Kabanata 30

57 29 0
                                    


Kabanata 30

History

I cleared my throat. Napatingin sa akin si Lola Helen.

I swallowed hard before I speak.
"Kaya din po ba... galit ang Lola sa mga Cavallero dahil doon?" I asked carefully.

I know that this topic is too sensitive even if it's already in the past. Sa galit ni Lola at pag-apoy ng mata niya kapag nakakakita ng kahit isang Cavallero, alam kong sensitibo talaga ang bagay na 'yon.

Habang iniisip 'yon ay mas tumindi ang kagustuhan kong malaman ang buong katotohanan.

She looked around first, probably checking if someone is listening to us. Napatingin din ako sa paligid at wala naman akong nakitang kung sino. Lola was inside of the house, iniwan ko muna siya do'n para makapagpahangin at makapag-isip dito sa terrace, besides kausap naman niya ang Papa ni Ric.

"Galit na ang Lola mo sa mga Cavallero bago pa ang insidente na 'yon." She sighed. "Mas nadagdagan lang dahil nga ipinakulong ang anak ni Isabela Cavallero."

My brows furrowed. So... it's not really the real reason then?

Hindi ko na kailangang tanungin si Lola Helen dahil nang mapansin niyang magkasalubong ang kilay ko, itinuloy niya ang kwento niya.

"Matagal ng naninirahan ang mga Fellix sa Sta. Valeria bago pa man dumating ang mga Cavallero. Ang Lola mo sa tuhod na nanay ni Miranda ay ang dating nagmamay-ari ng lahat lupa ng Cavallero ngayon." She said, emphasizing the word 'lahat'.

Nanlaki ang mata ko.

Totoo ba 'yon?

As in lahat ng lupa? Ibig sabihin ay sobrang yaman din ang Lola noon? I mean... ang daming Lupa ng mga Cavallero, ah? Ibig sabihin... sa pamilya namin 'yon?

"Oo... mayaman talaga ang pamilyang Fellix. Ang pamilya niyo." Aniya na parang narinig ang nasa isip ko.

I pursed my lips and gulped.

"Pero nang dumating ang mga Cavallero dito... unti-unting nawala sa kanila ang mga lupang 'yon." Lola Helen was looking at nowhere as if she's there that time and now, she's looking back at those memories. Maski ang boses niya ay may halong lungkot. "Si Don Jullio Cavallero na ama ni Don Paciano at si Mildred Fellix na nanay ng Lola mo ay dating magkasintahan. Alam ng buong bayan 'yon dahil palaging nakikita ang dalawang 'to na magkasama."

Hindi ako makapagsalita.

I can't believe what I'm hearing right now. Pero dahil sa mga sinabi ni Lola Helen day mas pinag-igihan ko ang pakikinig.

"Buhay na kami ni Miranda nang araw na 'yon. May isip na din kaya alam na ang mga nangyayari sa paligid. Alam niyang nakipagkasintahan lang si Don Jullio Cavallero sa nanay niya upang mapilit itong ibenta sa kanya ang Lupa. At tama nga naman si Miranda... pero hindi lang isang lupa ang naibenta nito... Lahat-lahat."

I gasped.

Bakit naman gagawin 'yon ng nanay ni Lola? Ng lola ko sa tuhod? She has a daughter! And for Don Jullio, if I'm not mistaken buhay na din ang anak niyang si Don Paciano... so it means may pamilya siya.

"Nagalit ang Lola mo sa nanay niya... dahil hindi man lang sinabi sa kanya ang plano nitong pagbenta ng Lupa. Natural lang na magalit siya dahil lahat 'yon ay galing sa nasira niyang ama. Hindi pa naman 'yon nakapangalan sa kanya kaya madali lang nilang naiproseso ang mga kailangang dokumento para ilipat sa pangalan ni Don Jullio."

Tinanong ko ang gumugulo sa utak ko. "'Di ba po buhay na si Don Paciano nang mga araw na 'yon?" Tumango siya. "Kung ganoon..." I didn't continue what I was about to say.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon