The Wedding

26 0 0
  • Dedicated kay Nathalie Joie R. Zapanta
                                    

Chapter 18 

BIANCA'S POV 

Seven months simula nang nagpunta kami sa Batangas at kinasabwat kami ni Mark para makapagpropose na sya kay Cindy. Sobrang saya ko lang para kay Cindz. At alam kong mas masaya sya.

I can't help but be envious of those two. Ever since naging sila, naging maayos ang realationship nila...regardless of the countless fights they had. Kailan kaya dadating yung oras na haharap ako sa altar kasama si Sam?

Within these seven months, anim na beses lang yata kami nagkita. Dahil na din sa mga busy schedules naming. Kung saan-saang parte ng mundo ako nakakarating at sya naman ay busy sa trabaho. But every time I see him, walang nagbago.

"MARK. Nahihilo na ako sayo. Tumigil ka nga sa kakalakad mo d'yan," reklamo ni Sam.

"Bro. Baka kasi hindi sya dumating, baka may mahal na syang iba. Paano na ang magiging anak ko?! Ang magpapasa ng kagwapuhan ko!" sagot nya.

"Ang nega mo, Mark. Kumalma ka nga lang at maghintay ka," reklamo ko din.

Sakto naming dumating ang bridal car ni Cindy.

"May magic ka talaga, Babe," biro ni Sam. "Syempre."

Oh-em! Ang ganda ni Cindy. Sobrang blooming nya sa wedding dress na sya mismo ang nagdesign. Naghanda na ang lahat para sa kasal. Bago ako pumunta sa harapan ni Cindy, kinausap ko muna sya.

"Best, ang ganda mo. Congratulations and good luck on your new life." 

Niyakap naman nya ako at bumulong ng "Thanks." Nagsimula na ang wedding march at sinimulan ang pinakaimportanteng parte ng buhay ng best friend ko.

Nang nasa reception kami, ang saya- saya lang ng atmosphere. Lahat kasi ng mga kakalase ni naming at ni Mark nung high school at ilan sa college ay nandoon. Magulo pero Masaya. Sina Shirley at Ernest ang emcees kaya masaya eh. Ang gulo talaga, pati kami na nakagown ay natakbo sa mga pinapalaro ng mga emcees. (Inuuto yata kami nito e, joke!) Pati nga si Cindy na napakaba ng train ng damit, nakikitakbo. Ang mga kamag-anak, pati ang mga magulang ay masayang nanonood sa amin. I can tell na sobrang saya nina Mark at Cindy. Nang mapagod kami, nagpatugtog na ng slow dance at sinimulan ito ng bagong kasal then mga parents. Nang may nakikisayaw nang iba, lumapit na sa akin si Sam. He offered his hand and I took it; then we started dancing.

"So kamusta ka na? I barely see you these past few months," he asked.

"I'm doing well. Success naman lahat ng mga pinapagawa nila sakin. Even my first New York Fashion Week. Ikaw?"

Natagalan sya bago sumagot. His face fell. "Sam, what's wrong?" I asked.

He smiled and said, "I'm okay. I just missed you."

Aww. Namiss nya ako. Bigla naman akong nalungkot dun. I touched his face.

"Uy, sorry," sabi ko.

"Okay lang naiintindihan naman kita. Saka you're here already."

"Hey, I'm free for the next three months. Let's spend it together."

"Ba't three months lang? Di pwedeng one year?"

I laughed and hugged him as tight as I can. Ba't parang pumayat sya?

Mga 11pm na din nang matapos ang reception. Hapon kasi yung misa. Inaya ko si Sam na sa bahay na matulog since may kalayuan pa yung bahay nila sa venue. Pumayag din naman si Dad kaya sabay kaming tatlo umuwi. Daddy insisted to drive kaya nasa likod kami ng Pajero ni Sam at nakatulog kami sa byahe. Nang tumigil na sa bahay ang sasakyan, agad akong nagising. Nakakapagtaka kasi tulog pa din si Sam. Ginising ko muna sya at bumaba na kami ng sasakyan. When we got to the porch, may isang basket dun.

Tinanggal ko ang kumot na nakatakip at may baby na natutulog. "Hala, Dad. May baby dito," sabi ko kay Daddy.

"Hey, may sulat...para sayo, Biancz," banggit ni Sam at ibinigay ang sulat sa akin. I read it at napatingin ako sa baby. Binuhat ko sya. "We're gonna adopt her."

"Bianca naman, 22 ka lang. Yung career mo is at its peak. 'Nak, are you sure about this?" tanong ni Dad kinaumagahan.

Si Sam naman tahimik lang na kumakain sa tapat ko. Si Yaya Lucing muna ang bahala sa baby.

"I'll quit modeling. May business naman po ako dito sa Pilipinas. I can support her."

Ang cute kasi nung bata. Ang bait pa kasi bihira lang sya umiyak. "Bianca..." Dad worriedly said.

I pouted. Gusto ko talaga ampunin yung baby eh.

"Tito, what if nag-asawa si Bianca, will you let her adopt the baby?" tanong ni Sam. What the hell is he asking?

"Well, siguro...oo. At least, may makakatulong siya dun sa bata."

Tumayo naman si Sam at may binulong kay Dad na nakapagpangiti sa aking ama.

"Anong sinabi mo kay Daddy ha?"

"Secret," sagot nya. "Anong ipapangalan mo dito kay baby when we adopt her?"

"Hmm.. Heaven Faith. Para mukhang angel."

"Oo nga, cute."

"Alam mo, papayag na siguro si Tito Jerry pag nagpakasal tayo."

"What are you saying?"

"I want us to get married. Alam kong you love your job and us getting married might get in the way. But I'm willing to wait. Hinintay ko lang makasal si Kuya bago ako magpropose." Medyo bumilis ang pagkakasabi nya dun.

"Yes."

"H-ha?"

"Sabi ko, 'Yes, I will marry you.' BINGI." Medyo napalakas naman ang sabi ko. Abnormal ata kaming dalawa eh.

Napangiti tuloy ng sobra si Sam. Niyakap nya ako. Saka ko lang napansin na nasa may pintuan si dad.

"Magpapakasal na kayo?" he asked indifferently. "Opo," we said together. "Okay," sagot ni Daddy while smiling.

"Mahal na mahal na mahal kita, future Mrs. Venatura."

"Mahal na mahal na mahal din po kita, Mr. Ventura."

~

In My Heart ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon