"Birthday"

28 0 0
                                    

Chapter 15~

BIANCA’S POV

6:50 am. Dito ako sa Mindoro magcecelebrate ng aking birthday. Gumising ako ng maaga dahil may trabaho ako. Kailangan ko din kasing magtrabaho kahit birthday ko ngayon. Mahirap din maging model, aba! Medyo malungkot lang ang shoot dahil hindi si Best ang photographer. Wala akong ka-close.

Pagbaba ko mula sa kwarto, dumiretso agad ako sa kusina. Balak ko sanang magluto kaya lang mukhang may nauna na eh.

“Good morning, Biancz! Happy 21st birthday!” bati agad sakin ni Sam nung makita ako.

“Naaalala mo pa pala ang birthday ko.”

“Makakalimutan ko ba yun?

Napangiti na lang ako. Simula kasi nung magkaaminan kami sa Palawan, nagging mas close kami. Parang yung dati, pero walang commitment. Napatingin ako sa niluto nya. Sinangag, fried eggs, French toast, hotdogs, at may spaghetti pa.

“Di kaya ma-empacho ako nito?” I shrugged and started eating.

Nang matapos ako kumain, I thanked him.

“Bianca, ihahatid na lang kita kung saan ka man pupunta ngayon.”

“Sige.”

Inihatid nya ako sa set. Sa isang beach resort. Humanga agad ako sa view. Umalis muna si Sam para maglibot habang nagpphotoshoot pa. Mabilis naman kaming i-direct kaya natapos kami at around 2pm.

Yung jetlag, yung stress, nagsama-sama na at naffeel ko na kaya naisipan ko munang matulog pagkauwi ko ng bahay. Tapos, nagising ako kasi may nagbubulungan sa labas. Ano ba yun?! Ayaw magpatulog?!

“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!”

Napabalikwas tuloy ako. Pagtingin ko sa pinto, nandun sina Shirley, Cindy, Sam, Ian at si Daddy.

 “HALA!”

May dala kasi silang cake at mga balloons pati mga gifts. Lumapit si  Cindy sakin at pina-blow yung candle. Medyo madilim na kasi 6:30pm na kaya yung lampshade lang ang ilaw. Tapos, piniringan ako ni Ian at inakay sa baba.

”Uy, saan ba tayo pupunta ha?”

“Just trust me. Parang naming dadalhin kita sa lugar na mapapahamak ka.”

Iniupo ako  ni Ian sa isang silya, tinanggal ang piring ko at umalis na. Nasa may pool ako at isang candlelight dinner ang nakaset-up sa harap ko. Nakakatouch naman. Todo effort pa sila. May biglang yumakap galling sa likod ko.

“Happy birthday,” bulong nito.

Lumingon ako para tingnan kung sino yun at medyo tumalon ang puso ko nang marealize kung gaano kalapit ang mukha nya sakin. Ngumiti si Sam at bumitaw sakin. Umupo sya sa silya na katapat ng akin.

“Sino may pasimuno nito ha?”

“Syempre, ako.”

“Ikaw ba? Ah, thank you.”

“Welcome. Basta para sayo. Mahal kita e.”

Napangiti na lang ako sa ganda ng ngiti nya. Kaw kaya sabihan ng ganon.

“Did you like what I did for your birthday?”

“Oo naman. Ito yung birthday ko na effort ka talaga.”

Natahimik kami pero sya, nakatitig sakin.

“Huy. Bat ganyan ka makatingin?”

“You look beautiful.”

“Kanina mo pa ‘ko binobola ah. Beautiful ka dyan e naka t-shirt at shorts lang ako.”

“Kahit na.”

Bakit ba ang sweet nya? Mas lalo ko tuloy syang minamahal.

After eating, he left to get his gift for me. Ano kaya yun? Pagbalik nya, he gave me a long, rectangular box.Binuksan ko yon at nasa loob ang isang silver na necklace na may SB na pendant.

“SB?  As in Sam and Bianca?”

“Oo.”

“How sweet. Thanks for everything, Sam.”

“You’re always welcome. Isusuot ko sayo ah.”

He put the necklace on me at syempre kilig naman ako. Maya maya pa’y sumali na sina Daddy sa dinner naming. Hay, ang saya ng birthday ko.

Nang matapos ang “party” na ginawa nila para sakin, naupo ako sa may pool.

“I wish you’re here, Mom. I miss you. Ang saya ko oh.” I sighed.

“Senti ka dyan, Best.” Sabi ni Ian.

Naupo sya sa tabi ko. I laughed silently.

“Naaalala mo ba yung sinabi ko sayo nung nasa Palawan tayo?”

“Alin dun?”

“Yung sabi ko, ikaw lang anng mahal ko?”

“Oo.”

Parang naffeel ko ko na kung saan mapupunta itong usapan na to. Please, wag yon.

“Totoo yun.” He finally said.

Sabin a. Yun yon.

“Ian…”

“Kaya lalayo na ako dahil dito sa nararamdaman ko para sayo. Di ko na kasi mapigilan ang pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal na kasi kita eh.”

“Ian…alam mo naman ang lagay ng puso ko ngayon di ba?”

“Oo. Si Sam ang mahal mo. Kaya nga lalayo na lang ako.”

“I don’t want you to go. Mahalaga ka sakin.”

“I know that. But I need to find myself too. Hindi muna ako lalapit sayo.”

“As much as I hate to do this, I’ll let you go. Mamimiss kita.”

I gave him a hug. He hugged me back but let me go quickly.

“Babalik na ako sa States bukas.”

“Ha? Is that why you’re not always around? Iiwan mo na ako?”

“The sooner, the better. Uy, bawal umiyak. Galit ako sa naiyak.”

Teary eyed na din sya. Pinahid nya yung luhang tumulo sa mga mata ko. Just as what he always did when I’m crying.

“Get back with Sam. That will make you happy.”

Then he left.

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now