Chapter 23: Aminan

89 15 0
                                    


"Wag kayong mag landian dito, kung gusto niyo don kayo sa labas" nag hahalikan sila nang maabutan ko, pero bigla rin siya humiwalay doon

"I..ra" yun nalang ang nasabi niya

"Ira let me explain" ano pa? Para saan? Para sabihin niya na hindi niya yun ginusto?

"Wag na" mabilis kong sabi sa kanya

Konting konti nalang iiyak na ako, di ko alam kung dahil saan bakit ako naiiyak basta naisip ko nalang na tumalikod at bumalik sa kwarto

Sinigurado kong naka sara ang pintuan ko para di siya maka pasok

And that's it

Nahulog na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan

Tumatawa ako nang mahina sabay iyak ko rin, di ako maka paniwala na umiiyak ako nang dahil sa kanya

Lumapit na ako sa kama at napahiga nalang habang umiiyak

Aanhin ko ba ang iyak ko? Di rin naman niya alam kung anong nararamdaman ko hindi ba?

Bukas nalang nga ito at baka dahil lang ito sa dala nang antok, ayoko na

...

Nagising ako nang dahil sa ingay.. sobrang ingay doon sa labas, ano bang meron ngayon? Wala naman atang piyestang magaganap hindi ba?

Dali dali akong umalis sa higaan ko at pumasok sa banyo para maligo at mag sipilyo narin

Ako nalang ata ang late ngayon, dahil sa sobrang ingay nila nahuhulaan ko na rin kung sino ang mga nasa labas

At tama nga ako

Nandoon na yung tatlong babae tsaka yung tatlong lalake

Di ko naririnig ang mga ingay ni Vince tsaka di ko rin siya maramdaman

Wala ba siya sa labas? Ahhh baka nandoon kay Zhep, paano ko ba naman yun makakalimutan

Pagkatapos kong maligo lumabas narin ako at nag damit, mabilis din naman nagtuyo ang mga buhok ko dahil sa ginamit ko ang mahika ko para doon

Pagkatapos kong mag damit nag suklay muna ako tsaka lumabas

Di na ako makapag hintay para alamin kung anong nangyayari sa labas

"Ikaw taya ano ba!" Dinig kong sigaw ni Blaire kay Kei

Anong ni lalaro nila? Di ko alam kung anong nilalaro nila pero ginagamit nila ang mahika nila para dito

Pinabayaan ko nalang silang dalawa doon at pinagmasdan ko ang paligid

Totoo ngang wala nga siya dito

Umupo ako malapit sa mga paglalagyan nang diyaryo para sana di ako ma sturbo niya

Ramdam ko naman na ang mga tingin nilang lahat ay nasa amin, pero wala akong pakialam doon

Basta ang gusto ko lang ay mapag isa

"Kanina pa siya nakatingin sayo dito ha, may problema ba kayo?" Dinig kong sabi sa akin ni Jb

Nandito pala siya sa tabi ko

"Wala" mainhin na sabi ko sa kanya

"Wala pala eh—" di ko na siya pinatapos dahil akmang tatawagin na niya si Vince

"Ano bang ginagawa mo?" Takang tanong ko sa kanya

"Tinatawag siya, masama bang tawagin siya palapit dito? May sasabihin lang naman ako sa kanya ha" sabi naman niya sa akin

Napatingin naman ako kung sinong tinutukoy niya pero nawala bigla ang gana ko nung makita ko siyang nakatingin dito

Bumalik ang tingin ko kay Jb nang naka simangot "Bahala ka diyan" tanging yan nalang ang nasabi ko bago ako umalis sa kaka upo doon

Crystal Academy (The Magical World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon