Chapter 36: Caya

70 10 0
                                    


(Caya's P.O.V)

"Anong nangyari sa iyo? Bakit biglaan nalang kayo nawala sa harapan namin?" Tanong no Vince sa aming apat habang nag lalakad papunta kay Miss Fhiona. Bakit ba kasi nangyari sa aki- amin ang mga iyon? Anong ibig sabihin nun? May koneksyon ba ito sa narinig ko kanina?

"Nandito na tayo, hindi namin kayo iiwan hanggang sa lalabas kayo sa pintuan nayan" sabay turo ni Jb sa pintuan ni Miss Fhiona

"Wag na kayo masyadong mag alala ayos naman na kami tsaka nakabalik naman kami nang ligtas kaya wala na kayong dapat pang alalahanin" sabi naman ni Jb

"Paano kung hindi na nga talaga kayo nag balik? Paano kung nangyari na naman ang hindi dapat mangyari? Paano ku-

"Jb, tapos nayun nandito na kami. Nandito na ako"

Nakita kong lumapit si blaire kay jb tsaka niya ito niyakap, alam kong biglaan ang mga pangyayari kanina pero sana maayos na namin ito

Nang nagkaayos na sina jb at blaire at tinginan pa kami nang mga lalake bago kami pumasok

"So nangyari na talaga" bigla niyang tanong

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagtataka kong sabi sa kanya

"Bago kayo bumalik sa pinanggalingan niyo ano pa ba ang mga hindi magandang nangyari sa inyo?" Tanong niya sa amin sabay tayo at umalis sa kina-uupuan niya pero tanging iling lang ang natanggap niya sa amin

Mag si handa na kayo

"Te-teka" sabi ko kaya naman lahat nang attention nila ay napunta sa akin

"Ano bayun caya? Tinatakot mo naman kaming lahat dito" sabi ni Mei n nandito lang naman sa tabi ko

"Parang may narinig ako mula sa kanila bago kami mag wala sa lugar na ito"

"Anong ibig mong sabihin? Anong salita ang gusto nilang iparating?" Sabi niya na para bang nag hihintay talaga siya nang ano man ang sasabihin ko

"Mag si handa na kayo" panggagaya ko sa narinig ko kanina

"Ano bang ibig niyang sabihin? Mag handa? Para saan?" Nagtatakang sabi ni Mei

"Malamang Mei gusto nila tayong mag si handa sa mga paparating na peligro sa Crystal academy- wait tama ba ang sinabi ko?" - Blaire

"Oo, alam kong ganyang din ang nasa loob nang isip niyo at lahat nang iniisip niyo ngayon ay tama kaya dapat ngayon palang ay mag si handa na kayo bago siya darating dapat handa na tayong lahat, sasabihan ko rin ang lahat nang mga guro na wala munang klase mula ngayon" paliwanag niya

"Caya, wag mong sabihin na magkikita na naman tayo pati nang-

"Tama ka, kaya ngayon palang dapat mag si handa na tayo" sabi ko sa kanya

Nang matapos na kami sa pag sasabi kay Miss Fhiona bubuksan ko na sana ang pintuan pero biglaan nalang ako napunta sa lugar

Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, ano bang nangyayari ngayon? Mei? Ira? Blaire? Nasaan kayo?

Bakit parang nasa gubat ako? Bakit ako nandito? Sinong nag dala sa akin papunta dito? Ganito rin ba ang nang yayari sa apat na iyon?

(Ira's P.O.V)

"Caya? Bakit ka tumigil? Buksan mo na" sabi ko sa kanya biglaan ba naman ma statwa sa kinatatayuan niya

"Caya?" Sabi naman ni Blaire sa pangalan niya at hinawakan siya sa balikat niya pero bigla nalang siya nawalan nang malay at bumagsak nalamang siya sa sahig dahilan kaya naman nag panik kami agad

Crystal Academy (The Magical World)Where stories live. Discover now