Pretense

40 0 0
                                    

Chapter 22

BIANCA'S POV

"Teh, okay ka lang?" tanong ni Beatrice nung makauwi ako galing sa boutique namin. It's been a week since Chris told me about his wedding proposal to Gael.

"Oo naman, bakit? Mukha ba akong hindi okay?" I tried to smile at her.

"Ate, matagal na kitang kilala. Alam ko kung may problema ka."

"Bea, kasi...will you get angry with me if I tell you that I think I'm in love?"

"Talaga? Hindi naman ako magagalit sayo eh. You have a life. May karapatan kang gawin ang gusto mo gawin ang gusto mo."

Wala akong sinabi at nanatiling tahimik.

"Kung in love ka, then what's the problem?" tanong muli nito.

"Ikakasal na kasi sya, Bea."

"What?! Sino ba yun, Ate Bianca?"

"Si Chris Galledo, ex ko."

"Chris Galledo? As in, Chris Galledo, the third placer in archery sa Olympics last year?"

"Uhm, oo."

"Wow. Pero, ate, pa'no kung balikan ka nya?"

"Imposible yun."

--

Nasa boutique ako that time in Quezon City nang magtext si Gael. She wanted me to have lunch with her. Nasa QC din daw sya so I obliged. Nang dumating na si Rachelle, ang branch manager ko sa boutique namin sa QC, umalis na ako to have lunch with Gael. Tinext nya sa akin ang restaurant kung saan kami kakain. Malapit lang ang resto na yun kaya in less than an hour, andun na ako.

"Hi Biancz," she smiled at me.

"Hi.. So what's good in this place?" I asked, starting to feel friendly.

Masyado lang talaga akong komportable sa kanya..

"I hear their Angel Hair Pasta is good. Order na tayo."

Pagka-order namin, nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga ginagawa namin ngayon. Medyo madami-dami na din ang napagkkwentuhan namin pero radmam kong hindi talaga yon ang dahilan kung bakit gusto nya akong makausap ngayon.

"Gael?"

"Yeah?"

"Bakit mo ako gustong kausapin ngayon?"

"Can't I go out with my friend?"

"Is that really what you asked me out for?"

"Actually, hindi. I asked you to come here so we can talk about Chris."

"What about Chris?" Bakit sya sa akin magtatanong eh sila nga itong mag fiancée.

"Worried lang kasi ako. Di ba, sobrang close nyo? Tapos alam kong may past kayo. He still cares for you...so much. I just want to know if you feel something for him."

Napakabait talaga nitong si Gael. Hindi sya plastic. Siguro yun na din ang dahilan kung bakit I think she deserves Chris. Kahit masakit sa akin.

"Wag kang mag-alala Gael. I don't feel anything special for him, anymore. Mahal ko sya as my friend, plus, I'm really happy for both of you," I lied.

Nagsinungaling ako kay Gael, but I mean half of it. Hindi sya dapat mag-alala, dahil kahit kailan, ang nais ko lang para kay Chris ay maging masaya sya. At si Gael ang kasiyahang yon.

Matagal akong tinitigan ni Gael. I can even feel my control slipping under her gaze. Then she smiled, looking defeated. Hindi ko alam kung bakit.

"Thanks Bianca. You're a really good friend," she said, and then we said our goodbyes. May gagawin daw sya eh. I think I just officially lost.

--

"Hala, wag mo 'kong birahan ng iyak dyan. Bianca, tumahan ka nga dyan. Sasabay ka pa sa anak ko eh," reklamo ni Cindy nang dumalaw ako sa bay ng mga ito.

Ikinuwento ko ang lahat kasabay ng pagtulo ng mga luhang pinipigil ko.

"Ang tanga-tanga ko naman kasi eh. Ba't ko pa ba natutunang mahalin ulit ang kumag na yun."

"Bianca, minsan, ganyan talaga. Girl, sa dami ng napagdaanan mo, ngayon ka gaganyan."

Pinahid ko ang mga luha ko. "Tama ka, dapat maging matatag ako."

"Yan!" ngiting ngiting sabi ng napakagaling kong best friend na sa isang salita lang ay napapagaan ang loob ko.

--

Nasa school si Faith nung dumating sa bahay si Chris. I never knew na nakarating na sya ditto sa bahay namin dahil pinapasok sya ng maid namin.

"Huy, napadalaw ka," gulat kong sabi.

"Pumunta ako dito dahil may itatanong ako sayo," sagot nito.

"Okay, shoot."

"Bianca, do you love me?"

"Anong tanong yan, Chris?" I said, ignoring the loud beating of my heart.

Iniharap nya ako sa kanya. Seryoso sya sa tanong nya. I looked away when I met his eyes.

"Just answer my question, Bianca," he said firmly.

"If Gael knew about this-"

"Damn it Bianca! Sagutin mo ang tanong ko! Kailangan kong malaman."

"E pa'no kung oo?"

"Willing akong makipag-break kay Gael. I cannot marry her kung nasasaktan kita."

Tuluyan na akong nanghina at umiyak sa harap nya.

"Bakit mo kailangang gawin yun? I'm not even in your life anymore!"

"Akala ko okay na ako nung iwan kita kay Sam noon, but I guess I'm wrong."

Hinihintay ko lang namang sabihin nyang mahal nya ako.

"Answer my question. Do you love me?"

Ayoko na. I need to stop this; it's hurting me so much.

"No. So please leave me alone and go back to Gael," I said.

I think I saw him hurt and he loosened his hold on me and turned away.

"Salamat sa pagiging honest mo sa akin," he whispered and went away.

"Jen, aalis lang ako. Pakisundo si Faith tapos pakainin mo na din ng lunch," sabi ko sa maid namin.

"Opo Ate."

I got inside my car and drove away. I went to Sam's grave and cried a lot. Alam nya ang nararamdaman ko because he's not only y once-true-love but he is also my best friend.

"Sam, bakit ang sakit? Bakit mo pa ako pinagkatiwala kay Chris, iiwan din naman nya ako," I said and at that moment, I cried my heart out.

~

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now