Chapter 18: Misunderstanding

125 19 2
                                    


(Mei's P.O.V)

Hingal na hingal akong pumasok dito sa klase namin, mamaya pa kase ang continue nang festival namin

Nakita ko si kei na kakapasok lang din sa room pero iniwasan ko agad siya nang tingin

Di na ako magugulat kung nagsabay sila ni Ira na pumunta dito

Ngayon na pala kami mag c-changes nang seat pero wala naman akong pake kung sino ang katabi ko o saan man ako mapadpad

Nakita kong pumasok si Ms. Beth at nag simula na siyang mag sabi kung saan kami uupo

Si Elio sa likod pa din siya pero sa likod na siya ni Ira

Si Vince naman nasa likod ko

Si Jb nasa likod ni Caya at si Kei naman nasa likod ni Blaire

Hindi na ako nakinig sa iba pang nag papalitan nang kanilang upuan basta ako dito na ako

Pag katapos non nakinig nalang ako kay ma'am at di na sila pinakinggan pa, ingay nila kase nag aaway na naman

"Hey" dinig kong sabi nang nasa likod ko

"Vince wala akong time na makipag usap ngayon" sabi ko sa kanya nang hindi humaharap

"Anong pinagsasabi mo?" Takang tanong ni vince kaya naman napatingin ako sa likod ko at napagtanto ko na si Kei pala yon kaya napa tingin naman agad ako sa kabila at nakita ko si Vince na nandoon na sa likod ni Blaire

Nagpalitan sila?

"Ayos kalang?" Tanong niya sa akin pero di ko siya pinansin

Wala nga akong time

Nag paiwan na ako dito sa klase, mag isa ko lang dito

Wala akong gana para kumain

Wala akong galit kay Ira kase di niya rin naman kasalanan na sa kanya na fall si Kei

Kasalanan ko kase ako ang nahulog sa maling tao di ko rin naman alam na di niya pala ako sasaluhin

Lalabas na sana ako nang may narinig akong isang familiar na bosses pero di ko yun pinansin at dali dali akong lumabas, ramdam ko talagang sumusunod siya sa akin kaya dinadalian ko talaga

"Bakit kaba nag mamadali?" Takang tanong niya sa akin

"Wala kang pake don" sabi ko tsaka binilisan pa

Hinawakan niya ako sa braso kaya napa tigil ako sa paglalakad

"Bakit ka nag kakaganito? Anong nangyari?" Takang tanong niya ulit

Nagpupumiglas akong bawiin ang braso ko nang mas hinigpitan niya pa ito

"Ano bang nangyayari sa buhay ko ngayon? Bakit nagkakaganito? Dumating lang si kyle? Umalis lang si kyle? Nagkakaganito na ang buhay ko? Winasak mo yun alam mo ba?" Sabi ko sa kanya

Bakit ko siya iniiwasan? Kaibigan ko siya, hanggang kaibigan lang ok na yun

Bigla niya nalang binitawan ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya naman yun na ang chance ko para iwanan siya doon

Kailangan kong puntahan si Ira, kailangan kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, dahil di ko kayang patago akong may nararamdaman sa kanyang mahal

Kailangan kong puntahan siya at sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko kay Kei, di ko magawang magsinungaling sa kanya.

"Ayos kalang?" Pag alalang sabi nilang tatlo

Binigyan ko naman sila nang matamis na ngiti

"Hindi ka ayos" sabi ni Caya, si caya lang ang nakakaalam nang mga itsura namin kung ang pinapakita ba namin ay ang totoong kami o hindi kaya naman kung siya ang kausap mo, sabihin mo na lahat kase di ka niya papaalisin kung alam niyang may karugtong pa ang storya mo

Crystal Academy (The Magical World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon