyang mukha.

"Okay lang ba sayo?" kita kong agad na nagliwanag ang mukha niya ng marinig ang tanong kong iyon.

"Sobra pa sa okay," sagot niya habang nakangiti. Hindi yung normal niyang mga ngisi but a sweet and genuine smile. 

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon