Kabanata 40

52 2 0
                                    

Kabanata 40

Salestalk

"Ang sama ko." I murmured while facing the window beside me.

Kanina pa ako nakasimagot habang nagbabyahe. Paano na naman kasi ay hindi man lang ako nakapagpaalam kay Justin at sa mga pinsan niya. Ang babait pa naman ng mga 'yon sa akin tapos sa huli hindi pala ako susunod sa plano.

I sighed.

Gen glance at me, I looked at him.

"Ang saya kasama nung mga pinsan ni Justin. It was never boring when we're-"

"Boring ba akong kasama?" Taas kilay niyang tanong.

"Hindi naman." Nag-iwas ako ng tingin.

Grabe naman ang lalakeng 'to. Gano'n agad naisip. I was just trying to start a conversation. Halos buntong hininga ko na lang ang naririnig ko, eh.

I guess he's trying not to talk. Para ipakita sa aking galit pa siya sa akin. Pero ngayong nagsalita siya, parang gusto ko na lang siyang manahimik. Baka mag-away na naman kami, eh dahil sa mga tanungan niya.

"I'm just guilty dahil hindi man lang ako nakapag-paalam sa kanya."

He didn't say a thing.

"He always invites me whenever they're having a trip like this. Kaya nga lang ay madalas akong hindi nakakasama dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganoon."

I felt that he glanced at me.

"Then now," I sighed. "Minsan na nga lang akong pumayag, hindi ko pa mapapaninindigan." I said sadly.

"It's okay. I'm sure he won't mind." Aniya.

Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Paano mo nasabi?"

He shrugged and didn't say a thing. Naparolyo ang mata ko at hinarap ang bintana. He's just saying it to make me feel better. Palibhasa'y gusto niya ang nangyayari.

At kung makapagsalita naman ako ay parang hindi ko 'to gusto. Of course, I like it! Sino ba namang ayaw ang makadate siya? I'm just really feeling guilty dahil nga hindi ako nakasama kela Justin. Maybe I should apologize to him once we meet. Yes, of course, I should at least say sorry to him.

I took a deep breath.

Napatingin ako kay Gen.

Ang tahimik niya, ah? Well, maybe he's like that whenever he's driving. Talang nagcoconcentrate.

And now that I have an opportunity to check him out, I didn't waste it. He's wearing a white Nike shirt, blue faded jeans, and white rubber shoes. His hair was neat, maayos ang pagkakaayos. He looks so hot and clean and gorgeous, nahiya ang itsura kong mukhang haggard at puyat. My eyes drifted on his hands up into his arms. His veins are showing everytime that I looked at those. O talagang nakalitaw na 'yon? Maybe. Though it looks so hot on him. Dati kasi ay takot ako sa mga mauugat na kamay, feeling ko ay susuntukin ako kahit anong oras.

"Stop staring. You're distracting me."

My face heated.

Nakikita pala niya 'ko.

I cleared my throat. "Nga
pala... Bakit ka nga pala nandoon kanina sa may pinuntahan namin?" Tanong ko.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon