In My Heart Forever~

47 1 0
                                    

Chapter 23

CHRIS' POV

Bakit ganun? Bakit and duwag ko? Hindi ko man lang masabi kay Bianca ng diretso na mahal ko sya... na kahit kailan hindi nawala 'yun. Nung dumating si Gael, akala ko sya na. But when I saw Bianca again, my heart started skipping beats like they did before. Kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.

When she asked me to go back to Gael, umiiyak sya. I still have that nagging feeling that she's lying. Na mahal nya rin ako kahit sinasabi nyang hindi.

So instead of pushing her I went home. Mag-isa lang ako dito sa Manila kasi sina Mama ay nasa Greece. Almost of my relatives migrated in Santorini. I was so ashamed of myself for being such a coward. Nagmumukmok ako nang may biglang tumawag sa phone ko. It's Gael.

"Hey."

"Hi."

"Pwede ba tayong magkita? I just need to talk to you right now."

Parang ang lungkot din nya. "Okay," I obliged.

Sumama muna ako sa isang kaibigan ko at inihatid ko sya sa airport.

"Chris, babalik ka bang Mindoro?" tanong ng kaibigan kong si Kevin.

"Ahm, oo."

"Di ba pare, ikakasal na kayo ni Gael?"

Oo nga pala, si Gael. Medyo nagpanic ako sa pag-iisip ng palusot.

"Sandali lang naman ako dun. Aasikasuhin ko lang yung bahay namin dun."

"Dun na siguro kayo titira 'no?"

Napangiti na lang ako. Siguro, kailangan ko na din makipaghiwalay kay Gael. Masyado kasing unfair sa kanya kung itutuloy ko pa to.

I met Gael in one of the cafes we used to hang out here in Manila. Nang makita ko syang naghihintay para sa akin, lumapit agad ako at hinalikan sya sa pisngi. She smiled at me, but her eyes looked sad. Masyado ko syang kilala para hindi mapansin 'yun.

"What's wrong?" I asked, holding her hand.

Kahit naman sobrang mahal ko si Bianca, I did love this wonderful woman in front of me. Ngumiti ulit si Gael.

"Kahit ngayong araw lang, Chris, pwede bang maging akin ka? Samahan mo 'ko sa mga lugar na gusto kong puntahan. I want to be with you," her voice was so miserable, I had to agree. Maybe I should give her at least this moment.

"So saan mo gustong pumunta?" I asked her.

She deliberated for a minute. "Punta tayong EK," she answered.

"O sige. Sabi mo eh."

We were heading for the car when she stopped me.

"Gusto ko mag-bus. Di ko pa naeexperience eh," sabi nya.

I called Kevin and asked if he could fetch my car. Luckily, he agreed. Kaya ayun, nag-bus kami papuntang Laguna.

Alam kong medyo gagabihin na kami ng uwi, pero gusto 'to ni Gael eh. A few minutes later, napansin kong nakatulog na sya. Kaya kinabig ko ang ulo nya at inihilig sa balikat ko.

"I'm really sorry, Gael."

Alam kong masasaktan ko sya. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukan kong matulog.

Maya-maya pa, naalimpungatan na si Gael pero hinayaan ko lang na nakapikit ang mga mata ko.

"Chris, alam mo, mahal na mahal kita. Sobra. Kaya nga gusto lagi kang nandito sa tabi ko. Pero di ka na masaya sakin. Papakawalan kita. Ganun kasi kta kamahal e."

Sobrang lungkot ng boses nya. Bakit kaya ganun sinasabi nya? Nagkunwari akong nagising dahil tumigil ang bus at humarap sa akin ang isang nakangiting Gael. Wala na lang akong nagawa kundi ngitian din sya.

Nakarating kami ng EK. Yun, kung saan-saan ako hinila ni Gael. Sa carousel, sa Swan Lake, sa roller coaster na limang beses naming sinakyan, at halos lahat ng rides ay inenjoy lang namin.

Sa halos isang araw na kasama ko sya, naalala ko kung bakit ko sya minahal noon.

At kung gaano ko sya masasaktan sa plano kong gawin.

Gabi na kaya may fireworks. Nakatitig lang kami dun nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kanya at nakita kong umiiyak sya.

"Chris let's break up."

I was shocked at "Bakit?" lang ang nasabi ko.

"Dahil mahal kita. At alam kong si Bianca ang mahal mo. I'm letting you go. Because I will be unfair to you and mostly, to myself."

I tried to hug her-to ease the pain-but she pushed me away.

"Chris, salamat sa oras mo. Salamat sa sandaling panahon na 'to. Salamat kasi kahit papaano, naramdaman kong minahal mo ako. Umalis ka na please. And don't look back, she said while crying.

Kahit sobrang awing awa ako sa kanya, tumalikod ako. Bago ako umalis papalayo ay pinasalamatan ko sya, then started to walk away.

I texted Claire, isang friend namin ni Gael na nakatira sa Laguna to fetch her up at Sta. Rosa. Thank God Gael's safe.

"Kevin, ikaw na ang bahala dito. I think magtatagal ako sa Mindoro eh."

"Sige pare. Ingat ka dun."

It's been a week since Gael and I broke up. Pagkatapos kong masiguro na okay na lahat ng businesses, I left for Mindoro. Hindi ako sigurado kung dapat ba akong magpaalam kay Bianca pero tumuloy na alng ako kahit hindi nya alam.

6:32am, Mindoro. Walang tigil ang vibrate ng phone ko. May tumatawag. Ano ba yan? Iniwan ko na ang lahat ng trabaho ko sa Manila ah. Ba't may makulit pa din? Sinagot ko yung tawag.

"Chris? Ikaw ba yan?" an unfamiliar voice asked.

"Speaking. Bakit?"

"I'm Cindy. Bianca's friend. Tinawagan nya kasi ako a while ago. She's depressed and she keeps saying your name," she said and then added,"Nandito kami sa bahay nila sa Mindoro."

Nandito sila sa Mindoro? What a coincidence! Or is it fate?

"I'll be there."

Nang dumating ako sa bahay nina Bianca, nakita ko sya sa sofa sa salas nila, maga ang mata kakaiyak pero maganda pa din, bumilis ang takbo ng puso ko.

"Bianca."

She heard me and looked at me.

"Bakit nandito ka?"

"I broke up with Gael. Hindi, sya pala ang humiwalay sa akin."

"Bakit?" 

"Hindi ko sya pwedeng pakasalan kung mahal kita, Bianca."

Tumayo sya at lumapit sa akin. Bigla na lang nya akong niyakap.

"Yun lang naman ang hinihintay ko e."

"Mahal mo din ba ako?"

"Tsk. Di pa ba obvious? OO!"

"Kung ganon, will you marry me?"

~

AUTHOR'S NOTE:

Yeyyyy! One chapter more. HAHA. HAPPY HELL WEEK TO ME. <3

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now