Chapter 19: Truth

130 21 3
                                    


(Mei's P.O.V)

Niyayakap lang ako ni kei dito pero ako tulala parin hanggang ngayon

Binitawan na niya ang pagyayakap niya sa akin at pinaharap ako sa kanya

"Mahal kita kahit hindi ako ang mahal mo, pero alam kong hindi ako ang taong yon para sayo, kaya papalayain na kita at hanapin mo yung taong gusto mo ngayon makasama" sabi niya sa akin akmang aatras na ako sa kanya nang may binulong pa siya

Pagkatapos niyang binulong yun tsaka ako tumakbo.

Takbo lang ako nang takbo, di ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon

Bakit binigyan ako nang ganitong tadhana? Ano bang sinasabi niyang ako ang kasintahan ni vince? Nalilito na ako

Tamang tama naman nakita ko si vince na pataas na, nandito kase kami diba sa babaan, natatandaan niyo yung parang market? Yung pinuntahan namin ni kei noon, basta yun nayun

Nakita ko siya kaya bigla ko siyang tinawag

"VINCE!" sigaw ko sa pangalan niya

Nagulat naman siya sa akin at napatingin

"Hinihingal ka ata? Anong nangyari sayo?" Takang tanong niya kaya ngayon lang nag sink in lahat nang tinatrato niya sa akin

Kaya ba siya mabait sa akin? Kaya ba kung nalulungkot ako nandiyan lang siya sa tabi ko at handang handa akong saluhin?

Totoo bang si vince ang kasintahan ko noon? Pero paanong nangyari yun?

"Kailangan kitang makausap" bigla kong sabi at hinatak siya pa taas, hindi naman ako hinihingal kung excited lang ako kase daw tubig ako pero kung natatakot o kinakabahan ako hihingalin talaga daw ako

Nandito kami ngayon sa loob nang klase namin, wala naman akong alam na lugar para pag usapan, wala naman itong rooftop kagaya nang sinasabi ni caya sa amin

"Totoo bang ako?..." Parang nahihirapan ang bibig kong sabihin ang salitang binitawan ni kei sa akin

"Ako... A-ang... di ko talaga kaya

"Na ikaw ang kasintahan ko noon?" Siya na ang nag sabi sa akin kaya lang nagulat din ako nang alam niya rin

Nilagpasan niya ako at umupo sa upuan niya, kaya umupo rin ako sa tabi niya.

"Paanong nangyari yun? Paano? Wala naman akong natatandaan na sinagot kita ha?" Sabi ko pa sa kanya

Nalilito na talaga ako, hindi ko na kaya, bakit? Kung siya ang kasintahan ko? Bakit niya ako hinayaan mahulog kay kei?

Tinititigan niya lang ako pero pinalitan niya yun nang simpleng ngiti tsaka pumatak ang luha ko

"May sari-sarili kami noon buhay" pagsisimula niyang sabi sa akin

"Kaming magbabarkada sina, Elio, Kei, Jb at ako, hindi ako ganito dati alam mo bayun? Hindi kami ganito na akala niyo kami ngayon" pagsasabi niya pa

"Hanggang sa dumating nga yung apat na babaeng yun ang nagbigay nang magulo naming buhay"

"Katulad niyo rin sila iba't ibang dimension din sila katulad niyo" sabi pa niya

"Sina Bianca Roshellio Ñenniogo, Ferra Riannahope rizshakan, Hannia Dianne Theonspen, Vivian Juanttiña Kerrosratin
Silang apat ang pumunta sa akademiyang ito para baguhin ang lahat"

"Hanggang sa nakilala ko si Ferra, siya ay isang tagapangalaga nang diyamanteng tinatawag na sapphire" sa sinabi niyang yun bigla nalang nanlamig ang katawan ko

Crystal Academy (The Magical World)Where stories live. Discover now