"Confession"

29 0 0
                                    

Chapter 13~

SAM'S POV

Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin humuhupa ang bagyo. Sobrang lakas ng ulan kaya hindi makaalis sina Ian sa bayan.  Wala ding signal ang cellphones namin kaya mahirap silang contact-in. Siguraado sabog na naman ang inbox ko sa mga text ni Isabella. Isinama sya ni Ian para daw may "alone time" kami ni Bianca. Akala ko, mahirap makitang may kasama syang iba. Mas mahirap palang makita na sya mismo yung nahihirapan sa sakit nya. And now, she's here in my arms, trembling with the fear of darkness and flaming hot because of her fever. Ang sarap lang ng feeling na nagrerely sayo yung taong mahal mo, kahit alam mong ayaw nya. Hinintay namin ni Bianca na magkailaw uli in each other's arms. Nang magkailaw, bumitaw agad sya sa akin. 

"Biancz, kain ka na muna."

"Sige, gutom na din naman ako e."

Napangiti naman ako kasi mukhang di na sya suplada sa akin. Bumaba kami dun sa resto at kumain.   Nagkakwentuhan din kami.

"Ano bang real score sa inyo ni Ian?"

"Wala. Best friend ko sya. And photographer. Yun."

"Yun lang talaga?"

"Oo nga eh. Ba't ba tinatanong sa akin yan?"

"Uhh, kasi....basta! Masama bang tanungin ang mahal---ko.."

Sht. Did I just say that aloud?

"Hindi."

Teka, hindi sya nagalit? Sinagot pa ya yung tanong ko. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya. 

"Oh ba't ganyan ka makatingin?"

"Ang taray mo."

Biglang nag-ring ang phone ko. Si Ian.

"O pare, asan na kayo?"

"Andito pa din sa bayan. Kumuha na kami ng matutuluyan dito kasi mukhang magtatagal pa ang bagyo. How's Bianca?"

"May lagnat pa din sya pero bumaba na."

"Pwede ko ba syang makausap?"

Binalingan ko si Bianca at ibinigay ang phone ko sa kanya. Kinausap nya si Ian ng mga ten minutes. Pagkatapos noon, bumalik na din kami sa hotel room nya. Ayaw pa nyang magpaalalay. 

"Tingnan mo nga ako, oh. Nakakatakbo na nga ako e."sabi nya at tumakbo pa pataas.

In three, two, one.....BOOGSH! Sabi na, madadapa yan. 

"Aray."bulong nya.

Di na ako nagsalita, binuhat ko sya hanggang kwarto nya.

"Hindi mo naman kailangan gawin yon e."reklamo ni Bianca.

"Hayaan mo na nga lang kasi. Ang kulit mo naman. Dapat nagpaalalay ka na lang sa'kin. Ang taas pa kaya ng lagnat mo."

Nahiga na sya sa kama. Maya-maya pa'y tulog na ang prinsesa ko. Katulad nung isang araw, hindi ko napigilang haplusin ang buhok nya. This time, I kissed her on her cheek.

"Pagaling ka."

Paglabas ko sa kwarto nya, nagtext si Bell sa akin.

"Sam, can I talk to you when I'm back?"

"Sure."

Tapos hindi na sya nagreply after nun. Weird. Medyo humupa na din ang bagyo. Siguro, bukas, makakabalik na sina Ian at Bell. Mabilis akong nakatulog. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod eh.

NOW PLAYING: Yeah, Yeah, Yeah by Chris Brown

Nagising ako kasi ang lakas ng tugtog na galing sa kwarto ni Bianca. I groggily went to her room. Pagtingin ko, nandun na sina Bell at Ian. Nagpaparty silang tatlo?

"O Sam, you're here na. Tara, kain ka na." aya ni Bell. 

She didn't jump on me? Weird na talaga Umupo ako sa tabi ni Bianca. 

"Okay ka na?"tanong ko sa kanya. 

"Yap! Salamat sayo."

Napangiti ako at kumuha ng tatlong piraso ng McDo fries. 

"So, anong nangyari sa inyong dalawa?"tanong ko kina Ian.

"Edi ayun. Na-stranded kami sa bayan. Nagpanic si Bell. Ang ingay."

"Kapal nito!"sabi naman ni Bell at hinampas si Ian sa braso.

"Ang cute nyo!" singit ni Bianca. Ako, no comment. Kain lang.

"Ikaw lang kaya ang mahal ko Bes!"sabi ni Ian.

Natigilan ako dun ah. Napatingin ako kay Biancz. Tumawa lang sya. Ba't ganun ang reaksyon nya? Nakakainis.

"Antok pa ako. Dun muna ako sa kwarto ko." kailangan ko na talaga umalis. Umiinit ulo ko dito. Selos na selos na selos na kasi ako, badtrip. 

Pagpasok ko sa kwarto, humiga ako sa kama. Mga five seconds after, may kumatok sa pinto.

"Pasok."

"Hoy."

Napatingin ako sa kanya kasi di ko inakalang pupuntahan nya ako.

"Bakit ka ba nagalit Sam?"

"Hindi ako galit."

"Weh?"

"Ang taray mo talaga. Kilitiin kita dyan eh."

Tumakbo sya at ako naman humabol sa kanya. Nung nahabol ko, napayakap ako sa kanya.

"Sam, seriously. Ba't ka nagalit?"

"Nagselos ako."

"Kanino?"

"Sa inyo ni Ian."

Medyo matagal na din ako nakayakap sa kanya pero hindi pa sin nya inaalis ang pagkakayakap ko. I guess this is the best time to confess my feelings to her.

"E ba't ka nga nagalit? Hindi naman kasi tayo."

Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Oo nga pala. Wala akong karapatan sayo. Sorry."

Bakit nga ba ako ganito sa kanya, e hindi naman kami?

"What I mean is, wala ka na namang nararamdaman para sa akin, di ba?"

"ANONG WALA NA?! HANGGANG NGAYON, IKAW PA DIN ANG MAHAL KO! BAKIT AKO MAGSESELOS KUNG WALA NA?! ANG SAKIT MAKITANG MAY KASAMA KANG IBA KASI HANGGANG NGAYON, MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA BIANCA!"

Natahamik sya at mukhang nagulat. I patted her head.

"Sorry, I crossed the line."sabi ko at tumalikod para umalis.

Nagulat ako kasi pinigilan ako ni Bianca.

"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan sa sitwasyon natin? Ang hirap pigilan ng selos, ng sakit. Ano bang meron ka at hindi kita makalimutan?"

"Mahal mo pa din ako?"

Sinimulan nyang hampasin ang dibdib ko.

"OO! Ang manhid manhid mo!"

Niyakap ko sya at tumigil na sya sa paghampas. Umiyak na lang sya at hinayaan nyang icomfort ko sya.

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now