Kabanata 27

84 65 0
                                    

Kabanata 27

Unfair

Bigla akong natulala sa narinig.

"Si Gen? Bakit? Anong ginagawa niya dito?" Sunod-sunod na tanong ni Bea.

My heart started to beat fast because of what I'm hearing.

Ric shrugged. Hindi din alam kung bakit nandito si Gen.

"Malay ko." Aniya.

Bea frowned as she stands up, ganun din ako at sabay kaming lumabas para makiusyoso sa labas.

Pagkalabas namin ng Canteen ay agad naming nakita ang kinaupupan ng mga eatudyante sa harap ng isang office. They were looking at the window, probably peeping
at something or someone over there. Mabilis silang lumayo sa tabi ng bintana nang may lumabas.

It's Mr. Arevalo, nagsinghapan ang ibang estudyante at ang iba naman ay halatang nadisappoint.

Lumapit kami ni Bea do'n ng kaunti.

"Anong meron at nandito kayong lahat?" Mr. Arevalo's brows furrowed.

"Totoo bang andyan si Genesis Cavallero, sir?"

"Yes, nandito si Mr. Cavallero. And we're doing some business here. That's why I wanted you to be quiet for a while until we're finished, rinig na rinig kayo sa loob, nakakahiya sa mga bisita natin." Aniya.

Imbes ba sundin si Mr. Arevalo ay biglang nagsitilian ang mga studyante kasama na do'n si Bea. Habang ako naman ay para sigurong natatae dito dahil sa nerbyos.

Hell! Andito daw si Gen!

Napa-iling si Mr. Arevalo at pumasok na lang ulit sa loob ng office.

"Narinig mo 'yon?!"  Tili ni Bea.

I looked at her. She was smiling widely at me. I shrugged, acting as if I didn't care.

"Andito daw si Gen!" She added and laughed.

"Mygod, nakauwi na pala si Gen! Bakit hindi ko alam?! Napatingin ako kela Suzy na nandito din pala. Her eyes were twinkled with joy. Nang nahagip niya ang mata ko ay kumaway siya sa akin.

"Ang sabi ni Mr. Arevalo, manahimik daw kayo! Bakit ba ang kulit niyo at hindi kayo makaintindi?!" Biglang nanahik ang lahat nang marinig ang nakakatakot na boses ni Ric.

Imbes na suklian ang kaway ni Suzy ay napalingon ako kay Ric. He looks so serious in a dangerous way at kahit sino ay mapapatahimik dahil sa nakakatakot niyang boses. Kahit na ako.

"Ikaw naman, Ricardo... masyadong mainit ang ulo mo, nagkakatuwaan lang naman kami." Si Bea.

"Hindi ba pwedeng ilugar niyo 'yang katuwaan niyo? Talagang sa harap pa ng mga nagmemeeting? Ano yan? Wala na ba kayong hiya?" Aniya habang masama ang tingin kay Bea.

Biglang nagsitahimikan ang lahat.

Bea cleared her throat. "Okaay, guys mabuti pang magsipasok muna tayo sa mga klase natin." She said in a sweet voice and glared at Ric after.

"Ang killjoy."

"Problema no'n?"

"Baka broken?"

I heard some of the girls' murmurs as they leave the scene. Na bad trip din ata kaya pinili na lang umalis kahit hindi pa nakikita si Gen.

Mukhang walang pakielam si Ric sa mga naririnig niya at patuloy lang ang masamang tinginan nila ni Bea.

Hinila ko ang kamay ni Bea para maiwasan ang mas malalang awayan nila. Kakabati lang nila (I guess) at ewan ko na lang kung anong mangyari kung magsagutan sila kanina do'n.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon