Chapter 27: Something wrong

73 14 0
                                    

(Blaire's P.O.V)

Nang maka uwi na kami dito sa bahay tsaka ako huminga nang maluwag. Parang yung sigurado kang safe ka dito ganun yung feeling ko

Nung nasa camp kase kami parang di ka sigurado kung maka balik ka pa dito. Tsaka si zhepania naman sumali pala sa amin pabalik tsaka ayun buntot nang buntot na naman kay Vince kaya napansin naman namin na parang na annoy si Ira doon

Kailan ba naman maging kayo?

"Corrine~" pag tatawag ko sa alaga ko na kakarating lang papunta sa akin

Namiss ko rin naman ito eh. Kahit naman na wala akong oras sa kanya siya parin ang the best na alaga ko

"Miss mo ko diba? Miss na miss mo ko" sabi ko pa sa kanya

Nag sasalita lang naman yung mga alaga namin kung gusto nila pero kung hindi edi ayaw nila

"Blaire! Labas ka diyan doon tayo lahat sa meeting place natin!" Dinig kong sigaw ni Mei ata

Pumunta naman ako sa balkonihan para tignan kung sino ba talaga ang sumigaw non. Si mei nga talaga

"Oh, ano bang problema?'" di ko na kailangan pang ipagsigawan ang sasabihin ko kase naman alam kong naririnig niya rin yung sasabihin ko

"Boring kase kaya napag isipan namin na doon muna tayo sa meeting place, tara na" sabi niya tsaka tumakbo kasama si fio

Ang laki narin ni fio eh di ko rin naman napansin na lumalaki rin pala sila. Naramdaman kong palapit na sa akin si corrine kaya ningitian ko nalang siya

"Oh siya siya, pupunta na tayo doon. Wag nang excited" sabi ko sa kanya kase panay lipad niya eh di mapakali

Nag palit lang naman ako nang damit tsaka ako bumaba at lumabas papunta sa kung saan ang meeting place namin nun

"Medyo madami nang bunga yung mga puno oh" sabi ko sa sarili ko kasama si corrine

Hindi rin naman malayong lakbayin yung meeting place kase naman malapit din yun sa bahay ko

Nang makarating ako doon sa harapan. Lumapit ako roon at binuksan ang pintuan, bumungad naman sa akin sina lala, mimi at fio

Mas may utak pa yung alaga nila kesa sa kanila eh, ayun kase sila parang di nila ako nakitang pumasok at naka upo parin

"Oh ano ba balak niyo dito?" Pagsisira ko sa tahimik na paligid

"Sa tingin niyo ba kung matapos natin yung mission na ito. Mag hihiwalay na naman ba tayo?" Malalim na tanong sa amin ni Ira

"Bakit mo naman natanong yan?" Tanong sa kanya ni Caya

"Wala lang naman, naisip ko lang baka ganito rin yung naranasan nang sinaunang taga-pangalaga nang dyamanteng ito" sabi pa niya

Napa isip naman ako sa mga sinabi niya parang may punto rin siya eh

Knock.. knock

Dinig naming katok mula sa pintuan

Nag tinginan naman kaming lahat at nag tanungan kung sino baiyon pero walang may alam kung sino

Kaya ako nalang ang tumayo at nag buksan. yung mga lalake lang naman ang bumungad sa amin

"Heey~" ani Kei

"Ikaw bayan?" Tanong ko

"Ikaw naman, may inaasahan kabang ibang tao? hala Jb naunahan kana–"

Di natapos ni kei ang sasabihin niya nang tinakpan ni vince ang malaking bibig niyang yun

"Ang weird niyo alam niyo ba yun?" Sabi ko

Crystal Academy (The Magical World)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα