Article 2 - Section 3

529 17 0
                                    

"Fryje Alarcon, the eldest daughter of the business tycoon Mr. Kiko Alarcon was exposed stealing her sister's artwork during her own auction." Inirapan ko si EJ na prenteng naka-upo sa leather sofa ng opisina ko habang malakas na binabasa ang article ni Fryje na napublish sa isang lifestyle magazine.

"You really destroyed her credibility as an artist. Di ka takot na gantihan?" Tanong naman ni JD.

Wala bang mga trabaho 'to?

"Oh, please! I'm looking forward to that." Sagot ko bago ibinalik ang tingin sa case files na hawak ko.

"Teka nga, kayo bang dalawa walang mga trabaho? Hindi tambayan ang office ko, please lang."

"Nagtatago ako! Pesteng yawa, may manyak na matandang balik ng balik sa opisina ko!" Napahagalpak kami ng tawa ni JD dahil sa sinabi ni EJ.

"Patulan mo na! Ikaw naman, shy type ka pa! Alam naman naming bet mo ang mga matrona." Pang-aasar ko pa.

"Gago!" Mura niya na mas ikinatawa lang namin.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Baling ko kay JD.

"May bagong case akong hahawakan." He said.

"Oh, tapos?" Inirapan niya lang ako bago ipatong ang tatlong case files sa harap ko.

"Papasa ko sayo yung ibang hawak ko." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon.

"Ayoko nga! Gago 'to! Andami ko ng on-going!" Reklamo ko sakanya.

"Pag-bigyan mo na, Arci. Nakasalalay lovelife niya." Napatingin ako kay EJ ng magsalita siya.

"Anong kinalaman ng lovelife niya?" Taka kong tanong rito.

"Yung bagong case na hawak niya --- aray! Jasper!" Naputol ang sasabihin niya ng batuhin siya ni JD ng magazine mula sa table ko.

"Ang ingay mo." EJ stared at him in bewilderment because of his remark. But JD being himself, didn't gave a damn about it.

"Come'n Arci. Itong tatlo lang." Pakiusap nito sakin.

"Kayna Forbes nalang! Or diyan sa unggoy na yan." Saad ko at nginuso si EJ na abala na sa telepono niya.

"I can hear you, idiots." Hindi namin siya pinansin at nagpatuloy lang kami sa pag-uusap.

"Nabigyan ko na sila. Ito na lang ang naiwan. Please?" Tinitigan ko muna siya ng nagdududang tingin bago ko kinuha ang folders at sinimulan iyong i-scan.

"Are you sure you're not just slacking off?" Tanong ko habang binabasa ang files na dala niya.

"Mabigat lang talaga yung bagong kaso. I needed to work on it full time." Tumaas ang kilay ko dahil doon.

"Sino muna lovelife mo?" Pangungulit ko sakanya.

"Wag ka ngang nagpapaniwala sa mga sinasabi niyan."

"Sige guys! Kunwari wala ako dito! Kunwari hindi ko kayo naririnig!" Parinig ng isa na nakahiga na ngayon sa sofa pero wala paring pumansin sa kanya.

"Okay, then. I'll take this but you owe me three boxes of doughnuts too?" I asked him, bahagya ng nanunubig ang bibig sa isipin ng pagkain.

"Grabe ang cheap mo naman Arci! Donut lang pala katapat mo?"

"Eh kung pinakaladkad kita sa matronang sinasabi mo?!"

"Sabi ko nga tatahimik na 'ko." Muli ko siyang inirapan bago ko muling hinarap si JD.

"Ano? Call?"

"Call." Sagot niya.

"Venus!" Tawag ko sa secretary ko na agad namang pumasok.

"Yes, attorney?"

"Nasaan yung tatlong case files galing kay Attorney Lopez?" Tanong ko sakanya. Sandali siyang lumabas ng opisina ko at bumalik na dala na ang files na hinahanap ko.

