My Boyfriend's Brother

37 0 1
                                    

Chapter 14~

CINDY'S POV

Hay, buhay. Bakit nga ba ulit ako nandito sa bahay na 'to? Hindi naman ako nandito dapat kung hindi dahil lang kay Mark. 

"Mahal, upo ka muna." sabi ni Mark.

"Thanks."

Tumabi ako kay Beatrice, ang bunsong kapatid nito. 

"Hi Ate Cindz."

"Hello. Kamusta ka na?" tanong ko. May maitanong lang.

"Okay naman po. Ate Cindy, hindi mo po ata kasama si Ate Bianca ngayon. Hindi ko po kasi sya nakikita eh."

"Ang alam ko nasa Paawan sila. Kasama si Sam dun."

"Ahh."

Biglang may nag-doorbell. Binuksan nito ang pinto at bumungad sa paningin ko ang itsura ng nakakainis na ex-boyfriend na nanakit sa bestfriend ko. 

"Hi Cindz."

"Hello Sam."

Sakto namang dumating si Mark dala ang mga juice.

"Oy, 'tol!" bulalas ni Mark. 

Niyakap sya nito. Ikinuwento ni Sam ang mga nangyari sa Palawan. Ikinuwento din ni Mark kung paano naging kami. Kating-kati na ako tanungin si Sam kung paano nya nasaktan si Bianca, my best. Sabi nya, mahal na mahal nya. E ba't ganun?

"Sige Cindy, Mark, Bea. Tutulog muna ako. Pagod eh." paalam ni Sam.

"Mahal, tara sa mall."

"Sige ba, tara."

Nag-mall kaming dalawa kasi nakakastress na. Sobra. Kung mag-focus na lang kaya ako sa aming dalawa 'no?

"Mahal, bakit ako?" tanong ko.

"Anong ba't ikaw?"

"Bakit ako ang minahal mo? Mas maganda naman sa akin si Bianca, si Shirley, si Isabella. Pero bakit ako?"

"E kasi, simple ka, masaya kasama,matalino at maganda ka din naman. Ano pa hahanapin ko?"

Napangiti ako sa ganda ng ngiti nya. Inihatid nya ako sa amin ng mga 6pm. Ayaw nya kasi na ginagabi ako. Kaya botong boto si Papa dito e. Haha. 

"Sige, good night na." 

I meant to kiss him on the cheek pero ipinaling nya ang ulo nya kaya sa labi ko sya nahalikan. Tumawa lang si Mark. Ipinalo ko sa kanya ang hawak kong wallet.

"Good night Mahal. I love you." he said while chuckling.

Lumabas na ako ng sasakyan nya at pumasok sa bahay. Nagmano ako sa nanay ko na nasa harap ng gate.

"Andyan si Bianca sa loob." imporma nito sa akin.

Pagbukas ko ng pinto pagpasok, nandun nga nag bruha.

"HOY BABAE! Kamusta ka? Di kita macontact nung nasa Palawan ka ah."

Naupo ako sa tabi nito at nagsimulang magpakwento. Grabe din pala ang pinagdaanan nitong babaeng 'to. Nagkalagnat, nahimatay, nastranded sa isang hotel kasama ang bwisit na ex-boyfriend. Niyakap ko si Bianca.

"Aww, Best. Kawawa ka naman."

"May iseshare ako sayo."

"Sige game."

"Ano.. mahal pa daw ako ni Sam."

"HA?! So kayo na uli...uli?"

"Hindi. Pero sasabihin daw muna nya kay Isabella."

"Teh. Ba't kailangan pa malaman ni Isabella yun? Nanay nya ba yun?"

"Eh inarranged marriage daw sila ng daddy nya eh."

"Ah. Ang tanong, aayos lang kaya kay Isabella yun?"

"Ewan." yan lang ang naisagot nya. 

"Naku, hija, ang sarap mo naman magluto ng adobo. Ikaw na ang magluto para kay Mark ha?" bulalas ni Tita Marianne nung dumalaw ako minsan sa kanila.

"Sige po, Tita."

"Mm, Mahal. Ang sarap mo magluto. Lagi mo akong ipagluluto ah."

"Sure."

"Anong kaguluhan to?" tanong ng bagong gising na si Sam.

"'Tol. Tikman mo yung luto ng Mahal ko. Ang sarap. Sobra."

"Sige. Patikim....Wow! Galing ni Cindz ah."

"Masarap ba? Alam mo, si Bianca ang nagturo sa akin nyan." 

Nasamid si Sam sa juice na iniinom nya. Napangisi naman si Mark. Mukhang alam din nya ang kay Sam at kay Bianca. Napangiti naman si Tita Marianne. 

"Ah..ligo muna ako. May pupuntahan pa ako eh." palusot ni Sam. Nagmamadali ang loko. HAHA.

NOW PLAYING: Forevermore by Juris

"Mahal, bye na ah. Enjoy kayo." sabi ni Mark.

"Okay, ingat ka ah."

Buti na lang inihatid ako ni Mark. Kung hindi, late na ako sa flight.

"Cindz! Ang tagal mo!" reklamo agad ni Bianca pagkakita sa akin.

"Para five minutes na-late! Grabe ka!" depensa ko. 

"Tara na!" halos isigaw sa akin ni Biancz . 

Pupuntahan namin si Shirley sa Mindoro. Miss na kasi namin yun. Inaya ko si Mark at si Sam pero may gagawin daw yung dalawa eh. Dun kami sa bahay nina Bianca tumuloy. Todo sorry naman ako kay Bianca sa buong flight. Buti na lang, mabait 'tong si Bianca, napatawad ako nung mismong nasa Mindoro kami. Ambaet!

Sinalubong kami ni Shirley sa airport at pagkatapos ay dumiretso sa bahay ng mga ito. Laking gulat ko ng nandoon si Sam kina Shirley.

"Si Sam kasi, may nilakad daw dito kaya dito ko na pinatulog."

Napatingin ako kay Bianca nung nginitian ito ni Sam. Ah grabe, ang sweet. Namimiss ko tuloy si Mahal. :(

8:30pm. Halos kaladkarin ko si Sam eh. Sorry naman. Di ko kasi maihiwalay kay Bianca eh.

"Cindz naman! Ba't ba?" sabi nito

"Ba't ganun ka kalapit kay Bianca? Kayo ba? Mahal mo ba?"

"Hindi kami, pero mahal na mahal ko."

"Eh ba't mo hinayaang mawala sayo?! At bakit si Bell pa ang dahilan?"

Kaibigan ko si Sam pero bestfriend ko si Bianca kaya sinisigurado ko na hindi na sya masasaktan uli ng lalaking to.

"Alam kong naging tanga ako noon. Natakot. Pero, ayoko na sya saktan uli. Kahit hindi maging kami ulit. Basta maipakita ko sa kanya na mahal ko sya, ayos na yun."

Wow. Kinilig naman ako dun. At dahil doon, napangiti tuloy ang dakilang bestfriend. :">

"Sige, basta yung promise mo na hindi mo sasaktan si Bianca ah."

"Syempre naman."

"Okay."

At least, pag nasaktan si Bianca ulit sa gagong 'to, may karapatan na akong bugbugin si Sam.

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now