Kabanata 37

30 6 0
                                    

Kabanata 37

Surprise

Life is full of surprises.

Madaming bagay sa buhay ang nakakagulat, nakakabigla at hindi mo inaasahang mangyayari. The reason I am not surprised when something suddenly happens unexpectedly. Dahil alam ko namang madaming bagay ang hindi inaasahang mangyayari kaya bakit pa ako magugulat?

That... is what I thought.

Because after I've said to my grandmother the thing that happened this day (of course not in detail) I am very surprised that she didn't even show any kind of a shock or disagreement. Hell! She didn't even blink while listening to me. Do you know what's even more shocking?

"Lola... b-boyfriend ko na po si Gen." Hindi ako makatingin habang sinasabi 'yon.

I didn't hear a thing from her that's why I looked at her to see her reaction.

She smiled. She smiled after I said that me and Gen are in a relationship.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magi guilty sa reaksyon niya, eh. I don't want to feel anymore, baka kasi mamaya... iba pala ang dapat kong maramdaman.

"Masaya akong masaya ka, apo." She started talking.

We're at the sala right now, sitting on the same couch while facing each other. It's been an hour since Gen has dropped me here, gusto pa nga niyang samahan akong magsabi kay Lola but I said that I can do it alone. Hindi pa naman maganda ang huli nilang pag-uusap kahit na sinadya lang 'yon ni lolang mangyari for some reasons.

"Sana lang ay tama ang mga naging desisyon mo." Huminga siya ng malalim at nag-iwas ng tingin.

I pursed my lips.

"Madaming bagay ang mangyayari pa sa hinaharap at posible ding madaming pagsubok ang inyong harapin. Hindi natin alam kung panandalian lang ba 'yan o magtatagal pero isang bagay ang maipapasayo ko sa 'yo..." she looked at me in a meaningful way.

"Kapag hindi mo na kaya. Kapag nasasaktan ka na. Okay na lang na tumigil muna at magpahinga. Bata ka pa at marami pang baga ang mangyayari sa 'yo, hindi ko naman sinasabing huwag mo munang seryosohin ang mga ganitong bagay pero sana, sa lahat ng magiging desisyon mo, isipin mo lagi ang makakabuti sa iyong sarili." Makahulugan niyang sinabi gamit ang mahinhing boses.

Hindi ako nakapagsalita at iniisip pa din ang kanyang sinabi. She's so serious while saying those- palagi naman siyang seryoso pagdating sa mga ganitong bagay, kaya para sa akin, dapat ko 'yung maintindihan.

She took a deep breath as she turned her head at me.

"Basta't h'wag mong hahayaang makaapekto 'yan sa pag-aaral mo, ah?" Tumikhim siya. "At alam ko namang alam mo ang tama't mali kaya tiwala ako sa 'yo."

That was the last word I heard from her before she leave the salas and went inside her room. Sinundan ko lang siya ng tingin at pinakirandaman hanggang siya nawala siya sa paningin ko.

Naging tahimik ang paligid pagkatapos ng usapan na 'yon. I was just looking at nowhere while thinking about what just happened the whole day. Mula sa nangyari sa talon hanggang sa pag-uusap namin ni Lola.

I can't still believe that all of this is true. Hindi ko alam kung panaginip lang ba 'to o ano pero ang alam kong totoo ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. It was beating so fast and loud while thinking about the kiss.

Uminit ang pisngi ko.

I shooked my head to erase that thought.

Imbes na ang salita ni Lola ang isipin ko, mas inaalala ko pa ang halik na 'yon.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon