"Graduation"

41 2 0
                                    

Chapter 6~

Nagising na lang ako dahil sa tunog ng alarm clock. Ala-sais na pala. Nagmadali akong naligo. Nagsuot lang ako ng simpleng long sleeve na black at miniskirt. Nag-Converse na din lang ako. Halos tumakbo na akong lumabas ng bahay namin. 7am ang ceremony pero 6:30 na at traffic pa.

"Sam, baka di tayo umabot,"nagpapanic na ako. Nauna pa sina Daddy at Yaya sa university. "Aabot yan. Madami pa namang estudyante bago tayo,"sabi nito. Mga 15minutes kaming late. We sat by the V's. We're at the back kaya di masyadong pansin na late kami.

"Venatura,"tawag ng principal. Umakyat na si Sam. Sumigaw pa dun sa stage ng "Woo!." Nagsigawan din yung ibang mga estudyante. Tumingin ako kay Tita Marianne at nakangiti nyang pinapalakpakan ang kanyang anak. "Villaraza,"tawag ng principal sa apelido ko. Umakyat ako sa stage. Nag-ingay ulit si Sam. Umingay ulit ang buong hall. Ngumiti na lang ako nang nag-standing ovation sina Daddy.

Pagkatapos ng graduation, inilibre kami ng mga magulang namin sa isang Italian restaurant. "Congrats sayo, Bianca. Sayo din Sam,"bati ni Daddy. "Salamat Tito,"sabi naman ni Sam. Napangiti lang ako. Pagkatapos umorder na kami at nagkwentuhan hanggang dumating ang pagkain. Hindi ko din maiwasang mapansin ang pagtingin sa amin ni Sam sina Daddy. Nagpaalam ako kay Daddy pagkatapos ng lunch. "Daddy, pupunta ako mamaya sa Grad Party mamaya sa school. Okay lang?"tanong ko. "Sige, umuwi ka muna nang makapagpalit ka at makapagpahinga. Magpasundo ka na lang kay Sam,"sagot nito. "Dad, nakakahiya sa kan---,"naputol ang aking sasabihin dahil sumingit si Sam. "Okay lang Tito. I'll pick her up mamayang six-thirty."sabat nito.

Nang makauwi ako, nagdiretso ako sa kwarto. Naupo ako sa study table at binuksan ang aking drawer. Hinanap ko ang isang pink na box at kinuha ito. Binuksan ko ito at tiningnan ang sangkaterbang pictures noong high school at college years ko. Dalawang pictures ang tinitigan kong mabuti. Ang picture namin ni Chris nung first year at ang picture namin ni Sam nung second year. I can't believe it's been four years. Kami ni Sam ay going strong pa din at kami naman ni chris ay walang communication. Hindi ko na alam kung intact pa din ang friendship namin.

"Bianca, andyan na si Sam,"malakas na sabi ni Yaya Lucing. "Opo,"sigaw ko. Madali akong nagpait ng dress at kinuha ko ang aking pouch bag. Sumakay na ako sa Pajero ni Sam pagkatapos kong magpaalam kay Daddy.

"Wala pang 6:30 ah. Bakit ka ba nagmamadali?"reklamo ko. Tumawa lang sya at pinisil ang ilong ko. "Cute mo,"nakakalokong sabi nito. Tinampal ko ang kamay nya. "Magdrive ka na nga lang dyan,"sabi ko, natatawa na din. Nakangiti syang nagconcentrate sa pagddrive. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na seven years na kami. Nakakabilib ang loyalty ni Sam sa akin. I'm still not sure if I deserve him. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya. "Pogi ko 'no?"nagbibirong tanong nya. "Oo na, yabang," natatawa kong sagot.

Bigla kong naisip ang mga babaeng humahabol kay Sam noon hanggang ngayon. Karamihan sa mga babaeng yon ay galing sa mga mayayamang pamilya at magaganda. Kasama na dito ang sikat na artistang si Isabela Mendrez. Kaklase namin ito noong high school. She had a huge crush on Sam. Pero mas pinili nyang magshowbiz. Nasaan na kaya ito ngayon? May gusto pa rin kaya ito kay Sam? Nanikip ang dibdib ko sa naisip kong yon.

"Natahimik ka yata. What's wrong?"nag-aalalang tanong nito. "Nothing,"pasimple kong sagot. He stared me down. "Yeah, right. Last time na sinabi mo yan, nagbreak tayo,"sabi nito. "Wala talaga,"sagot ko. Kumunot ang noo nito bago magdrive ulit. Hindi ako nagsalita hanggang makarating kami sa venue. Pagpasok namin sa school ng hotel, maririnig mo ang isang upbeat na kanta kung saan ag mga estudyante ay sinasabayan ito ng sayaw. Nang makita kami ni Cindy at Shirley, pinuntahan kami ng mga to. "Biancz, tara magsayaw dali!"Sigaw ni Shirley sabay hila nito sa aking braso. Tumingin ako kay Sam at tumango lang ito. Nginitian ko sya bago sumama kina Cindy at nakipagsayaw sa mga ito. Nakita ko si Sam na pumunta dun sa bar at nakipagkwentuhan sa mga kaibigan nito.

"Grabe. Hindi ako makapaniwala na nakagraduate na tayo,"sabi ni Cindy. "Oo nga eh. Parang kelan lang eh high school ang tayo,"sang-ayon ko. "So guys, anong plano nyo after this?" tanong ni Shirley. "Parang gusto ko mag-Law."natatawa kong sabi. "Well, ako, tutulong sa business namin sa Mindoro. Kailangan ako dun eh,"sagot naman ni Shirley. Sabay kami ni Cindy na nag-"oh." Nagyakapan kaming tatlo.

May biglang kumalabit sa likod ko. "Pwede ko ba mahiram ang girlfriend ko?"tanong nung kumalabit. Hinarap ko sya at nakita ko si Sam. Hindi ko napansin na ang kaninang mabilis na kanta ay napalitan ng something slow. He held out his hand. "May I have this dance?"nakangiting tanong nito. Tinulak ako ni Cindy. "Okay,"sabi ko at tinanggap ang kanyang kamay. Inilagay nya ang kanyang kamay sa aking baywang at ang akin naman ay nasa batok nya at nagsimula kaming magsayaw. "So, nag-eenjoy ka naman?"tanong nito "Of course I am. But it's a bit sad 'cause we have to go on our separate ways."sabi ko.

"We don't have to,"sabi ni Sam.

"Talaga?"

"Oo naman. Pwede ko bang iwanan ang taong may hawak ng buhay at puso ko?"

"Bianca, I love you."seryoso nitong sabi.

Ngumiti ako and said,"I love you too."

------------

AUTHOR'S NOTE

Sorry late update. :)))

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now