"Break Up"

27 1 0
                                    

Chapter 8~

After that incident, sinimulan ko nang iwasan si Sam. I ignored every text message and phone call. Kung dati sigurado akong mahal nya ako, ngayon, I'm not so sure. Naputol ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Sam. Hinayaan ko lang itong mag-ring hanggang sa tumigil na ito. Siguro, napagod na sa kakasuyo sa 'di malamang dahilan.

"Anak, andito na si Ian." tawag ni Daddy.

"Yes Dad."

"Hi" bati ni Ian pagkababa ko.

I grinned at him. Mahirap maging malungkot 'pag kasama ko si Ian. Para kasi syang clown. Sobrang saya nyang kasama. I kissed Dad goodbye at umalis na kami pagkapaalam ni Ian.

Pagdating ko sa set, na-overwhelm ako. Punung puno ito ng teddy bears. Ako at isa pang model na ang pangalan ay Cathy ang gagamit nito. Lumapit si Ian sa aming tent kung saan kami mine-make up-an.

"Ok. Cathy at Bianca, you'll be in those Fred Lapiz' clothes. Just have fun, tutal ang ipoportray nyo naman ay sweet and young." nakangiti nitong ininstruct.

We worked well in the photoshoot. Kaya after that, magkaibigan na kami ni Cathy.

The next day, Ian stopped by the house. At nakikain pa ito. Masaya namin syang tinanggap sa bahay. Habang nagllunch kami, my kinuhang papel si Ian sa bag nya at iniabot nya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa nakasulat doon.

"Ano yan?" usisa ni Daddy.

Kinuha nito ang check sa aking kamay nang hindi ako magsalita.

"Ten thousand para sa isang photoshoot?! Aba Bianca. Pwede mo na 'tong maging profession." sabi ni Dad.

Tiningnan ko si Ian. Ngiting ngiti ang loko.

"Bi-nook ka nya, Biancz. And for your information, top designer si Fred Lapiz sa Europe."balita nito.

Sa sobrang saya ko, napayakap ako sa kanya. Natawa lang ito.

"Thanks, Bes." He answered me with a smile.

Kinagabihan, nag-aayos ako ng mga damit na bagong plantsa ni Yaya nang biglang magtext si Shirley. "Biancz, bukas may handa sa bahay. Punta ka po ah. Sama mo na din si Ian. Padespidida ko yun eh. Aalis na kami sa isang araw." Pagkabasa no'n ay tiext ko aga si Ian. Nagreply ito na 'di sya makakaam kasi may trabaho sya. Pinaalala din nya yung photoshoot ko sa Friday. Wala na akong load kaya di na ako nakareply dito.

Matutulog na sana ako ng tumunog ang wireless phone ko sa kwarto. Sinagot ko ito at nagulat ako dahil si Sam ang nasa kabilang linya. A part of me wanted to just put down the phone pero mas nanaig ang pagkamiss ko sa kanya.

"Hi."

"Hi, um, pupunta ka kina Shirley?"tanong nito.

"Yeah."

Tahimik lang kami pareho. Ang lamig ng pakikitungo nya sakin. Ba't ganun?

"If you don't mind, matutulog na ako." sabi ko ng di ko na kinaya ang katahimikan.

"Oh sige. See you at Shirley's?"

"Yeah, bye."

"Bye."

Kinabukasan, nagpunta ako kina Shirley around 5pm in the afternoon. Konti pa lang ang bisita kaya tumulong na lang muna ako sa pag-aayos. Maya-maya pa'y dumating na ang mga tao. Nang magsimula ang sayawan ay naupo na lang ako sa sofa at nag-isip. Tapos may biglang tumabi sa akin.

"Ang lalim ng iniisip ng mahal ko ah."

Mahal? Napatingin ako dun sa katabi ko.

"Ano? Isang linggo pa lang tayong hindi nagkita, di mo na ako kilala?" sabi ni Sam.

Why is he acting like nothing happened? Nakakainis tuloy. Ni hindi man lang nya napansin ang pagbabago ko towards him.

"Bianca, ano bang problema?" tanong nito nang hindi ko sya sinagot.

"BIANCZ! Let's dance! Sam, hiramin ko lang si Bianca ah," singit ni Cindy at hinila ako s dance floor.

"Thanks." bulong ko sa tenga nito.

Lumapit sa amin si Shirley. "Ano? Okay na kayo?" tanong nito.

"Hindi pa eh. Shirley, baka bigla na lang ako umalis mamaya ah. Alam nyo na..."

Nag-nod lang sya. I'm so lucky to have them as friends.

NOW PLAYING: 14 BY SILENT SANCTUARY

May humawak bigla sa kamay ko at hinila ako sa terrace kung saan kami lang dalawa ang nandoon. Niyakap nya ako.

"Bianca, ano bang nangyayari sayo?" bulong ni Sam.

"Nakakasama mo si Isabella di ba? Nang kayo lang dalawa?"

Iniangat nya ang ulo nya at hinintay akong tumingin sa kanya. Medyo naiinis ang expression nya.

"Ni hindi mo nga sinasabi na nagkakasama pala kayo." patuloy ko.

"Lahat ba dapat sinasabi ko sayo? Body guard ba kita?" marahan na sabi nya.

"I would like a little space Biancz. Yung di lang tayong dalawa ang magkasama. Ang mundo natin kasi naikot na lang sa ating dalawa." patuloy nya.

Nainis ako sa mga sinasabi nya ngayon.

"Gusto mo ng space? Fine. You can have all the space you want. Yung tayong dalawa? Wala na yun. You can have your own world now. Sorry dahil hindi ko napansing di ka na pala masaya sa ating dalawa. We're through, Sam!" I shouted the words at him and left the place.

--------------

AUTHOR'S NOTE:

UD UD din pag may time hahahaha. Hi internet! :)

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now