"Realization"

36 1 0
                                    

Chapter 10~

SAM'S POV

Sobrang napagod ako ngayon. Sinamahan ko kasi si Bell sa mga shooting nya at interviews. Nagpasama kasi ito sa akin. Pero laking gulat ko nang iannounce nya sa interview na kami na. Close kami but we're not together. Ano ba naman itong napasukan ko?

"Ang lupit mo naman, Pare. Biruin mo, girlfriend mo ang isang sikat na artista at ex mo naman ang isang very hot model."bulalas ng kapatid ko na isang taon lang ang tanda sa akin, si Mark.

"'Tol,. Hindi. Kami. Ni. Bell. Okay?"

"E kung hindi e bakit nya ipinagsigawan sa buong Pilipinas?"

I stared my brother down. Hindi naman ito nasindak pero he backed off.

"Mahal mo pa din si Bianca, 'no?"bigla nitong naitanong.

Hindi ako sumagot. He took my silence as a yes. And it's true.

"Ba't di ka makipagbalikan?"

"Mark. Siya ang nakipagbreak sa'kin. Ang weird 'pag nakipagbalikan ako. Saka yung balitang ipinagkalat pa ni Bell. Tapos yung career pa nya, sobrang successful nung nawala ako sa buhay nya."

"Sam, gusto mo ba syang bumalik sayo?"

"Oo, gustung gusto. Mahal na mahal ko si Bianca eh."

Muntik na akong mapaluha sa realization na nasaktan ko sya sa paglayo ko at kung paano nasaktan nang masaktan ko sya. Binatukan ako ni Mark.

"AH! ANO BA?!"

"Kung gusto mong makipagbalikan kay Bianca, gawin mo na. Baka maagawan ka pa." nakangiting sabi nito.

Napangiti din ako.

"Salamat, Kuya."

Natigilan ito pero nakabawi naman agad at umalis na sa kwarto ko.

Nakatulog ako sandali pagkatapos ay nagcheck ako ng messages sa phone ko pagkagising. Binasa ko ang mga pangalan ng nagtext.

"Isabella, Isabella, Isabella, Cindy, Yuki, Bianca, Isabella,"

Teka, tama ba ang nabasa ko? Tiningnan ko ulit ang inbox ko. Sinampal ko pa ang sarili ko. Masakit kaya di ito panaginip. Dali-dali kong binasa ang message nya, ang mahal ko. Hmm, GM lang pero at least.

Tinawagan ko yung number nya.

"Sam"

Para akong nakarinig ng boses ng anghel.

"I'm so glad to hear your voice again." wala sa isip kong naibulong.

"Ha?"

"Ah, wala. Kamusta ka na?" I said, although I meant, I miss you.

"I'm fine. My life changed when I entered modeling. Dati, parang imposible para sa akin yon."

"Bakit? Maganda ka naman ah. Hindi na ako magtataka kung makapasok ka sa modeling industry."

"Thanks." she chuckled.

I'm happy she's able to laugh after I hurt her and is communicating with me again.

"Ikaw pala, kamusta ka na? Kayo pala ni Isabella."

Ba't parang may iba sa boses nya? Parang nasasaktan.

"No, we're not together."

Ayokong isipin nya na hindi na kami pwede dahil kay Bell. Isa pa, yun naman ang totoo.

"You don't need to deny that, Sam."

Bago pa ako makasagot ay may narinig ako sa kabilang linya.

"Biancs, tara na." sabi ng isang boses lalaki na malapit lang kay Bianca.

"Bianca, asan ka ba?"

"Sa bahay. I have to go now. Salamat sa time."

Sige na Sam, sabihin mo na. Sabihin mo na kasi.

"I love you."bulong ko. But it's too late, she hung up already.

"Kuya, please. Tigilan mo na ang pag-ikot mo dyan. Nahihilo na ako eh."reklamo ng kapatid kong si Beatrice.

"Umalis ka kaya sa kwarto ko para hindi ka nahihilo dyan."

"Eh kuya, pahiram naman ng PSP mo."pagboboses bata nito.

I rolled my eyes. Kinuha ko ang PSP ko at iniabot sa kapatid ko.

"Ikaw, fourteen ka pa lang, ang taas na ng grado ng mata mo dahil dyan sa pagvvirtual games mo."

Ginulo ko ang buhok nito. Hindi naman ito maarte kaya hindi nagalit. Sa halip, nagpasalamat pa si Beatrice at umalis na. Dumako ang paningin ko sa picture namin ni Bianca na nakaframe pa sa side table ko. Napaisip uit ako. Sino kaya yung lalaking nandoon kina Bianca? Boyfriend nya kaya yon? Manliligaw? Ito na kaya yung sinasabi ni Kuya na baka maunahan ako?

"Sir Sam, si Ma'am Isabella po, hinahanap kayo. Nasa ibaba."tawag ni Manang Amelia.

"SIge po, Pasabi naman po na bababa na ako saglit."

Pagkakita sa akin ni Bell ay niyakap nya ako. Nakita kami ni Beatrice. Inirapan nya si Isabella. Sinaway ko ito gamit ang tingin. Sinimangutan ako nito bago magfocus ulit sa PSP. Nang humiwalay si Bell sa pagyakap sakin, sinimangutan ko ito.

"Sam, bakit di mo ako nireplyan kanina? Why didn't you call me back?"nagtatampo nitong sambit sa akin.

"Nakatulog ako."

"Ahhh."

"Bakit mo sinabi sa interview na tayo? Di naman totoo yun."

"Dun din naman tayo pupunta di ba?" maarteng sagot nito.

Hinawakan pa nya ang kamay ko. I frowned at her but let it go. Binawi ko ang kamay ko. Medyo naiinis na kasi ako kay Bell.

"Bell, what are you doing here?" I asked a bit harshly. Hindi nya ininda ang pagsusungit ko.

"Are you free tonight? Kain naman tayo sa labas."

"May gagawin ako Isabella."

"At ano naman ang appointment mo ng 8:30 ng gabi?"

"Basta."

"Maybe I can go with you."

"You can't go with me okay?!" At last, she got what I wanted her to feel.

"Okay. Call me when you need me."

Lumapit sa akin si Beatrice pagkaalis ni Isabella.

"Grabe Kuya. Ang kapal nya ah. Sabihin ba namang magiging more than friends kayo."

Tumawa na lang ako. "Nga pala, si Mark??"

"Ha? Ah, pinuntahan si Ate Cindy."

Si Cindy? Ba't pupuntahan nun si Cindy?

"Sa kakasama mo dun sa mestisang maarte na yun, hindi mo na nalaman ni sina Kuya at Ate Cindy na."

Nakakaloko tong batang to ah. Saka, okay, kakagulat yun.

"Saka Kuya, yung class president nyo nung 4th year tumawag kanina. Magkakaroon daw kayo ng reunion next week." Pahabol na sabi nito bago pumunta sa kwarto.

-------------------------------

AUTHOR'S NOTE

Yeheeeeeeeey!! :D Gagraduate na. Saya na malungkot. Mapapadalas ang UD.

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now