"Attorney nareview ko na po yan, and medyo matagal pa naman po yung theft and assault cases pero yung arson may hearing po next week." Sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Venus.

JD! Siguraduhin mong masarap ang mga donuts ko!

Nagpasalamat na ako kay Venus at pinalabas na siya bago ko reviewhin ang files ng Arson case na pinasa sakin ni JD.

"Attorney Alarcon, right?" Nilingon ko ang tumawag sakin at bahagyang nagulat ng makilala kung sino iyon.

It was the handsome attorney I met weeks ago.

"Oh! It's you." Nakangiti kong bati. Pasimpleng gumagala ang mga mata ko sa mga gamit niya.

Ano ngang pangalan nito?!

"May hearing ka today?" Tanong niya na tinanguan ko, abala parin sa paghahanap ng bagay na makakapagpaalala sakin ng pangalan niya.

"It's Brent Hernandez." Napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"You can stop doing that, I knew you've forgotten my name. It's Brent Hernandez." Awkward na ngiti na lang ang naisagot ko sa kanya bago ako sumulyap sa orasan ko.

"It's nice seeing you here Attorney Hernandez but I have to go now. My hearing starts at nine." Paalam ko bago siya muling nginitian at nagmamadaling lumayo roon at pumasok sa courtroom na assigned para sa case ngayon.

"When the defense ask you during the cross examination, stay calm and don't let their counsel play with you, alright?" Paalala ko sa client ko. Kailangan naming patunayan na sinadyang sunugin ng kapitbahay nila ang kusina nila.

The motive of their neighbor? Jealousy. Ang dating kinakasama ng kliyente ko ay sumakabilang bahay na at ang kapitbahay niyang kinasuhan ang bago nito.

Ang siste ay gustong bumalik ni lalaki dito sa kliyente ko kaya nga sinunog ng kabilang panig ang kusina.

Mga lalaki talaga. Wala ng ginawang maganda. They only cause pain and chaos. Hindi kasi marunong makuntento. They always search for something new, for someone new.

Pero pag-nagsawa na ay babalik sayo, hihingi ng tawad. Mangagakong hindi na uulit pero ilang araw, buwan o taon lang ay babalik na naman sa dating gawi.

Take this guy and my dad as an example. A bunch of horny, idiotic, and ego filled creatures.

Muli kong binrief ang kliyente sa mga salitang dapat at hindi dapat niya gamitin. I also told her about the possible outcomes of this case although I'm sure, JD had done it too.

Ito naman na ang last hearing. This would be the last time for each party to defend their arguments. And during the first three hearing ay abanse na kami that's why I'm a little confident about this one.

But all those confidence vanished ng mag-angat ako ng tingin at nasalubong ang mga mata ni Atty. Hernandez.

Nanlalaki ang mga mata ko ng marealize na siya ang lawyer ng kabilang panig.

I never felt nervous in any of my trials and hearings before.

Ngayon pa lang.

Maybe because I've seen how he changed the course of the events at the last minute before? That case was also already the last hearing when I watched and they're taking the short end that time. But he managed to acquit his client.

Ilang minuto pa kaming magkatitigan bago ako patuyang natawa ng kindatan ako ng hudyo bago ibinalik ang atensyon sa kliyente.

Hindi makapaniwalang nanatili akong nakatingin sa pwesto nila ng ilang segundo bago ko muling binalingan ang kliyente ko.

"Are you sure you're not hiding anything else?" Tanong ko sa kanya na agad niyang sinagot.

"Wala na po attorney."

"Good. You see? Yung abogado ng kabilang panig, gumagamit ng mga bagay na hindi inaasahan para lang manalo." Paliwanag ko bago muling lumipad ang nga tingin pabalik sa harapan namin.

He was staring at me.

Tinaasan ko siya ng kilay, agad namang sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago ito umiling at bumalik sa ginagawa.

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now