Chapter 32: Sila na

54 12 0
                                    

(Caya's P.O.V)

Kanina pa ako naririto sa loob nang room na nakatingin lang kay elio kumakausap kay tasha, kanina pa ako di kinakausap ng taong yan, di ko nga alam kung ano ang naging kasalanan ko sa kanya

Break time na kasi tsaka mamaya pa kami pupunta sa opisina ni Miss Fhiona, yun kase ang sinabi ni Ma’am beth hindi ba?

Tsaka bakit ba nag ka ganito yung isang to? Simula nung nakipag usap sa’kin si Henry eh nag ka ganyan nay an, hindi ba siya na gayuma ni tasha? Hindi pa naman ako sigurado sa pinapakita ni tasha na ugali sa amin kaya dapat hindi pa namin siya pinag kakatiwalaan

Kaya sa sobrang busy ko dahil nga sa namamangha ako sa mahika ni henry nakalimutan ko siya, tsaka sino ba naman ang taong gustong makipag seatmate sa gwapong lalake hindi ba? dih ko rin naman narinig yung sinabi niyang yon.. baka narinig ko nga pero maganda na kung hindi ko alam

Kaya ngayon sa tuwing lumalapit ako sa kanya, sinasabi niya lang sa akin na busy siya, may gagawin siya tapos madami siyang inaasikaso pero eto siya ngayon nakiki-pag chismiss kay Tasha

Chismoso din pala siya, hindi ko alam yun ha

Eksaktong pag tingin ko sa kanya ulit ay nakita ko siyang nakatingin sa akin pero binawi niya yun agad kaya naman panigurado na ako na iniiwasan niya nga talaga ako, nag seselos ba siya? Kase hindi ko siya napansin kanina? O ano? Yun din naman ang natatandaan ko bago niya ako di pansinin

“ Try mong kausapin siya” sabi ni Xeoyo sa’kin. siya lang naman yung kaibigan mo maliban kina Ira, Blaire at Mei kaya feeling ko good friend siya

Bumuntong hininga ako at tumayo para kausapin sana siya kaya lang narinig kong niyaya niya si tasha na samahan siya sa dinner dahil daw sa wala siyang kasama

Wow ha wow talaga, nakakahiya sa kanya… walang kaibigan? E ano yung turing niya sa mga tatlo nayun? Tsaka siya lang naman yung umaalis sa grupo nila, sino ba yung nag sabing hindi siya bagay sa grupo? Wow ha nakakahiya talaga

Lalabas na sana ako dahil sa di ko na talaga makayanan ang inis ko sa kanya at baka kung ano pa yung mangyari sa amin kung mag tagal pa ako dito pero may narinig akong nag sigaw sa pangalan ko kaya napa tingin naman ako sa kabila ko

"Bakit ka naninigaw?" Inis na sabi ko sa kanya

"Nakita mo si Mei? Kanina ko payun hinahanap di ko makita?" Sabi niya sa akin kaya naman umiling iling lang ako sa kanya

“Alam mo ba na ikaw yung klaseng hinahanap lang parati si mei, ano ba ang ginagawa mo at pinapabayaan mo siya maka alis sa tabi mo? Sabi ko sa kanya kaya naman napa hawak lang siya sa batok niya at tumawa

“Hindi mo nga nakita” sabi niya sabay pang tawa, naku naku talaga etong lalaking ito buti nalang at nakakayanan ko ang konsensiya ko sa kanya

Hinang malalim Caya, boyfie yan nang kaibigan mo, nakakasakit sila sa ulo. 

“Try mong hanapin doon sa labas baka kasama yun ni Ira o di kaya’y iniiwasan ka” sabi ko

“Ganun ba? O sige maiwan na kita diyan hahanapin ko pa siya” sabi niya sabay takbo nang mabilis

Kung sana ganun din yung lalaking may gusto sa akin hindi ba? Yung parang hinahanap hanap ka parati at hindi yung iniiwasan ka nang hindi mo alam kung bakit

Nag lalakad lang ako rito nang biglaan kong nahagip sina tasha at Elio na papasok palang sa Library kaya dali dali akong sumunod sa kanila, buti nalang at hindi naka lock

“Anong importanteng sasabihin mo sa akin?” nag tatakang dinig kong sabi ni elio sa kanya

Sabi ko na nga bang may gusto siya kay Elio e,

Crystal Academy (The Magical World)Where stories live. Discover now