Chapter 38: It's good to see you... Again

64 14 0
                                    


(Caya's P.O.V)

“Kailangan na nating mag handa, napasok na tayo” sabi nito dahilan kaya naman ang mga kasama ko dito nag panic na

Sino ba naman ang hindi mag papanic kung biglaan nalang naming malalaman na napasok na pala kami? kakagising palang naman namin e,

Tatayo na sana ako nang may biglang humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya

"wag ka muna sasama" tanging sabi niya sa akin, hinawakan ko naman ang kamay niya tsaka ko iyon inalis

"wag ka nang mag alala magiging maayos din ang lahat" sabi ko

"Hindi pa maganda ang pakiramdam mo, bagong gising kalang tapos papasok ka aagad sa giyera? Ano ba naman Caya"

"Elio, walang tao ngayon ang makaka takas sa giyerang ito kung may mamatay. Mamatay, wala na tayong magagawa eli kailangan na natin itong harapin" sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin. hindi niya inaalis ang mga tingin niya sa mga mata ko.

Hinawakan ko nalang ang mga kamay niya na ngayon ay nanlalamig na, hinigpitan ko iyon bago ako tumalikod sa kanya at pumunta kay Ira kung saan naman na pinag sasabihan din pala siya ni Vince.

"Vince huminahon ka nga, akala mo naman kung ano ang mangyayari sa aming masama" sabi nito kay Vince

"Hindi porket na sa inyo ang mga diyamante ay kaya niyo na si koata, hindi niyo alam kung gaano ka lakas si koata, Ira" sabi nito

"Vince, wag kang mag alala hindi ako mag papahuli o kahit manla–

"Ang gusto ko lang naman Ira ay dito nalang kayong apat, wag na kayo sasama sa labas"

"Pero Vince alam mo naman kung ano ang rason kung bakit sila pumasok dito hindi ba? Pumunta sila dahil sa amin dahil alam na ni koata na buhay kami" sabi pa nito pero hindi niya na tinapos pa ang sasabihin niya at tinalikuran niya na lamang si Vince tsaka lumapit sa akin.

"Ayos lang ba kayo? Hindi naman kayo nag away diba?" sabi ko sa kanya nang maka lapit na siya patungo sa akin

"Nakita mo?" tanong niya sa akin kaya naman tumango lang ako at ngumiti sa kanya siya naman ayun nahihiya na

"Pasensya ka na dahil nakinig ako sa mga usapan niyo–"

"Mali ba ang desisyon natin? Na sumama sa kanila?" mainahon niyang sabi.

"wag kang mag-alala ganyang ganyan din ang trato sa akin ni Elio kanina"

"Pati si Dark guy pinagalitan ka? himala" sabi niya

Tsk, hindi naman ito nakikinig sa sinasabi ko.

"Ready na ba kayong dalawa" Dinig kong sabi ni Blaire na patungo narin sa amin kasama niya si Mei

Tumango lang kami ni Ira sa kanilang dalawa

"Pasensiya na kayo dahil sa mga nangyayari ngayon, pero eto lang ang maisasabi ko sa inyo, kahit anong mangyayari wag niyong pababayaan ang mga kasama niyo at ang mga kaibigan niyo nai-intindihan niyo ba ako?” sabi niya sa amin

Alam kong masakit din sa kanya ang mga pangyayaring ito dahil saksi ako kung paano siya nag tiis sa mga ginagawa ni koata sa kanila at lalong lalo na sa mga mangyayari ngayong araw na ito

Alam kong marami kaming hindi naka pag handa pero dapat kaming patuloy na matatag at patuloy na malakas

Ramdam kong hinawakan ni Elio ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya na-naka tingin lang sa harapan at nakikinig sa kanyang ate.

Hinigpitan ko naman ang hawak niyang yun pero hindi rin nag tagal ay binitiwan niya na dahil sa kailangan na niyang tabihan yung mga ibang lalake.

"Alam niyo hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun nalang yung mga lalakeng pag sabihan tayo, pero sana naman walang mangyayaring masama sa atin na ngayon pa ay alam nating lahat kung anong habol ni koata" sabi ni Mei

Crystal Academy (The Magical World)Where stories live. Discover now