"Moving On"

24 1 0
                                    

Chapter 9~

Tatlong araw din akong hindi kumain, nagkukulong sa kwarto at naiyak. I suddenly missed my mom. Nakahiga ako sa kama, yung mga bagay na binigay sa akin ni Sam, nakakalat lahat sa sahig. If I know, masayang masaya na ang boyfriend ko, este, EX-BOYFRIEND ko sa pagiging single niya. Naninikip na naman ang dibdib ko. Kinuha ko yung inhaler ko para makahinga ng ayos. Mukhang mapapadalas ang asthma ko. Kasalanan ni Sam pag namatay ako sa hika. Hindi ko inakalang ang seven years namin ay masisira lang ng isang babaeng ngayon lang ulit namin nakita.

Biglag bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Iniangat ko ang ulo ko para makilala ko yung pumasok. Nung nakita nya akong gising, nasermonan agad ako.

"Hoy Bes. Friday ho ngayon at may trabaho ka po."sabi ni Ian.

Ipinakita ko ayaw ko sa pamamagitan ng pagtalukbong ng comforter ko sa ulo ko. Narinig at nadama kong naupo sya sa gilid ng kama ko.

"Bes. ano bang problema?"seryosong tanong nito. Di naman ako sumagot.

"Pag di ka nagsalita dyan, tatabihan kita. Umayos ka."

Hinawi ko ang kumot ko at naupo.

"Me and my boyfriend broke up, okay?"

"Oh. Sorry."

"I know I look stupid--"

"Yes, you do look stupid at mas lalo mo pang pinapakita na kawawa ka sa pagmumukmok mo dyan. So why don't you work today at ipakita mo sa ex mo na sya ang nawalan.?"

Napatingin ako sa mga kamay ko at nag-isip. Tumayo ako mula sa kama at kumuha sa closet ko ng mga damit.

"O, anong ginagawa mo?" tanong ni Ian.

"Edi nagrready para sa shoot. Maliligo lang ako at magbibihis. Hintayin mo ako sa baba."

Ngumiti ito. "Yes Ma'am!" sabi nito at lumabas na sa aking kwarto.

On the way na kami sa lugar ng photoshoot. We're going to Subic. Kasabay namin ang ibang models na madali ko namang naging mga kaibigan. May mga male models din sa shoot. Nakaibigan ko na din sila. Gagawa kami ng ad campaign para sa bays sa Subic. Maganda yung place kaya nakakainspire. Nawala sa isip ko ang break-up namin ni Sam kahit sandali. Saka mahirap talagag maging malungkot pag andyan si Ian.

After the shoot, tumuloy kami sa isang resort with an overlooking view. Pagpasok ko sa kwarto ko, tumakbo agad ako sa terrace tapos inenjoy ko yung view. Tapos pumasok ako sa loob at nahiga sa kama. May kama pang isa sa kwarto.

"Sino kaya kasama ko dito?"sabi ko sa sarili ko. Biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito.

"Bianca, pasensya na ha. Magkasama tayo sa room. Wala nang iba pang bakante kaya sabi dito na lang ako."Ian apologized.

"Ayos lang yun. Parang nung mga bata pa lang tayo. Tabi tayo nun e pag natutulog. Saka di naman tayo magkasama sa iisang kama."

Pumasok na sya at inayos ang mga gamit. Nang makatapos sya ay nagkakwentuhan kami.

"Bakit kayo nagbreak ng boyfriend mo?" tanong nito.

"Gusto nya daw ng space. Hindi na nga kami nagkikita tapos space?"Sabihin nya gusto nya makasama yung Isabella na yun."

"Ganon? Feel ko babalik pa din yun sayo." Ian chuckled. Hindi ko na din napigilang tumawa. Kahit na malungkot ako.

"Para mas masaya tayo, laruin na lang natin 'to." sabi nya.

"Aba ready ka din 'no? Talagang nagdala ka ng PS2."sabi ko ng tumatawa.

"Basketball at car racing lang ang nadala kong bala e."

"Ok lang yun,"I nudged him playfully.

Naglaro kami hanggang mag-seven ng gabi. Bumaba kami para maghapunan. Nakasabay namin yung mga nakasama namin kanina. Kahit papaano, naging masaya ako, thanks to Ian. Kamusta na kaya si Sam? Pagbalik namin sa kwarto pinagpatuloy namin ang paglalaro hanggang mag-11 siguro.

Pagkagising ko, ako lang ang nasa kwarto. Asan na kaya yun? Bumangon ako mula sa kama at binuksan ang tv. Wow. Headline ang project ni Daddy? Baka after a year pwede ng mag-president yun. Natawa ako at kinuha ko yung phone ko. Nadisappoint ako ng wala man lang text or call si Sam. I took a deep breath and congratulated Dad. Tapos biglang pumasok  si Ian na may dalang isang malaking tray ng hot chocolate at donuts.

"Goodmorning. Tara magbreakfast."bati nya at nilapag ang tray sa coffee table. Naupo ako sa silya.

"Ang dami naman nito Namis ko 'to. dati 'di pa 'ko gising may breakfast na ako galing sayo."natatawa kong sabi.

"Uy, may gustong magbook sayo. Vogue Philippines. Tumawag sa akin kanina."

A week after we came home from the Subic photoshoot, pumunta kami sa Vogue office. Sabi sa akin bumalik ako kinabikasan for casting. I did, and to my surprise, natanggap ako. My modeling career was blooming and Ian was always there to support me.

In just four months, I established my own name in the modeling industry. Madami na ding nanligaw sa akin na male models and even actors pero di ko sila inentertain.

My once-knight in shining armor, what are you doing from this moment?

"TODAY ON HOTSCOOP, ISABELLA MENDREZ AND SAM VENATURA ARE OFFICIALLY TOGETHER."

I stood there, in front of the tv, unable to move and seconds passed, I found the tears coming down from my eyes--because of Sam. Again.

In My Heart ForeverWhere stories live. Discover now