"Stranded"

31 0 0
                                    

Chapter 12~

BIANCA'S POV

It's been two weeks since our reunion. Dapat masaya ako no'n kung hindi lang dumating yung "hindi daw" girlfriend ni Sam. Kaya lalo pa akong nainis dahil kasama namin ngayon si Isabella at Sam sa Palawan. 

"Bakit ba kasama yang dalawang yan dito? Eh hindi naman sila dapat andito ah." reklamo ko kay Ian nang makasakay kami sa private yacht nito.

"I invited Sam here. Hindi ko naman alam na Isabella would tag along."

"WHAT?!" 

Bakit ba kailangan pa nyang imbitahin si Sam? Alam naman nyang parang linta kung dumikit si Isabella dun eh. Ian just shot me with an apologetic smile. I sighed. 

"Ok na." I said grudgingly.

Ngumiti lang ito sa akin. When we're all settled at the yacht, umalis na kami at nakarating sa isang hotel. Nagcheck-in kami doon at magkakatapat lang ang rooms namin. Nabored ako sa sarili kong kwarto kaya naisipan kong puntahan si Ian dahil alam kong may dala syang video games. Fortunately, hindi, UNFORTUNATELY, nakasalubong ko si Sam sa hallway.

"Hey."bati ni Sam.

"Hey."

"Should you be wandering at this hour? Gabi na ah. Saan ka ba pupunta?"

"Actually, pupunta ako sa kwarto ni Ian."

"Ah."

His face fell. Is that jeaousy I see in his face? Hindi na lang ako aasa na nagseselos sya dahil alam kong masaya na sila ni Isabella.

"I should get going."

Nilampasan ko sya at kumatok sa pintuan ng room ni Ian. A few seconds after, binuksan na nya ito. Pumasok ako sa kwarto nito nang hindi man lang nililingon si Sam.

"So what brings you here?"

"Wala naman. Nabagot lang ako sa kwarto ko and I came here to play video games. Alam kong dala ka."

Ewan ko ba kung bakit kahit anong negative na naffeel ko ay biglang naglalaho pag andyan na si Ian. Again, I blamed it all on his personality. After two hours of playing video games may bigla akong nasabi.

"Bes, paano kung sabihin kong mahal kita?"

Napanganga si Ian at nahulog ang lollipop nito sa bibig. 

"HA?!"

"Just answer it."

"Uhh, syempre matutuwa ako kasi alam mo naman na crush kita noon pa man."

"Bes, pwede ba kitang maging boyfriend?" HALA, ano bang sinasabi ko?!

Hinawakan ni Ian ang noo ko.

"Nilalagnat ka yata."

"Hindi ah. Pasensya na. I feel funny."

"Of course you'll feel funny, ang taas ng lagnat mo, Bes."

After saying that, nahilo ako and everything went black.

Paggising ko, nagulat ako sa taong nagbabantay sakin.

"Sam?! What happened?"

"Sobrang taas ng lagnat mo kagabi hanggang kanina." he informed me habang tinutulungan akong umupo.

"Asan si Ian?"

"Pumunta sila ni Bell sa bayan but with this storm, mukhang matatagalan silang makabalik." he looked at the window with blank eyes.

"Nag-aalala ka kay Isabella 'no?" I teased him, hiding my envy.

"I'm more worried about you."he chuckled, touching the tip of my nose with his index finger.  Tapos nilagay nya yung kamay nya sa noo ko. Sa simpleng hawak na yon, bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakainis, bakit ba mahal ko pa rin sya hanggang ngayon? Everything me and Ian have, hindi maikukumpara sa mga pinagsamahan namin ni Sam. His face turned concerned. 

"Bakit?"tanong ko.

"Ang taas pa din ng lagnat mo eh. Matulog ka ulit."

"Sige."

Medyo pagod na din ako kaya nahiga ulit ako. Kinumutan nya ako. But before he leave the room, nagpasalamat ako. Tinalikuran ako sya at pumikit. Then he touched my hair after a few minutes. 

"Lahat gagawin ko para sayo. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita. Sorry kung nasaktan kita noon. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga at nasasaktan pa din kita at kailangan ko magmahal ng iba. Siguro ngang mas mabuti ng ganito."

Then I heard him stand up and leave the room. Iminulat ko ang aking mga mata. I sighed, too tired to cry and succumbed into sleep.

Paggising ko, natutuog si Sam sa tabi ng kama ko. I reached out and touched his cheek. Namiss ko yung feeling na 'to. Yung pakiramdam na mahal ko sya at mahal nya ako. Naramdaman nya ang paghaplos ko sa mukha nya at tuluyan nang nagising. Binawi ko naman agad yung kamay ko. When he first looked at me, he smiled. I smiled back. Tapos napatingin ito sa bintana.

"Naulan pa din? Tapos wala ding signal. Hindi ko tuloy macontact sina Ian."

"They're not back?"

He shook his head.

"Wag kang mag-alala Bianca. They'll be back safely, okay?"

Tumango lang ako. After that, kumidlat at kumulog ng malakas. Sa takot ay nakayakap ako dito. Nasundan pa ng brownout kayo lalo pang napahigpit ang yakap ko kay Sam.

"Bianca, sandali lang. Sasabihin ko lang sa lobby na mag-generator."

""Wag mo akong iwan mag-isa dito."

Para akong bata na takot na takot. I hate being vulnerable around him. He relaxed and let me hug him. Hinagod nya ang likod ko para pakalmahin ako.

"Biancz, calm down. Baka hikain ka. Andito naman ako e."

I felt safe and loved. Dahil na din doon kaya kumalma ako. And from that moment I surrendered my heart to him. Again. Kahit gaano ko pigilan ay sya pa din ang laman ng puso  ko kaya kahit gaano pa ako saktan nitong lalaking to, sya pa rin lang.

----------

AUTHOR'S NOTE:

Ang tamad ko talaga. SOrry! :(

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now