Chapter 35: Paalam

76 10 1
                                    


(Caya's P.O.V)

"Gising na nga kayo diyan, ang hirap niyo namang gisingin buti nalang ay walang klase ngayon" dinig kong sabi ni Blaire sa tabi ko

Ayoko pa naman gumising dahil sa tinatamad ako tsaka mabigat pa ang mga mata ko dahil inaantok pa ako, ayoko talagang gumising

"Hoy!, Ayaw talagang gumising ha" - Mei

"Ahhhh!!!!" Sigaw ko nalang sa ere dahil sa ginawa niya sa akin

"Oh ayan, gising ka narin" -Ira

"Ano ba naman yan, inaantok pa ako e, tsaka wala rin namang klase ngayon kaya bakit dapat ako gumising nang maaga?" Walang gana kong sabi dala na ata sa antok

"Ayan kase wag ka pang matulog nang maaga ikakabuti yan sayo sure ako" sabi ni Ira sa akin sabay tango pa

"Haysstt sige na nga, maliligo pa ako roon hintayin niyo ako–

"Pero saan tayo pupunta? Ngayon na wala tayong klase dahil sa nangyari kahapon" pahabol na sabi ni Mei sa akin

"Kung wala bang klase ngayon bawal nang maligo? Wag mong sabihin na hindi ka pa pala naliligo?" Sabi ko naman sa kanya

"Ay wow naman, nag sabi lang ako kung saan tayo pupunta wala akong sinabi na bawal maligo nang dahil lang sa walang klase" -Mei

"Oh siya siya, patapusin niyo muna ako maligo bago tayo mag decide kung saan tayo pupunta, basta wag niyo akong pag usapan ha mga backstabber pa naman kayo" tsaka ako ngumiti nang pa sikreto

"Nang galing pa talaga sayo ha" sabya na tawang sabi naman ni Blaire sa akin bago ako pumasok sa loob nang banyo ko at naligo na

Nang pagkalabas ko wala na sila dito sa loob nang kwarto ko, baka lumabas na at para naman mabigyan nila ako nang privacy diba?

Hindi na ako nag tagal at nag damit narin ako, pagkarapos kong mag damit at mag pulbos tsaka ako lumabas at nakita ko naman silang lahat na nasa sala na

"Oh ayan na pala" – Jb

"Elio! Nandito na siya, lumabas na siya kaya pumasok kaya naman wag ka nang malungkot diyan baby boy" – Vince

"Anong baby boy? Mukha mo" sabi naman ni Eli tsaka umupo nang maayos

"Anong ginagawa niyo rito? Bakit kayo nandito? Sabi ko sa kanila tsaka umupo sa tabi ni eli

"Gusto mo ba kaming palabasin? Parang yun din naman ang punto mo e" sabi naman ni kei

"Kung pwede lang naman, sige na" sabi ko sa kanya pero binigyan lang naman niya ako nang piece sign

Pero hindi ko lang naman siya pinansin at tinignan si elio

"Bakit kayo naparito?" Tanong ko sa kanya hinawakan niya naman ang kamay ko tsaka tumingin sa akin

"Na miss lang naman namin kayo, yun din ang gustong iparating ni Elio"– Vince

"Na miss? Agad agad? Kahapon lang naman tayo hindi nakapag kita ah" biglang sabi ni Ira bigla kay Vince

"Oi, bakit ganyan an– teka hindi niyo ba kami na mi-miss?" Sabi naman ni Vince sa kanya

"Hindi!" Sigaw nang tatlong babae

"Ouch naman kung makapag sabi dapat bang sabay sabay?"– Vince

Caya naririnig mo ba ako? Caya? Kung nairirinig mo man ako pwes mag si handa na kayo

"Ano yun?" Bigla kong sabi

"Bakit?" Tanong niya naman sa akin

Pero tinignan ko lang siya, nag iisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang narinig ko o hindi

Crystal Academy (The Magical World)Where stories live. Discover now