Chapter 9: Memories

167 31 1
                                    


(Caya P.O.V)

"Umayos ka" sabi niya sa akin tsaka ako tinalikuran

Nakakatakot yung tono niya, parang parang.... Kakaiba

Di ko alam kung ano ang gagawin ko kapag kasama ko siya, bat ba kase siya pa ang naging partner ko? Hindi ito teleserye na sa una mag pa-partner at sa wakas sila rin ang magkakatuluyan

Hay naku, patay ako kina mama kung ganito ang inaatupag ko

Ilang minuto rin ang lumipas natapos din kami sa ano mang ginagawa namin kanina kaya sabi ni ma'am ipagpabukas nalang namin ito, salamat naman at tapos narin

Wala rin naman kaming ginawa roon kundi ipakita ang mga mahika namin pero di ko lang naman o dih lang naman pala namin alam kung paano ilalabas ito

(Mei P.O.V)

"Kanina pa ha, bakit tahimik si Caya?" Tanong sa amin ni blaire

Siya talaga ang nakakapansin sa aming apat, mabilis kasi siya maka amoy kung may naninibago ba sa amin.

At napansin ko rin na kanina pa nga ang tahimik ni caya

Mapuntahan nga, nasa kabilang lamesa kasi siya, at nandito naman kami sa kanan na nag hihintay sa kanya naghihinatay kung may plano ba siyang lumapit sa amin

May problema ata si girl

"Huy, ayos kalang? Nandidito ka mag isa mo? Habang kami nandodoon sa kabila, anong nangyari sayo? Kanina kapa ha" nag alalang tanong ko sa kanya di ko alam kung anong pumasok sa isip niya at napag tantong iwasan kami

Tumingin siya sa akin na para bang natatakot at may binulong pa sa akin

"Ayoko ko na dito" Dinig kong bulong niya sa akin, pero sa huli siya ang naging kawawa, hay nako naman Caya

Bumalik na ako kina Blaire at sinabihan na doon nalang kami kakain sa tabi niya at hindi na dito, nakinig naman sila sa akin kaya dali dali naman sila pumunta sa pwesto ni Caya na ngayon dala dala ang mga sarili nilang pag kain

"Caya ayos kalang? May masakit ba sayo? Anong nangyari? Bilis ih balita mo sa amin ngayon na" sabi ng chismosa kong kaibigan

Pero wala parin imik ang napaka talino naming kaibigan

At si Ira naman ayun kain lang nang kain basta makakain, gusto ko yang ugaling yan HAHA.

Nagulat kami nang gumalaw na si Caya sa inuupuan niya at nag simula naring kumain 'Sa pagkain ko'  well dahil mabuti akong kaibigan hinayaan ko nalang siya ubusin lahat ng pagkain na nasa plato ko

"Guy's mag iikot ikot lang ako ha sandali, wala pa namang oras, tsaka kung sakaling mag bell man wag niyo na akong hintayin" papaalam ko sa kanila

Hindi ko man lang hinintay ang sagot nila sa akin kasi gusto ko nang maka alis dito

Di ko kinaya ang walang hiyang yon inis na sabi ko sa isip ko

"Your so short and I'm so tall you doesn't even  know how to break this tall of mine" sabi niya sa akin like what the–

Di ko nga alam kung ano yun ang alam ko lang doon ay yung salitang 'tall' pakialam mo ba kung mas matangkad ka kesa sa akin aba malay koba kung ano yun parang jipon na nag lalavichuvipappa na siya

Pero parang binubully niya ako promise, nakuu talaga ang buayang yon, di na ako maka pagpigil sa gigil kong ito

Nag lakad lang ako nang nag lakad hanggang sa di ko inaasahan na makikita ko ang partner ko na si...

Crystal Academy (The Magical World)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant