Chapter 28: Room

71 12 0
                                    


(Blaire's P.O.V)

"Ano bang nangyayari dito at nag iinitan na naman kayo?" Dinig kong sabi nang lalaking papalapit sa amin

"Jb~" malanding sabi niya

Nakaka taas balahibo ang babaeng ito. Sa inis ko iniwan ko nalang silang dalawa at pinuntahan yung mga babaeng yun

Lagot kayo sa akin mga traidor

***

Nang makarating ako sa loob nang meeting place bigla ko nalang sila sinigawan kung bakit nila ako iniwan

At ayun panay tawa lang nila sa akin ni hindi nila alam kung anong nangyayari

"Nakapag kita na ba kayo ni Kei?" Tanong ko kay mei nang napagod na siya sa kakatawa, pero umiling lang siya.

"Hinahanap ka'nun haha naligaw na ata sa kakahanap sayo" tawa ko sa kanya

"Bakit ngayon mo lang sinabi yan?" Aniya niya sabay takbo at umalis

Importante talaga ang jowa kesa sa mga gagawin namin ngayon ha

"Bakit kaya ganun ang mga naramdaman natin nung nasa loob tayong lahat?, well except kay choby. Anong ibig sabihin nun?" Pag sisimula ni Caya

Marami rin pala ang hindi namin alam kahit ang tagal na namin dito o sadyang wala lang kaming oras para isipin ang mga ganitong pangyayari

"Habang maaga kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin, kailangan nating malaman yun" sabi naman ni caya

Medyo hindi talaga biro ang gaganapin namin ngayon ha

"Guy's ika-dalawang araw ngayon bago gaganapin ang prom natin!" sigaw ni mei na kakarating lang

"Saan mo naman nabalitaan yan?" Ani Ira tsaka umupo. Kanina pa kasi siya naka tayo, "kay kei, sinabi niya sa akin kanina lang" sabi naman nito

"Kung ganun kailangan na nating mag si handa sa mga susuotin natin" sabi ko kaya naman yung mga tingin nila ay napunta sa akin

"Tatlong araw pa naman ang meron tayo blaire ano kaba" sabi ni Ira. Para lang naman sigurado na may susuotin ako kung sa araw nayun

"Sige babalik nalang tayo rito kapag-

"Kailangan lang natin masigurado kung ano ba talaga ang mayroon sa lugar nayun" sabi ni Caya

"Gusto mo talagang pumasok? Sigurado ka na niyan?" Tanong naman ni Ira sa kanya

Halatang hindi siya kumportable sa lugar na iyon, pati rin naman ako pero kailangan namin pasukin kung ano ba ang tinatago nang nasa loob nang globong yon

"Papasukin nalang natin yan kung sigurado na tayo, yun din naman ang sinabi ni choby hindi ba? Kailangan nating mag isip isip" sabi naman ni mei tsaka umupo sa tabi ni Ira

"Oh sige bukas. kailangan natin bumalik doon at alamin kung ano man ang nandoon, tayo ang inaasahan nang mga tao rito kaya dapat mas may alam tayo kung anong nangyayari noon" paliwanag ni caya

Bukas? Kailangan talaga bukas?

"Pero kung matapos na natin yun, pwede na bang pumili nang gagamitin? Para may maisu-suot tayo" sabi ko

"Oo na, pero dapat malaman natin kung ano man yun"

Nag si tanguan naman kami at tinawag ko si corrine para iparating kay miss fhiona na handa na kami para malaman bukas kung ano ang nasa loob

Nang matapos naming mapag desisyonan ang gagawin para bukas ay pumunta na kami sa kwarto namin pero dito parin sa meeting place

may sarili kaming bahay pero isang kama lang ang nandoon para siyang simple na bahay para sa isang tao. Yung meeting place naman ay para siyang bahay na may apat na kwarto pero mas malaki nga lang ang sala

Crystal Academy (The Magical World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon