"First Day"

132 0 2
                                    

Namulat ako saa aking kwarto habang walang humpay ang vibrate ng aking cellphone. Agad kong pinatay ang larm clock nito. Yung panaginip na yon. Bakit si Chris na naman? Nagkibit-balikat na lamang ako. Maddali kong inayos ang aking dama. Hinablot ko ang aking tuwalya at bumaba.

"Goodmorning 'Ya!"bati ko kay Yaya Lucing.

"Bianca, kumain ka na. Kabilin-bilinan ng Daddy mo na magbreakfast ka."sabi nito.

"SIge po. Maliligo lang po ako."sagot ko.

Pagkaligo ko, nagbihis agad ako ng casual: miniskirt, pink blouse at flat shoes. Kinuha ko ang aking bag at inilagay ang cellphone ko.

Habang kumakain ako sa dining room, naisip ko ang panaginip ko. Nine years na din ang nakakalipas. Grade 2 lang kami ni Chris nun eh. Di na ako naaalala nun kasi alam kong kakalimutan na nya ako. Naputol ang pag-iisip ko nang may bigang bumusina.

"O, andyan na pala si Sam eh. Bianca, dalian mo na dyan."sabi ni Yaya.

Nagtoothbrush lang ako at nagmadali na akong lumabas ng bahay. Sumakay ako sa Pajero ng boyfriend kong si Sam. Ngumiti siya sa akin.

"How's your summer? Pasensya na at hindi kita nakasama." Sam apologized.

"Okay lang yun. Nag-enjoy naman ako."sabi ko and I kissed him lightly on the lips.

"Tara na."sabi nya.

Pagdating ko sa university, agad akong namangha. Kitang-kita na ako'y nasa isang prestigious na college. Sam held my hand and led the way. Alam niya ang pasikot-sikot sa school dahil ang mommy niya ay isa sa mga board of directors. Kinuha namin ang schedule namin sa Registar's Office.

"I'll get going. Have fun." sabi ni Sam and kissed me again.

Madali hanapin ang classroom where I'm assigned. Naupo ako sa third seat in the front row. Maya-maya pa'y dumating na ang iba pang PolSci students. Mostly orientation pa lang ang nangyari for the whole day.

Nang mag-bell na for lunch, I collected my books then texted Sam.

"Biancs? Ikaw na ba yan?"sabi ng isang boses.

Lumingon ako sa aking likuran. Nakita ko ang isang babaeng nakasalamin. Mukha siyang pamilyar pero di ko maalala kung saan ko siya nakita. Kumunot noo ko. "Yes?" na lang ang nasabi ko.

"Shirley? Shirley Panganiba? Friends tayo noong nakatira pa tayo sa Mindoro." paliwanag niya.

Then I remembered. "Yeah! Kamusta ka na?"tanong ko.

"Eto okay naman. Nag-a-adjust pa dito sa Manila."sagot niya.

I smiled. Sakto namang pumasok si Sam. "Hey babe---oh. Who's this?" nakangiti niyang tanong.

"Um Sam, si Shirley, friend ko noong nasa Mindoro pa kami. Shirley, si Sam, boyfriend ko." I introduced.

"Hi." nahihiyang sabi ni Shirley. Alam ko ang iniisip niya. Anong nangyari sa amin ni Chris?

Nagpaalam na agad ako bago pa niya masabi ang tanong na yun. Hindi kasi alam ni Sam ang tungkol sa amin ni Chris. which happened four years ago. Mag-sesecond year high school ako noong nagbreak kami ni Chris dahil aalis na kami papuntang Manila.

"Babe, kanina ka pa tahimik. Is there something wrong?"nag-aalalang tannong ni Sam.

"Nothing." sabi ko. Pauwi na kami galing school. I just said nothing pero iniisip ko talaga yung sa amin ni Chris. Aaminin ko, MAHAL KO SI SAM, MAHAL NIYA DIN AKO. But Chris still holds my heart.

Noon makauwi kami, I sat at my room I felt guilty for using Sam to forget Chris. Kahi hindi successful ang paglimot ko. I decided to take my mind off a bit away from things. Kinuha ko ang aking laptop and started to research my course: PolSci. Medyo nadistract nga ako And when I was sleepy, pumunta na ako sa banyo at nag-ayos then went to sleep.

A few weeks after, nagsisimula ko nang maramdaman ang need na mag-aral ng mabuti. Pero tinatry kong magkaroon ng time para sa aking family and of course, Sam and my new friends. Ngayon nga ay nasa mall kami ni Sam. Sasamahan niya daw ako mag-shopping. At the end of the day, I bought two pairs of shoes, three dresses, five blouses and skirts and I bought Sam a silver necklace.Nang nasa harap na kami ng aming bahay, ipinasok niya ang mga pinamili ko sa loob. Nang mailapag na niyang lahat, nagsalita siya.

"I'd better get going. Salamat sa kwintas."nakangiting sabi nya. Hinalikan niya ako sa noo at sinabing "I Love You."

"I love you too."sagot ko.

Then I noticed Mom saw the whole thing. Nakaalis na si Sam.

"Anak, ang sweet nyo."kinikilig pang sabi ni Mommy. Napatawa na lang ako.  

"Pero do you really love him?" tanong niya nang seryoso.

Nagulat ako sa tanong na yon. Sinabi ko ang totoo. "Opo, pero.."

"Pero mahal mo pa din si Chris."pagpatuloy nya sa sagot ko.

Lalo pa akong nagulat kasi hindi ko naman nababanggit kay Mommy ang tungkol sa amin ni Chris. Niyakap ako ni Mommy.

"Anak alam ko ang tungkol sa inyo ni Chris. Nakita ko kung paano tingnan ang isa't isa. And from that moment, I knew na mahal mo siya."sagot niya sa aking unspoken question.

"Bianca, I know you're still hurting."dagdag pa nya. Tuluyan na akong umiyak.

"Mom, masama ba ako for using Sam?" tanong ko. "No baby, but you need to love what's good for you. Para hindi ka masaktan."sagot nito. Pinahid ko ang luha ko at kumawala sa yakap niya.

"Salamat po. I love you, Mom."sabi ko. "I love you too Anak" sabi nito. Umakyat na ako sa kwarto ko at natulog.

When I went to school, I wore a simple floral dress tapos boots. Most of my friends complimented my fashion sense. Para daw akong model. Kahit nga si Sam sinasabi yon kahit noong 2nd year pa lang kami.

Napag-isip-isip ko, Sam deserves to know the truth about me and Chris. Bahala na siya magdecide kung mamahalin pa nya ako after he learnes all about my past. Sasabihin ko and I'll be ready for whatever he'll say.

"Sam, may sasabihin ako sayo."panimula ko...

_________

AUTHOR'S NOTE:

Haha, yan po ang first ever story na ginawa ko. sana po magustuhan nyo. may mga parts dyan na inspired ako sa mga pangyayari sa buhay ko. :"> Goodeve po. :)

In My Heart ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon