Chapter 31 : Status

67 13 1
                                    


(Caya's P.O.V)

"Ano ba, kanina ka pa nan diyan sa likod ko nang-gigigil na ako sayo Caya promise talaga" Inis na sabi sa akin ni Blaire

"Ano ba kase talaga ang nangyari sa inyo kagabe ha? Bakit biglaan ka na lang nag ka ganyan?" Nagtataka namang tanong sa akin ni Mei

"Ano ba kayo guys, style ko lang ito hindi ba kayo sumasale sa uso?" Tanong ko sa kanila

"Ewan ko diyan sayo Caya, manahimik ka nalang diyan nga" sabi naman ni Ira tsaka nag simulang mag lakad ulit

Kanina pa kase ako nasa likod ni Blaire para naman safe hindi ba? Para kung sakaling makita ko siya ay agad ako maka iwas sa kanya

Nahihiya ako sa mga ginagawa ko sa kanya kahapon, parang hindi ako si Caya e, ayoko. Gusto kong bumalik sa dati kong buhay, ayoko na dito

“Umm, Excuse me” Sabi nang babaeng nasa harapan na namin ngayon

Sino ba siya? Parang Familiar yung mukha niya ha

“Parang may na aamoy ako ditong hindi maganda ha” bulong ni Blaire sa akin kaya naman napatingin ako sa likod nang buhok niya kase nga diba nandito ako sa likod niya

“Anong ibig mong sabihin?” Mainahon ko naman sabi sa kanya yung para bang kami kami lang yung nakakarinig

“Di ko alam pero parang hindi siya mabuti e ‘parang’ lang naman ‘parang’ lang hindi naman ako 100 % sure ok tsaka kung hindi ako nag kakamali ay ka-klase natin yan e” bulong niya parin sa akin tsaka alam ko naman na walang nakakarinig sa amin kase nasa likuran kaming dalawa

“A-ako po si Tasha.. ka-klase niyo po ako” sabi niya sa amin na nkaa yuko parin tsaka tumingin sa akin

Nakakakilabot naman yung tingin nayun, para san yun? Bakit ganun siya kung maka tingin parang wagas

“Ano po kase–

“Wag ka nang mag ‘po’ sa amin kase naman kaisng edad ka lang naming kaya drop the ‘po’” sabi ko nalang para naman di halata na nagulat ako sa tingin niya sa akin

Pero nagulat lang talaga ako dahil ganun nalang ang tingin niya sa akin, ano iyon ako lang yung ayaw niya? Unfair

“Ano kase…. Kung may hindi pa po kayo alam tungkol sa mga bagay na hindi kayo pamilyar pwede niyo naman po sabihin sa akin.. sa amin” sabi niya tsaka sabay pag laho niya.. teka nagging paro-paro siya

Ganun ba nag side effect nang mahika niya? Ano kaya yung sa aming apat, tsaka ang tagal na naming dito ngayon pa siya nag request?

“Baka nahihiya lang siya noon na sabihin ito sa atin” Sabi ni Ira bigla sa amin tsaka kami nag simula nang mag lakad at tsaka ako naman umalis narin sa kakatago sa likod ni Blaire

“Anong ibig mong sabihin Ira?” Tanong ko sa kanya

“Hindi niyo ba nahahalata noon? Ay akala ko nahalata niyo na” sabi naman ni Blaire

“Ano kase iyon?” sabi naman ni Mei

So ako tsaka si Mei hindi naming napansin yung about kay tasha nayun pero sina Blaire naman pati si Ira nahalata nila na… ang alin?

“Well, madalas naming siya nakikita na sumusubaybay sa atin lalo na kapag nan diyan yung mga boys sa paligid natin” sabi ni Ira

“Tsaka napansin mob a Ira na palaging nakatingin yung babaeng yun kay Caya?” sabi ni Blaire sa kanya

Sa akin? Bakit ako?

“Nakita ko rin siyang naka tingin kay Caya kanina” sabi pa niya

Crystal Academy (The Magical World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon