Chapter 13: Friends

111 26 2
                                    

(Mei's P.O.V)

Nag aasikaso ako ngayon dito sa library, nabalitaan ko last week dito daw nanggaling sina Caya at elio pero bakit pagkapasok ko palang eh, parang wala rin naman nag bago?

Malapit narin naman ako matapos, at malapit narin maging malinis ulit ang libraring ito

Kadalawang tao di kayang linisin pero ako iisa ko lang di pa naman ako naabutan nang ilang oras e malapit na akong matapos, kesa naman sa dalawang yon hindi ba?

Dapat lang talaga na i flex ko yung sarili ko no.

Kahit konti walang binago nila dito, madaming libro ang nakaka handusay parin dito.

"Ganito ba sila mag sauli nang libro? Tapos di pa naman sila yung nag lilinis dito?"

"Nasira yan dahil sa nangyari noon" dinig kong sabi nang nasa likod ko.

"Ay palaka" sigaw ko nang marinig ko ang nagsasalita mula sa likod ko

Di ko alam kung ano ang gagawin ko sa ungok na ito

Nakalipas din ang ilang araw, di ko siya pinapansin, busy kasi ako at tsaka sino ba ako para makipagpasinan lang sa kanya? Eh di naman kami close hindi ba?

"Ahhh..." Sagot ko nalang sa kanya

Wala pa kasi akong masabi sa kanya e, mawawalan ako nang sasabihin sa tuwing nakikita ko siya

"Tulungan na kita" ani niya tsaka niya ginawa ang pagpulot nang mga libro

Hindi na ako umimik at pinabayaan na siya sa ginagawa niya

Maaga rin naman kami natapos kaya naman lumabas na ako

"Hello" bati nang isang lalaki sa akin

"Hi" bati ko naman sa kanya kahit di ko siya kilala

"Di mo na ata ako nakilala ha" sabi niya sa akin kaya naman na curious agad ako kung sino siya

Umiling iling lang ako nang panigurado ko na hindi ko talaga siya nakikilala

"Ako yung maliit na fairy nag dala sa inyo rito" sabi niya sa akin

Si choby ba ang tinutukoy niya? Pero bakit hindi siya mataba?

"Ako to si choby" pagka banggit niya yun tsaka ako nakatingin sa kanya nang matagal

"Chobby?" Tanong ko ulit sa kanya

Hindi siya gaano ka bata dahil kasing edad na daw sila ni head mistress

"Anong ginagawa mo dito?" Nakangiting sabi ko sa kanya

"Nag iikot lang" sabi nito

"Kailan mo pala balak na lumayas dito?" Biglang tanong ko nang nakita kong papalapit na s amin ni Kei

Di ko alam kung bakit ako nag kakaganito eh pero ang alam ko lang ngayon ay gusto ko lang siyang iwasan

Sa sinabi kong iyon bigla naman siya napa tingin sa akin

"Wala pang sinasabi sa akin ni miss fhiona" sagot ni choby sa akin

"Kung gusto mo sanang umalis eh sana una palang hindi kana pumasok dito" biglang sambit niya sa akin kaya naman lumingon ako sa mukha niya tsaka ko siya inirapan at umalis

Nakakainis akala ko ba naman si elio lang ang may ganong linya? Akala ko mabait siya? Pero nagkamali pala ako

Pumunta na ako kung nasaan sina blaire, caya at Ira pero di ko mahanap kung nasaan sila kaya naman pumunta nalang ako sa music room at nag patugtog nito


Crystal Academy (The Magical World)Where stories live. Discover now