"Rivalry"

65 0 1
                                    

Chapter 4~

When I woke up this morning, akala ko panaginip lang na bati na kami ni Sam. We're back together. Then I remembered Chris. Bigla na namang nag-iba ang masayang mood ko. Paano na yan? Kung kami ulit ni Sam, then I shouldn't be entertaining Chris. Hinampas ko ang noo ko at humiga uli. Ano ba namang buhay to? Maybe, kailangang kong humingi ng tulong kay Lord. Nagdesisyon akong sumimba. Agad akong naligo at nagbihis. Kumain na din ako ng almusal. Nilakad ko lang ang simbahan.

Umupo ako sa isa sa mga benches dun. Ipinikit ko ang aking mata at nagdasl ng taimtim.

"Lord, liwanagan Niyo po ang aking isip. Tulungan Nyo po akong magdesisyon. Tulungan Nyo po akong piliin ang tamang tao na mamahalin ko a nagmamahal sa akin."dasal ko sa aking isip. Nagmulat na lamang ako ng magsisimula na ang misa.

"Sisimba ka pala, di ka man lang nagtext."sabi ni Sam at naupo sa tabi ko.

Napangit ako. "Wala akong load." Ngumiti na lang din sya.

We participated the mass quiety. Pero nung part na ng "Ama Namin,"he didn't take my hand. Basta nakabukas lang ang palad nya. Hinawakan ko ang kamay nya. Ngumiti sya. Napangiti na lang din ako. Ganito pala pag kakagaling lang sa cool off. Nung part na ng "peace be with you," Sam didn't hesitate anymore. He kissed my cheek. By the time na natapos ang Mass, we're really together again. I guess my heart chose Sam over Chris.

"By the way, I met your ex already, Bianca."bigla nitong sinabi.

"Ha? Paano?"

"Naaalala mo ba nung sinabi ko sayo na nakita kita sa mall. Sinundan kita nun. Then I saw you with a guy across the street. Mukhang kilala nyo ang isa't isa plus inakbayan ka pa nya kaya I thought siya yung ex na sinasabi mo."

"Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko."

"Tinanong ko din sina Cindy. Alam kong alam nya kaya tinanong ko pangalan nun. Then pinahanap ko kay Mama ang address nya. Pinuntahan ko at kinausap."

Kinausap? Sa sobrang galit nya sa akin dahil kay Chris, kausap lang ang ginawa nito? Grabe din ang self control nitong si Sam. "So anong sabi ni Chris?"

"He said he's willing to fight fair for you. Willing din naman ako."nakangiting sabi nito. I smiled too.

"Pero sana bilisan mo ang pagpili. The suspense is killing me. I just want you to be happy."nagbibiro lang ito nung una at biglang sumeryoso sa huli. I didn't answer.

Pagkauwi ko, agad kong hinanap ang parents ko. Pero hindi ko sila makita. "Yaya Lucing, sina Daddy?"tanong ko nung bigla itong pumasok ng bahay na takot na takot.

"Bianca, ang mommy mo." and that is all that it took para magpanic ako at pumunta sa kinaroroonan ni Mommy. Nang buksan ko ang pinto sa room nya sa ospital, nagulat ako sa kalagayan nya. Namumutla, at napakadaming machines na nakapaligid sa kanya. Daddy is holding her hand. Lumapit ako sa kama at dahan dahan syang niyakap.

"Mom, what happened?"

"Anak, sorry at nilihim ko ito sayo. May sakit ako and it's a very dangerous stage already."

Nanatili ako sa posisyong yun. I tried not to cry but I'm not successful. The tears came falling down.

"I love you Mom. Forever." yun lang ang kaya kong sabihin ng mga oras na yun.

Dahil sa kalagayan ni Mommy, nagresign na ako sa trabaho. Mabait ang manager namin at sinabing pwede akong magtrabaho uli when things are alright. I visit Mommy pagkatapos ng school ko everyday. Nararamdaman kong dapat kong ispend ang time ko with Mom as much as possible. Nung panahong bata pa ako, lagi nya akong tinatanong kung ano ang mga nangyayari sa buhay ko. Nang magdalaga ako, I never paid attention to the questions anymore. Ngayon, binabawi ko ang lahat ng nawalang oras.

"Hindi mo man alng ako tinetext, Bianca."sabi ni Chris nung sinundo nya ako one time. "Pasensya na, busy kasi ako." sagot ko.

"Chris, sa ospital mo na lang ako ibaba."

"Sinong nakaconfine?"

"Si Mommy."

"Ha? Bakit?"

Hindi na ako sumagot pa. He didn't ask anymore, too. Nang makarating na kami ay sumunod sya sa room ni Mommy. Pagpasok namin, biglang lumingon ito.

"Mommy, remember Chris?"

"Syempre naman, ito yung batang laging nasa bahay noon eh."sabi ni Mommy habang nakangiti.

Lumapit naman si Chrispara makipagbeso. "Get well soon, Tita. Bye Biancs."paalam nito. He hugged me and waved for Mom bago umalis. Pagtingin ko kay Mommy, kakaiba yung tingin nya sa akin.

"Mommy, bakit?"

"May gusto ka bang sabihin?"nakangiti nyang sabi the gestured to the door. And that is all it took for me to jump to the details.

As expected kay Mommy, nakinig lang sya sa mga kwento ko. She smile everytime she found something amusing sa kwento ko.

"Anak, mukhang matindi ang kumpetisyon ni Sam at Chris ah.Pero, just listen to your heart."

Umub-ob ako sa hospital bed at medyo naidlipako. Hindi kasi ako komportable sa pwesto ko kaya kahit kalhati lang ng isip ko ay nagpapahinga na, alam ko padin ang mga nangyayari sa paligid ko.

I heard my dad come in. Nag-usap sila ni Mommy at ang kanilang boses ay parang ipinaghehele ako. Malapit na akong makatulog nang marinig ko si Mommy.

"Mahal na mahal ko kayo ni Bianca. Ingatan m ang anak natin."mahinang sabi ni Mommy na parang habol ang kanyang paghinga. Humagulgol si Daddy at napabalikwas ako  ng marinig ko ang ugong ng makinarya sa tabi ko. Ilang segundo akong hindi nakakilos. Bigla akong tumakbo sa pintuan at tinawag ang doktor. Halos madurog ang aking puso ng iannounce ng dokto ang time of death ni Mommy. Niyakap ko si Mommy at naramdaman kong yumakap na din si Daddy. Pareho na kaming humagulgol sa kalungkutan..

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now