The Funeral

48 1 0
                                    

Tatlong araw lang ibuburol si Mommy. And today will be the funeral. Hindi pa din ako makapaniwala na wala na siya. Di ko mapigilang umiyak at ayaw din namang tumigil ng luha ko sa pagpatak. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ang coffin ni Mommy.

"Mom, is it time to choose already?"bulong ko, As if to answer my question, dumating si Sam. Behind him is Chris. I smiled at Mom's dead then sighed.

Lumapit silang dalawa sakin at binigyan ako n mahihigpit na yakap. Nginitian ko silang dalawa. "I'm so sorry about your Mom, Biancs."sabi ni Sam. "Condolence, Bianca,"Chris said. Dumating na ang pari sa misa. Althroughout the mass, wala akong imik. All I can think about is my mom. Halos lahat ng kamag-anak namin at mga Family friens occupied the whole church. The tears kept falling down. I closed my eyes, letting the happy memories of me and mom fill my head, with this two guys I love beside me.

Noong oras na ng paglalagay ng bulaklak sa kabaong, bumulong muna ako sa kanya. "Mommy, I've made up my mind. Alam mo naman po siguro kung sino ang pinili ko,"bulong ko. The sunlight shone down on my mother's face and in an instant, alam kong masaya si Mommy sa naging decision ko. The funeral procession started. Nakayakap ako kay Daddy habang naglalakad.

Nang mailibing si Mommy, nagpaiwan ako sa sementeryo. Sinamahan ako ni Sam at Chris. Maybe it is time to say who won my heart. And in front of my mom's grave.

"Bianca, tara na. I know you're tired,"bulong sakin ni Sam. I took a deep breath at hinarap ko silang dalawa.

"Guys, may sasabihin ako sa inyo."

Tahimik lang silang naghintay ng sasabihin ko. "Pipiliin na ako sa inyo."

Lumapit ako kay Chris. Hinawakan ko ang kamay nya. Napansin kong nalungkot si Sam. "Chris, we loved each other once. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. But now, Sam has my heart."

Biglang napatingin sakin si Sam. Ngumiti si Chris. "Okay, sana makamove on ako sayo. But I wish you all the happiness,"sabi nito at hinalikan ang kamay ko.  Umalis na siya after that. Nilapitan ko naman si Sam. I wound my arms around his neck. "Oh, wala kang sasabihin? Ikaw ang pinili ko,"nakangiti kong sabi. Napangiti na din siya nang sinabi ko yun.

"Wow. Talaga ha?"nakangiti nitong tanong sa akin. Natatawa pa syang nagtanong pero halata na sobrang saya nya. "Bingi ka ba?"sagot ko sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit. "I love you."buong nya.

Simula ng mangyari yon, nabawasan ang lungkot na dala ng pagkawala ni Mommy. Kasama ko ang lalaking mahal ko. After one week, bumalik na ako sa part-time job ko at nag-focus din sa pag-aaral. Ibina-balance ko ang oras ko sa mga ginagawa ko.

"Babe, wala ka nang oras sakin. Nakakadepress ah,"sabi ni Sam na may bahid ng tampo. Tinampal ko sya ng mahina sa braso. "Kaw naman, madami nga kasi akong ginagawa,"sabi ko. "Makapag-apply na nga dyan sa trabaho mo. Para nakakasama kita."bigla nitong nasabi. "Sus, wag na 'no? Baka magalit pa si Tita sa akin. Ayaw nun na may distraaction ka sa pag-aaral."I disagreed. "Edi magpapaalam ako."sabi nito. Tumahimik na lang ako at napangiti. Hindi talaga ako mananalo sa kakulitan nitong si Sam.

Pinayagan naman si Sam na magtrabaho sa cafe saka para daw mabantayan ko si Sam. Lagi na kami magkasama after that. Every Saturday morning, pinupuntahan namin si Mommy. Si Chris man ay malungkot pa din, but he's starting to move on.

Biglang nagtext sa akin si Chris. Ilang months na din ang nakakalipas simula ng pinili ko si Sam. "Sam, aalis na daw si Chris. Magmmigrate naa daw sila sa Greece,"sabi ko dito ng magtext si Chris. "Edi puntahan natin. Naging magkaibigan din naman kami dahil sayo. Ihatid na natin."suggest nito. Tinawagan ko si Chris at sinabing ihahatid na namin sya. Sa makalawa na daw ang alis nito.

8:50pm. Malapit na ang flight ni Chris. Nang tinawag na ng nag-aannounce ang mga papuntang Greece, nagpaalam na si Chris. Nagkamayan sila ni Sam. "Pare,"sabi nito kay Sam sabay tingin sakin. Parang nagpapaalam sya kay Sam. "Sige,"nakangiting sabi nito. Niyakap ako ni Chris ng sobrang higpit. "Mag-iingat ka palagi. Mahal na mahal pa din kita."bulong nito at hinalikan ako sa noo. "Sam, aalagaan mo yan at huwag mong sasaktan."bilin nito. "Syempre naman." sagot nito. Ngumiti lang si Chris at umalis.

Tinitigan ko si Chrishabang naglalakad palayo. There he goes, ang lalaking una kong minahal. Pinakawalan na ako ng tuluyan at ipinagkatiwala sa lalaking nagmamay-ari ng puso ko ngayon.

----------------------

AUTHOR'S NOTE

Yeeeeahhh!  Internet's back! Kasaya ko eh. haha. Share. :D

In My Heart ForeverOnde histórias criam vida. Descubra agora