Chapter 33: Traidor

64 13 0
                                    


(Caya’s P.O.V)

“BUMALIK KAYO SA MGA BAHAY NIYO NGAYON DIN!” Kanina pang sigaw ni Miss Fhiona sa mga tao nakikita niya sa mga paligid tsaka pumunta doon at iniwan kami

“Caya, ikaw na yung bahala sa mga kaibigan mo” sabi naman ng kapatid ni Miss fhiona sa akin kung hindi ako nag kakamali si Cesar ata pangalan

Bakit sa tuwing dinadala niya akong mag salita parang feeling ko close kami? tsaka ano ba yung meron ngayon? Bakit nagkakagulo?

"Ano po ba yung meron? Bakit parang nag pa-panic po kayo?" Tanong sa kanya ni Mei

Salamat naman at sinabi mo rin. Nahihiya kase akong mag tanong lalo na at ganito pa ang sitwasyon ngayon

"May taong trumaidor sa atin.... pero wag kayong mag-alala kami na ang bahala dito at mag sibalikan nalang kayo sa mga bahay niyo, hahanapin at hahanapin din namin kung sink ang taong yun.." sabi niya habang umaasikaso sa mga iba pang studiyanteng gumagala gala pa "Sige na at bumalik na muna kayo sa mga bahay niyo at wag na wag kayong mag papapasok kahit sino" sabi niya kaya naman wala na kaming nagawa kundi sundin nalang siya at tumakbo pero bago kami umalis nakita pa namin na sinundan niya sina miss fhiona at si choby

Nag traidor? Sino naman yun? Tsaka bakit niya ginawa yun?

"Bilisan na nating tumakbo at baka may hindi masamang mangyari sa atin dito" sabi ni blaire sa amin

Kaya naman dali dali kaming tumakbo papunta sa meeting place, hindi na kami pumunta sa mga sarili naming bahay at baka mas malagay pa sa peligro ang buhay naming apat

"Doon, tayo dali!" Sino iyon?

"Ohhh, ang sisilaw naman dito, tama nga talaga ang sinabi ni koata satin" dinig ko pang sabi nila... Pero sino?

Parang narinig ko na yung pangalan nayun dati ah

"Alam ko na kung sino yung trumaidor sa atin" biglang sabi ni Blaire sa amin kaya napahinto kami galing sa kaka takbo

"Bat tayo huminto? Wag niyong sabihin na susundan niyo kung sino yung trumaidor satin habnag walang dala para pag laban? Doon nalang tayo sa bahay mag usap" sabi naman ni Ira tsaka nauna nang tumakbo kaya naman wala na kaming nagawa kundi sundan siya

Nakalimutan niya bang may mga mahika tayo? Tsaka ano pa ba yung sinasabi niyang "dala?" Ano yun mga "Armas?"

Nang pagkabukas namin nang pintuan tsaka kami umupo dahil sa nahihingal kami sa kaka takbo

"Ano ba iyon? Sino?" Deretsong tanong ni Mei kay Blaire

"Si... Tasha" nahihingal niyang sabi

Sabi ko na nga bang hindi maganda ang idinudulot nang babaeng yan dito

"Narinig mo rin ba?" Tanong ko sa kanya, well nakakarinig siya diba nang mga ka-klase namin na may gagawin na masama? Kaya ata niya alam na si tasha yun

"Ikaw ba? Meron ka bang narinig?" Tanong naman niya sa akin

"Hindi ko... AH! Oo parang may narinig nga ako kanina"

"Ano yung narinig mo?" Sabay sabay nilang tanong sa harapan ko

"Doon, tayo dali!" Pang-gagaya ko sa narinig ko kanina

"Ano kaya ang ibig sabihin niyan?" Sabi naman ni Mei

"Diba yung kay Blaire nakakarinig siya nang mga masamang 'Balak' nang mga ka-klase natin? Eh bakit nakakarinig karin?"

"Hindi ito maganda" bigla kong sabi

"Ibig ba nitong sabihin ay...." –
Mei

"Napasok nga tayo nang mga kalaban" - Blaire

Crystal Academy (The Magical World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon