Chapter 14: Selos

138 24 2
                                    


( Mei's P.O.V )

Di namin alam na kanina pa pala kaming nakatulala dito sa sala

Di ko parin magawang di iwasan ang mga sabi sabi nang ibang mga ka-klase namin

"Bakit nagkaganun yung mga lalaking yun? Mga kahapon lang din naman ata tayo nag camp at nakita rin naman natin na parang di naman sila masama hindi ba?" Paliwanag sa amin ni Ira

"Oo no, kahapon lang din–"

Naputol ang sinasabi nang utak ko nung bigla nalang nag salita si Blaire

"Well, camp lang yun as if naman naging close natin sila hindi ba? Oo sabihin na natin na tinulungan nila tayo na ipalabas ang mga mahika natin pero hanggang dun lang yun, wala nang malisiya pa. Well para sa iba kung ganun ang takbo nang isip nila depende nalang sa kanila pero alam naman natin na simula palang. ganun na talaga ang nakikita natin sa kanila pero bakit na shock ata kayo?" Paliwanag niya habang nag titimpla nang maiinom namin

"Ang ibig ko naman sa bihin e, yung sa una palang sana nag expect na kayo na darating at darating talaga ang gulong to, hindi dahil dinadala natin silang mag usap kahapon ibig sabihin kilala na natin sila, sabi nila speak louder than words pero malay ba natin movements recognized than speak pala" sa sinabi niyang yun napa isip naman ako

"What do you mean?" Takang tanong naman ni Caya

Kailan pa naging mabagal ang isip nang isang to?

"–na may dahilan kung bakit nila ginawa yun, all movements have an explanation guys" paliwanag niya ulit tsaka kami hinarap at binigyan nang ginagawa niya kanina

Nandito pala kami sa meeting place namin, nandito rin yung mga alaga namin nag lalaruan

kaya eto kami ngayon nag nag iisip kung anong gulo ang mga dumarating

"At saan mo naman nakuha ang mga salitang yan?" Tanong ko sa kanya

Matagal siya bago niya ako sagutin

"Sa lecture" walang ganang sabi niya sa akin kaya muntik ko na itapon sa kanya ang ginawa niyang ito

"Di ko alam na may natutunan ka pala sa mga sinasabi nang guro natin hahaha" tawang tawa sabi ni Ira

Nag kwentuhan lang kami nang nag kwentuhan hanggang sa naabutan na kami nang gabi

Kaya di rin nag tagal at umuiwi na rin kami sa mga bahay namin

Ako ang huling lumabas sa loob nang meeting room na yun

Kinuha ko si Fio para naman makalabas na kaming dalawa doon, gabi narin kasi e

Lumabas na kaming pareho ni fio hanggang sa may sa harapan naming parang wolf kaya naman biglang humarang si fio sa harapan ko

Bakit nakapasok ang isang wolf sa bahay namin? Akala ko ba may pintuan ang lugar na ito?

"Hey mic stop it!" Dinig kong sigaw nang di sa kalayuan

Di ko pa talaga maaninag ang mukha niya dahil sa dilim kahit may ilaw naman sa gilid hanggang sa palapit siya nang palapit

Si Kei...

"Fio bumalik ka dito sa tabi ko" pagsasabi ko kay fio hanggang sinunod naman niya

"Sinabi ko naman sayo mic na wag kang lalabas doon hanggang wala ako hindi ba?" Paliwanag niya sa alaga niya

May alaga pala siya

Hindi lang kami?

"Dalhin mo na siya sa labas at ikaw rin" sabi ko sa kanya at nilagpasan ko siya

Narinig ko naman na parang nagmura siya pero hindi ko na yon pinansin, baka humaba pa ang diskasyon namin dito sa labas

Crystal Academy (The Magical World)Where stories live. Discover now