Chapter 15: Reason

102 23 1
                                    

(Mei's P.O.V)

Tinulak ko siya nung lumalapit na yung katawan niya sa akin

"Ang kapal mo" sabi ko "Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo- niyo kay kyle?" Galit na sabi ko sa kanya

"Bakit niyo dapat gawin iyon sa kanya? Hindi ba kayo naaawa ha? Akala niyo kung sino kayo? Akala niyo siguro kayo yung mga lalaking main character nang storya no?  HA! Oo nga naman hindi ba? Yung mga main character ay yung mga bad boy daw?" Sabi ko pa sa kanya na nakatingin lang sa akin ngayon

"Hindi mo alam kung bakit namin ginawa yon mei" sabi niya sa akin

Nung sinabi niya ang pangalan kong iyon, di ko alam kung bakit parang nangingilabot ako? Natatakot ba ako sa kanya o di kaya di lang ako sanay?

"Lahat nang mga kinikilos nang tao ay may rason, hindi nila gagawin nang ganun kung wala rin ginawa sa kanila ang isang tao" he said "Hindi kami gagawa nang ganung bagay na akala mo yun ay ang mga bad boy na pinag sasabi mo" sabi niya

Kaya naman napa isip agad ako sa sinabi ni blaire kahapon

all movements have an explanation guys

"Sorry" yun nalang ang nasabi ko sa kanya

"Ok lang yun" sabi niya sa akin at lumapit pa ng konti.

Binigyan niya ako nang simpleng ngiti niya na parang may halong lungkot at tuwa

Tapos napahawak nalang siya sa batok niya at humingi rin nang tawad, paulit ulit yung sorry na lumalabas sa mga labi niya

Parang hindi siya si kei na akala ko, totoo nga ang sinabi ni Blaire sa amin

Di pa kita kilala

Maya-maya lang at umalis na siya kaya naman umalis narin ako

Di pa niya gustong umalis kaso tinawag na siya nina vince at yung iba pa, mang gagala daw sila

Kaya naman pumasok na ulit ako sa loob, ni hindi nga ako nakapag pa hangin pa dahil sa kanya, ano ba naman yan

Nakita ko na wala din doon si Ira, sabi naman nina blaire at caya lumabas daw sandali nung pagkalabas niya hindi naman umabot nang ilang minuto tsaka daw ako pumasok

Nag pahangin din ata siya

Bukas pala wala na kaming klase kaya makakagawa ako nang gusto kong gawin.

Nakakapagod din naman pala ang mag aral lagi, kailangan mo din talaga nang time para mag rest.

May pumasok naman na isang mukhang studiyante pero hindi siya studiyante

Sinabi niya sa amin na wala na daw mag aatend sa amin ngayon dahil may emergency kaya papauwiin na kami

Gusto pa nung dalawang yun mag stay at hintayin si Ira pero hindi na talaga ako makapag hintay kaya naman nag paalam na ako sa kanila at nauna nang umuwi

Pero bago yun, dumaan muna ako sa cafeteria, may gusto akong bilhin

"Isang whole pizza at isang milk shake"

"Ate mga 539 po lahat" sabi nang nag babantay dito

Nagulat naman ako sa laki nang presiyo niya

"T-teka ate"

Hinanap ko yung wallet ko sa bag ko pero di ko ito mahanap

Nakakahiya naman ito, naghihintay lang yung babae sa bayad habang ako eto hanap parin nang hanap

"Eto po yung bayad niya tapos po isang milk tea" dinig kong sabi naman nung isang familiar na boses kaya napaharap ako bigla

Si kei lang pala

Crystal Academy (The Magical World)Where stories live. Discover now