"Newcomers"

44 1 0
                                    

Chapter 7~

Natapos ang aming Grad Party at exactly 2:00am. Dahil inaantok na ako, binuhat ako ni Sam para isakay sa sasakyan.

"Uhh Biancz, tinawagan ko na Daddy mo. Sa amin ka na matulog kasi pagod na pagod ka na,"mahinang sabi nito. He stroked my cheek using the back of his hand.

"Okay lang,"bulong ko.

Naidlip ako ng sandalibago ako gisingin ni Sam. Inalalayan nya ako papasok ng bahay nila. Sinalubong naman kami ng katulong nila.

"Naku! Ma'am Bianca! Teka, umupo muna kayo at aayusin ko lang ang guestroom."tarantang sabi ni Manang Amelia.

Ngumiti na lang ako dahil talagang antok na antok na ako. Naupo kami ni Sam sa sofa at inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya. Malapit na akong makatulog ng biglang may sumigaw sa second floor, ang kapatid nitong si Beatrice.

"Ate Bianca!"

"Beatrice! Pagod ang Ate Bianca mo!"sita ni Sam.

"Okay lang."

Nag-usap kami hanggang maayos ang guestroom. Pagkatapos natulog na ako.

Pagkagsing ko, ayokong lumabas ng mukhang bagong gising. Buti na lang at mayroong banyo ang guestroom at may may damit ako doong mga gamit. Nagbathrobe ako at binuksan ang pinto dahil may kumatok.

"Ma'am Bianca, narinig ko po kayong naliligo kaya dinala ko po yung damit nyo nung huli kayong natulog dito." sabi ni Manang Amelia.

"Naku, salamat po."pasasalamat ko.

Ngumiti lang siya. "Si Sam po?"tanong ko.

"Ay, kanina pa syang gising. May bisita lang po sya."sagot nito at umalis na. Sinara ko ang pinto at nagbihis. Nag-ayos na din ako. Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng kwarto.

"Uy, Biancz. Look who's here."sabi ni Sam pagkakita sakin. He went to me and kissed my cheek. And then I saw his guest.

"Hi Bianca."

"Isabella." Lumapit sya sa akin at nakipagbeso.

"You look great."sabi nito.

"And you look...pretty. What are you doing here?"

"Well, dito na kasi ako sa subdivision nyo nakatira eh.So I heard dito kayo nakatira. Pero mas close ako kay Sam kaya sya yung una kong binisita."

Yeah, right. "Ahh, kaya pala. Well, it's nice to see you again. Kailangan ko ng umuwi"

"Babe, hahatid na kita." Sam offered.

"Wag na, may bisita ka pa eh."

"Paalis na din naman ako. Sam, ihatid mo na girlfriend mo."singit ni Isabella.

Pagakauwi ko, sumama ako kay Daddy para maglunch sa isang five-star restaurant. Habang kumakain at nagkkwentuhan kami ay biglang may nagpicture sa amin. We automatically turned to see who took the picture. Dalawang lalaki ang nakita namin. YUng isa ay naka-coat ang tie and is about the age of my father at yung isa naman wore a casual polo shirt, jeans, and white Chuck Taylor and holds a camera. He was about my age and looked oddly familiar. At mukhang kilala din sila ni Daddy.

"Pasensya na kayo sa anak ko. He likes to take pictures of beautiful girls,"natatawang sabi nung lalaking naka-formal.

"Okay lang yun Henry. Bianca, do you remember your Tito Henry?"tanong nito.

I just smiled shyly dahil hindi ko naman talaga sya kilala. "Naku, Jerry. Hindi ako maaalala ng anak mo. Itong anak ko, baka maalala nya. Remember my son, Ian?"sabi nito.

And then it struck me. Sya yung batang lagi kong kalaro nung maliit pa ako.  "Yeah, nice seeing you again,"sabi ko kay Ian.

"You too. Mas gumanda ka Biancz."sagot nya. Mas pumogi tong bestfriend kong to. Ang tagal ko na syang hindi nakikita. "Sus,bola."natatawang sabi ko.

We talked ang then afterwards, niyaya kami ni Tito Henry na magtennis. Sumama kami ni Daddy pero hindi na ako naglaro dahil nakadress ako. Para naman hindi ako ma-bore, Ian took a lot of pictures of me.

"Ang ganda naman kumuha ng camera mo."

"Mas maganda kang kuhanan. You understand angles. Pwede kang magmodel."

"Talaga?"

"Oo. Gusto mo bang magmodel?"

"Ewan ko, Ian."

"Please?"he asked with those puppy eyes. Tumawa ako. "Sige na nga. When will I start?"

"Next week may photoshoot ang isang teen magazine. Sumama ka na lang sa akin. Assistant photographer ako dun, saka naghahanap sila ng bagong models."

Kinabukasan, sumama ako kina Cindy at Shirley para makapag-relax. Pumunta kami sa isang spa. After that, we hanged out at the mall. "So Shirley, kailan daw kayo uuwing Mindoro?"

"Bale next week."

"We'll miss you."sabi ni Cindy.

Nang magutom kami, pumunta kami sa isang cafe na madalas naming pinupuntahan. We're at the counter nung kinalabit ako ni Shirley. "Biancz, si Sam yun di ba?"she asked.

Tiningnan ko kung saan sya nakatingin at I saw him.

"Sino yung kasama nya? She looks familiar."

"Kasama nya si Isabella."bulong ko sa sarili ko.

"Isabella? As in Isabella Mendrez?"

"Ano ba kayong dalawa---oh my God,"nagulat na bulalas ni Cindy.

"Biancz, are you okay?"tanong nito.  Medyo naiiyak na ako. "I want to leave."sabi ko,

I almost ran out of the the door. May nakabangga ako. Magsosorry sana ako nang magsalita sya.

"Ian?!"bulalas ni Shirley.

"Biancz? Shirley? What's happening?"gulat nitong tanong.

"Ian, we can talk but please, not here."sabi ko.

He seemed to understand me. "Okay."

-----

AUTHOR'S NOTE

Mag-update na daw ako eh haha. :P Goodnight.

In My Heart ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon