Chapter 37: Elio and Fhiona

54 9 0
                                    


(Caya's P.O.V)

"Ano ba dapat ang gagawin natin para makabalik na tayo sa mga katawan na dapat kahapon pa nangyayari?" Biglang sabi sa amin ni Ira habang eto nag lalakad lang

"Tsaka kanina pa tayo lakad nang lakad dito, pero pa ulit ulit lang naman ang pinupuntahan natin sigurado ba kayo na tama ang mga nasa isip niyo?" Sabi naman ni Blaire

Wala na akong magawa kundi umupo at bumuntong hininga

"Pati nga ako di ko na alam kung ano ang gagawin ko, nag alala narin ako sa mga katawan natin paano kung–

"Wag kang mag isip nang ganyan caya, bago kami makapasok dito alam namin na inaasikaso na nina Miss Fhiona at ang mga lalake ang mga nangyayari sayo paano pa kaya na tayong apat ang nandito?" May punto rin naman ang sinabi ni Mei kaya napa tango nalang ako

"Ano ba talaga ang ginagawa nang mga lalake ngayon? Kumusta narin kaya ang mga nangyayari sa labas? Masama ang kutob ko dito" sabi ko

"Lahat tayo nakakaramdam nang ganito pero uminahon kalang at mag tiwala sa kanila magiging maayos din ang lahat" – Blaire

Tumango lang ako sa kanya at tumingin ulit sa harapan ko


(Jb's P.O.V)

"Pakshit naman to, bakit sila pang apat ang kunin? Ano bang pinaplano nang mga gumagawa nito?" –Jb

"Yung bunganga Jb yung bunganga mo, kahit ano ang gawin mo o ano ang sasabihin mo dito alam kong naririnig ka ni blaire at alam korin ang sasabihin niya sayo kung narinig niya yun" – Vince

"Bakit hindi ka ba nag alala sa kanila? Hindi ka ba nag alala kay Ira? Paano kung hindi na sila makakbalik ulit? Paano kung–

"Walang mag iisip nang ganyan, alam natin na nag alala din kayong lahat para sa kanila pero mas nag-aalala din naman sila sa kanilang sarili mas sobra ang panganib na dinadala nila kaya dapat maniwala nalang tayo sa sarili natin na makabalik sila satin" paliwanag ni Vince sa aming apat

Si Miss fhiona naman simula nang makuha rin yung tatlong babae hindi na siya unalis pa pero bago nun sinabihan niya muna si chuby na kailangan niyang bantayan ang mga babae

(Flashback)

"Nabalitaan ko ang nangyayari dito kaya ako muna ang mag aasikaso babalitaan ko nalang si Cesar sa mga nangyayari sa inyo ngayon"

Pero sana naman bumalik na sila sa madaling panahon para ayos na ang lahat

Tatalikod na sana siya nang tinawag siya ulit ni Miss Fhiona kaya napa lingon siya ulit sa amin

“Ikaw na ang bahala sa mga studiyante, balitaan mo nalang ako dito kung ano ang mga ginagawa nila tsaka nandoon din naman si Cesar kayo na ang bahala”

“Opo Ma’am” tanging sabi niya kay Miss Fhiona bago nag laho na parang bula

“Ano na ang mangyayari sa kanilang apat? May nagawa na ho ba kayo para maibalik niyo sila dito?” Nag aalalang tanong ni Kei sa kanya

Pero tanging iling lang ang binigay niya sa amin

“–Pero nasa kanila ang ang disisyon kung gusto nila ba talaga bumalik dito oh hindi–

“Anong klaseng tanong yan? Anong wala kayong alam?” sabi naman ni Vince sa kanya

“Alam natin na nabalitaan na ni Koata na buhay pa nga ang apat na tagapangalaga nang mga diyamante at alam na natin kung ano ang gusto niyang mangyari kaya nangyayari sa’tin to ngayon, ang gagawin na lang natin ay mag handa sa ano man ang mangyayari ngayon”

Crystal Academy (The Magical World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon