Three Years Later

43 0 0
                                    

Chapter 20 

BIANCA'S POV

"Mommy, ba't tayo nag-eempake ng gamit?" inosenteng tanong ni Faith.

"Pupunta tayo ng Santorini, baby."

"Saan po yun?"

"Sa Greece po."

Three years na din pala. Simula nung...nawala sa amin si Sam.

Hanggang ngayon, ang sakit na dinulot nun, katulad pa rin ng dati.

Nabuhay ko ang anak namin, I still model for different agencies at marami na ring branches ang negosyong natayo ko. Daddy helps me when needed.

I make it a point na may quality time kami ng anak ko every summer. Ngapupunta kami sa ibang bansa para makapag-bonding.

Tinitigan ko ang family picture namin ni Sam, Faith at ako. Sana andito siya.

"Mommy. Sina Tito Mark, nandito na po," sigaw ni Faith galing sa baba.

Her voice was distant. Naaalala ko noong umaga nang magising ako na wala na si Sam.

..........

"Babe, gising na. Maglalaro daw kayo ni Faith," sabi ko sa natutulog na si Sam.

"Babe, uy." Natatakot na ako. Ba't di sya gumigising? "Sam, please. Gumising ka na." Tumutulo na ang luha ko dahil narealize ko na di na sya nahinga.

"Mommy. Tita Beatrice. Lola. Baba po," sabi ni Faith. Napatahimik si Faith nang makita akong umiiyak. "Mommy, bakit?"

"Wala na si Daddy. Wala na sya, Faith."

Lumapit si Faith sa Daddy nya at niyakap ito. Maya-maya ay umiyak na din ang bata.

"Ate Bianca.." sabi ni Beatrice nang makita ako. Nasa likod nya si Mommy Marianne. Mukhang nalaman na agad nila ang nangyari. Lumapit sila sa akin at niyakap ako. That was the start of my new life living with pain.

.........

"Biancz, hindi ba talaga pwedeng sumama ako?" tanong ni Cindy.

"Hoy babae, buntis ka kaya. Baka dun ka pa sa eroplano manganak," I told her. Cindy is eight months pregnant pero gusto nya pa din sumama sa amin sa Santorini.

"Ako na lang sasama sa inyo," singit ni Mark habang tumatawa.

"Anong klaseng asawa ka?! Nang- iiwan ng asawang buntis!" sagot naman ni Cindy.

Nagtawanan lang kaming tatlo. Si Faith kasi ay busy sa paglalaro kaya tahimik. Di ko maiwasang mainggit sa kanila. Hay, Sam Venatura, ba't mo ba ako iniwan agad?

"Oh, mag-iingat kayong dalawa ha. Faith, bilhan mo si Tito ng pasalubong. Hug mo 'ko," sabi ni Mark.

Nagpaalam na kami sa kanila at dumiretso na kami sa eroplano naming. When we're settled, nagbasa muna ako ng ilang novels na dala ko. In-entertain ko din ang questions ni Faith about Greece at yung kinukwento nya. May katabi din akong babae, friendly naman sya kaya nakaclose naming sya agad. Filipina sya at lumaki sa Greece. Marunong syang magtagalog kaya mas naging madali ang pag-uusap naming.

"I'm Gael, by the way," she said smiling.

"Bianca. At yung anak ko, si Faith. Saan ka nga pala sa Greece? Para naman madalaw ka namin."

"Sa Santorini ako nakatira. Dun ang hometown ko saka my boyfriend's also there."

"That's great! Doon kami magbabakasyon."

Nang makarating kami sa Greece, inuna ko munang puntahan ang ad agency na naghire sa akin three weeks ago para mag-endorse ng bago nilang product. After that, we looked for an available hotel.

Nagpasaya naman sa aming mag-ina ang magandang view, at dahil doon, kahit hindi pa kami nakakapagpahinga ay nag-aya si Faith na mamasyal.

Nagpasama kami sa isang employee ng hotel sa beach. Tuwang tuwa naman si Faith sa white sand.

"Bianca!" I heard someone shout. I turned around. Gael's there.

"It's a good thing you're here," bati ko sa kanya.

"Oo nga eh. Hi Faith," bati nya sa anak ko na nginitian naman sya. "Sakto, my boyfriend's here. I'll introduce you."

"Uhm, sure."

"Chris!" tawag nya sa boyfriend nya.

Chris? Teka, my Chris is also in Greece. Pero imposible namang iisang Chris yung kilala namin ni Gael.

Ngunit laking gulat ko nang ang lumapit sa akin ay ang lalaking nagparaya upang sumaya ako noon.

"Chris, this is my new friend. The one I was telling you about earlier. This is Bianca."

Inakbayan nya si Gael. "What a small world. It's nice to see you again, Biancz."

"You know each other?" Gael asked.

"Ano...magkaibigan kami," sagot ko.

"Mommy? Gutom na po ako," sabi sa akin ni Faith at hinawakan ang kamay ko.

Napatingin naman si Chris kay Faith habang binibigyan ko ito ng sandwich.

"Anak mo?" tanong ni Chris nang tumakbo na ulit si Faith para gumawa ng sand castle.

"Oo."

"Seems you and Sam ended up together after all," he muttered.

Nagulat ako dun sa sinabi nya kaya nagtanong ako.

"Nothing."

"Great, magkakilala kayo. Bianca, will you join us for dinner later?" aya ni Gael.

I started to protest but Chris cut me off. "Sige na, Bianca. Minsan lang mag-aya 'tong si Gael."

"Sige na nga," sagot ko.

Bago kami pumunta dun sa resto na sabi nina Gael na kakainan naming ay dumaan muna ulit kami ni Faith sa ad agency. My photoshoot is scheduled on Friday.

"Bianca. Faith," Gael greeted us.

Masyadong sophisticated si Gael but I can sense na may pagka-maarte din sya. Kung nandito lang si Cindy ay napuna na nya ito. Umorder na kami ng kakainin at maya-maya pa'y nagkakwentuhan.

"So Biancz, we're thinking of taking a vacation in Philippines next month. Any particular places you'd suggest?" tanong ni Gael.

Nag-isip ako para may maisagot sa tanong nya pero bago pa ako makasagot ay nagsalita na ulit si Gael.

"I thought you might know some places where Chris will enjoy. I mean, ex ka nya di ba?"

Masama ang tingin nya sa 'kin. Yeah, nagseselos.

"I told her," Chris explained.

Hindi ko na lang pinansin ang tingin sa akin ni Gael.

"Uhm, next month ay may outing ang batch namin ni Chris sa Cagayan de Oro. You should go."

"Yeah, great idea! Sama na lang tayo sa batch namin sa outing next month. Mag-eenjoy ka dun," sabi ni Chris kay Gael.

After my appointment sa Greece, umuwi na kami ng anak ko. I'm not looking forward for the next month's outing. Mukhang maninibago ako ngayong nasa buhay ko na ulit si Chris.

~

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now