"The Return"

78 2 0
                                    

Chapter 3~ 

"Bianca"bulong ng lalaking to. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nakilala ko sya agad. 

"Chris." 

Noon ko lang napansin na nakayakap pa din kami sa isa't isa. Madali akong kumawala sa mga braso nya. Nadama kong nag-iinit ang aking mga pisngi. 

"Thank you for saving me."sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Hinawakan nya ang baba ko at iniangat ito hanggang tingnan ko sya sa mata. Pinahid nya ang mga luha ko. 

"Ayos lang yon. Bakit ka ba naiyak?"tanong nito. Hindi ako sumagot.  

Tumango na lang sya at inakbayan ako. "Yeah, it's none of my business. Tara, let's go find a place kung saan tayo pwede mag-usap."sabi ni Chris. 

I know I shouldn't be doing this, pero wala naman akong magawa. Aside from gusto kong alisin sa isip ko yung nakita ko kanina, I wanted to be with Chris, my savior...and my first love. We ended up dito sa Starbucks.  

"So Bianca, kamusta ka na?"tanong ni Chris. 

"I'm fine." 

"Siguro susundan mo yung career ng daddy mo 'no?" 

"Oo. What are you doing here in Manila?"tanong ko. 

"Dito ako magka-college. Inasikaso ko kasi muna yung business ni Dad back home."nakangiti nyang sagot. Neither of us said anything after that. 

"Bianca, gusto ko pag-usapan yung tungkol sa ating dalawa."bigla nitong sinabi. 

Buti na lang iniabot ng isang employee ang order namin. I had time to think for my response. Nang makaalis ang waiter, Chris talked. "Bianca, I still love you. Naging makitid ang utak ko at nakipagbreak ako sayo over a stupid thing such as your leaving for Manila."sabi nya. 

I sighed. I took a sip of my latte. "Ano ngayon ang gusto mong mangyari?"tanong ko sa kanya.  

"I want us to be together again, Bianca." 

Oh Lord! Bakit Niyo po ako binigyan ng ganitong trial? "Chris, I have a lot on my mind now. Wag muna. At isa pa, nasaktan mo na ako noon. I need time to think. And I have to go."sabi ko. Tumayo na din ako. Hinawakan ko ang kamay nya. "Thanks again." 

"WAIT!" 

Lumingon ako. Chris is running to me.  

"Ihahatid na kita. Para naman sigurado akong safe kang nakauwi."nakangiti nyang sinabi.  

"Chris..."I complained. 

"Please?"he begged. Ngumiti na lang ako. 

Nang makauwi ako, nakita ko si Daddy na nanonood ng football sa ESPN. Naupo ako sa tabi nya. He put his arm around me and kissed my forehead. "Nakarinig ako ng sasakyan. Bati na siguro kayo ni Sam."sabi nito. 

"Hindi po. Si Chris po yung naghatid sa akin."sabi ko. "Chris? Yung boyfriend mo nung first year ka?"tanong nito. 

"DADDY! Ang tsimoso nyo ni Mommy!"sigaw ko. "Ay naku, itong dalaga ko! Di ko na nga tatanungin. Matulog ka na, gabi na."sabi nya. 

Napangiti ako. I kissed him on the cheek. "Thanks Dad. Goodnight po."sabi ko at umakyat sa taas. 

Pagpasok ko ng kwarto ko, inihagis ko na lang ang bag ko at ang mga pinamili ko sa isang sulok. Kinuha ko ang phone ko at sumalampak sa kama ko. Ano bang nangyayari sa love life ko? Aayusin ko na sana ang relationship namin ni Sam pero mukhang may iba na sya. And the person from my past reappeared. Mahal pa din ako ni Chris. Gusto nyang maging kami uli. I feel like screaming pero hindi pwede. Kumuha ako ng unana at itinakip ko iyon sa aking mukha saka sumigaw. Nabawasan ang sakit ng puso ko doon. Tapos bigla may tumatawag sa cellphone ko. Si Chris. I took the call, pero di ako nagsalita. 

"Bianca, alam kong nandyan katalaga. Ayaw mo lang ako kausapin. Well ito lang naman ang sasabihin ko. I want to say sorry for all the hurt I gave you. Sana lang talaga kaya mo akong mahalin ulit. I love you so much. Yun lang. Goodnight."sabi nya then he ended the call. 

Nakaub-ob ako sa isang mesa sa library nung nakita ako ni Cindy.  

"Hoy Bianca. Ano bang nangyayari sayo?"bulong nito. Ilet out a fake cry. 

"ANO BA KASI?!"sigaw ni Cindy. Pinatahimik sya ng mga tao dun sa loob.  

"Nandito si Chris sa Manila, Cindz. Nagkita na kami."sagot ko. "What?! Paano nangyari yon?"pabulong na tanong nya. Ikinuwento ko lahat sa kanya. Simula dun sa aksidente hanggang sa phone call nya kagabi.

"Grabe, ang sweet naman pala ng Chris mo. Pero mas boto pa rin ako kay Sam. Go team Sam!"bulong nito.

I stared her down.

"Okay, serious na."sabi nitong si Cindy. "Cindz, di ko alam kung dapat kong ientertain si Chris. Parang pinalabas ko lang na ginamit ko lang talaga si Sam. Kahit hindi. I mean, mahal ko si Chris pero mahal ko din si Sam."paliwanag ko.

"Hay Bianca. Ayusin mo yang nararamdaman mo para di ka nahihirapan."sabi ni Cindy sa akin.

"Ayoko pumili, ayokong may masaktan."sabi ko. Pero umiling na lang ito.

Sabi nina Cindy, itrabaho ko na lang daw itong depression ko. We arrived at the cafe at 3pm. Halos lahat nga ay ginawa ko. Nagwaitress, cashier at chef. Kaya dahil doon, napakarami kong nakuhang tips. Nang matapos na ang shift namin, nagulat na lang kami dahil may pamilyar na sasakyan na naka-park sa harap ng cafe. Lumabas ang driver at muntik na akong mapaluha nang makita ko sya.

"Biancs, alis na kami. Bye."bulong ni Shirley sa akin.

"Wait, san kayo sasakay?"tanong ko.

"Dyan lang sa kanto. Una na kami."sagot naman ni Cindy.

I stayed while they walked away.

"Sam."

"Bianca, I want to say sorry."

"For what? Ako ang dapt nagsosorry. I'm sorry for hurting you, Sam."

My tears came down from my eyes. Nung nakita nyang naiyak na ako, niyakap nya ako.

"Nakita kita sa mall the other day. Sinubukan kong ibaling ang pagmamahal ko sa iba pero ikaw pa din. I thought ginamit mo ang ako pero hindi naman tayo tatagal ng three years kung that's the case. Naisip ko, mahal mo din ako kahit papaano, but you love your ex more. Kaya kong maghintay Biancs. Gagawin ko ang lahat para mas mahalin mo ako."sabi nito.

------

Author's Note:

Yey! Natapos na din ang exams namin. Nakapag-update din ^^

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now