Chapter 21: Vacation 1

94 20 0
                                    


( Ira's P.O.V )

"Pagka tapos niyong mag ligpit nang mga gamit niyo, nandoon lang kami dalawa sa labas ha" sabi ni Caya sa amin ni Blaire

Bakit ba kase pati ako ipasama, eh sa ayoko ngang sumama

"Balita ko maganda raw doon, yung sinabi ni Mei sa atin kahapon" sabi ni blaire sa akin habang nag aayos nang mga gamit niya

Wala kasing pasok ngayon, holiday daw kaya napag-isipan nila na mag vacation daw, kaya pati ako nadamay narin

"Dih ko alam pero parang wala akong ganang sumama" sabi ko sa kanya

"Ano bang nangyayari sayo? Kahapon kapa, may problema ba? Tanong niya sa akin
Napatingin naman ako sa kanya, nag iisip kung sasabihin ko ba o hindi

"Wa-wala" sabi ko

Hindi ko na sinabi sa kanya para hindi na sila mag alala

"Oh sige, halika na at baka magalit na naman si Caya sa atin" sabi niya tsaka umalis

Sumunod naman ako sa likod niya

"Bilisan niyo na at baka madami nang tao ang nandoon" sabi ni mei sa amin
Nag

Lakad lang kami nang nag lakad hanggang sa nakalabas na kami nang gate

Bumugad naman sa amin yung mga kalalakihan pero wala si Vince at Elio

Si Jb pumunta sa tabi ni Blaire kaya naman parang naiilang sa kanya si blaire

Eto naman yung dalawa eh ayun parang kulang nalang lalanggamin na

"Nauna na yung dalawa sa camp, para daw mag linis ng mga kalat doon" paliwanag ni Jb tsaka kinuha yung bag ni Blaire

Kahapon payan yung dalawang yan, ano bang nangyayari

Dih ko na sila pinansin at nag simula nang mag lakad, mga ilang minuto lang ay napunta na namin kung saan ang sinasabi ni Mei at yung mga lalaki sa amin

"Welcome to Desert Land"

Yan yung naka sulat sa itaas, may pangalan kase eh

So desert land pala ang tawag dito

Pagkatapos kong basahin yun, dih ko alam kung bakit bigla ko nalang siya hinanap

Sira na ata pati ang mata ko ngayun

Nahagip ko naman si Zhepania na parang may tinutulungan na isang lalake, nung naging malinaw na sa akin kung sino yun, bigla naman ako nainis

Nakita ko naman na nakatingin na sina Caya at Blaire kay Jb kaya dih na ako tumingin ulit

"Bakit sila nandito?" Takang tanong ni Caya sa kanya

"Di ko alam, di rin naman namin sila inimbita dito, pramis" sabi niya tsaka itinaas ang isang kamay na para bang nag panatang makabayan lang

"Oh, bat ka sa akin nakatingin? May ginawa ba ako? Hindi naman ako ang nag tanong sayo eh" sabi naman ni Blaire sa kanya

Weird si Jb ngayon

"Hali na kayo, baka kanina pa yung mga yun nag hihintay sa atin" sabi ni Caya tsaka nag simulang maglakad

Wala naman mali sa kanya hindi ba? Ano bang ikinatatakot ko? Hindi naman siya weird tapos hindi pa-

Sa kaka isip ko bigla ko nalang tinignan si Jb na ngayun ay pasimple na Tumitingin kay Blaire

Dali dali ko naman yung inalis sa isip ko at umiling iling

Hindi naman kay Jb tumama ang hiling ko diba?

Ano bayan

"Nabalitaan namin na nandito yung tatlo, sinong nag imbita sa kanila?" Pagsisimula ni Kei kay Vince

Crystal Academy (The Magical World)Where stories live. Discover now