You'll Always Be In My Heart

37 0 0
                                    

Chapter 19 

SAM'S POV 

"Cindy, pwede bang magsabi ako sayo ng secret?"

"Oo naman. Ano ba yan?"

"Promise me, you won't tell Bianca."

"Sige. Di ko sasabihin sa kanya."

"I have terminal cancer, Cindz. I only have at least two years to live."

Cindy started crying too. "You should tell Bianca. Wag mong ialis sa kanya na maalagaan ka nya, Sam."

"I'll try."

...........

Eleven months after I told Cindy about this, here I am now at the church, getting married. Malakas ang kabog ng puso ko nang bumukas na ang mga pinto ng simbahan at nakita ko sya..ang babaeng minahal ko ng halos buong buhay ko

Tama ba itong ginagawa ko?

Masasaktan sya pag nawala ako.

But I don't have to be selfish and take away from us the time to be together.

As her father gave her to me, ramdam ko na tama ang ginagawa ko.

As we said our ows, nangako ako sa sarili ko at sa Diyos na papasayahin ko sya habang nabubuhay ako.

"You may kiss the bride," the priest said.

When we kissed, the tears fell from my eyes.

Akin na sya.

Gagawin ko lahat para lang maparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal...gaano man kaikli ang oras naming na magkasama.

......

Mahimbing na natututlog si Faith sa kwarto habang katabi ko naman si Bianca dito sa terrace ng bagong bahay namin dito sa Tagaytay.

She rested her head on my shoulder. It's been three months since our wedding. Nararamdaman ko na our time slowly slipping.

"Babe, tingnan mo yung stars oh. Ang ganda."

"Oo nga. Hindi ko sila masyadong napapansin nung nasa Manila pa tayo," sabi nya.

"Pa'no pag mag-isa ka na lang? Gagawin mo pa ba 'to?"

"Ha?" Sa sobrang pagtataka nya ay tumingin sa akin ng diretso si Bianca. Ako naman, I can't even look at her so I focused at the sky.

"I mean, pag matanda na tayo at nauna ako sayo. Yun," palusot ko.

"Syempre. Kasi pag makikita ko ang stars, maaalala kita."

I smiled. Then I felt a sharp pain at my stomach. Hindi ko na mapigilan ang spasms ng ubo ko.

"Sam? Anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba?" nagpapanic na tanong sa akin ni Bianca.

Nang Makita nya ang dugo sa aking mga kamay ay tumawag na agad sya sa ospital.

....

"KAILAN MO BALAK SABIHIN SAKIN TO HA, SAM?" umiiyak na tanong ni Bianca.

"Babe, I'm sorry. Gusto ko kasing magkaroon tayo ng time na hindi ka malulungkot just because you know I'm going to be gone."

Alam na nya. My doctor told her about the disease I've been going through for more than a year.

"Gusto kong magalit sayo. I regretted those times na wala ako sa tabi mo. Pero di ko kaya. Not now, when you're hurting."

"Tama na nga 'tong kadramahan natin. Pangit mo."

"'Kala mo gwapo ka." At least she laughed. I wiped her tears.

.....

"Daddy."

"NAGSASALITA NA SYA?!" gulat na tanong ko kay Bianca.

"Di ba obvious?"

Sina Mark muna ang nagbantay sa akin dahil nagpabakuna si Faith. Inilapag naman ni Bianca ang bata sa tabi ko.

"Hi baby ko. Umiyak ka ba? Masakit ba ang injection?" tanong ko sa bata kahit alam kong di pa nya naiintindihan.

"Ang tapang kaya nyan. Hindi man lang yan nag-react nung inijection-an."

"Ang galing- galing naman ng baby ko!"

Dahil na din may mga kaibigan si Tito Jerry sa courthouse kaya medaling naprocess ang adoption ni Faith. Heaven Faith Villaraza-Venatura to be exact. Sobrang saya naming ni Bianca nang araw nay un. Hindi ko akalain despite my sickness, ipinagkaloob pa din ng Diyos sa akin si Faith. I just feel so blessed everytime makikita ko ang mag-ina ko.

When Christmas came, nag-stay lang kami sa bahay at doon nagcelebrate.

"Ang dami ng niluto mo, babe. May fiesta ba?"

"Ayaw mo? Edi wag kang kumain."

"Taray ha. Kakain nga eh."

At that time, nakakalakad at nakakapagsaita na din si Faith. Kaya naman tuwang tuwa ako nang Paskong yon. This might be my last Christmas with them.

Binigyan ko si Faith ng isang life size teddy bear at tuwang tuwa sya dahil mas malaki sa kanya ang stuffed toy nya. Kay Bianca naman at isang necklace na may diamond na pendant. I got a leather jacket from Bianca.

Ayaw akong hiwalayan ni Faith that night. She even slept on my chest. Dumalaw din ang family namin at di namin inaasahan na dadating sina Isabella at Ian.

"Bell, kamusta ka na?" I asked.

"Eto masaya sa aking single life. With my all-time and trusty friend na si Ian."

"Friend lang ba talaga?" usisa ni Bianca.

"Oo naman. Grabe kayong dalawa," tumatawa na sagot nya. I guess she's very happy.

.....

"'Tol. Kaya mo ba?" tanong ni Mark.

"Oo naman. Kaya ko to."

"Sus. Pag pagod ka na magsabi ka ha," sabi naman ni Bianca.

Nandito kami sa mall. Magtatapon ng pera. Joke. Ibibili ko lang si Bianca at Faith ng birthday gifts. Sa future. Pag wala na ako.

Inuna ko yung mga regalo ko kay Faith. Naka-100 gifts ata ako. Kay Bianca naman, 80 lang dahil kulang na sa budget. Pinatago ko kina Cindy at sila na ang bahalang magbigay sa kanila.

"Babe, napagod ka?" tanong ni Bianca.

"Medyo. Pero nabili ko naman lahat ng dapat kong bilhin."

"Ano ba yun?"

"Secret."

"Okay." Halatang curious pa din sya kaya napatawa ako.

Umupo ako sa sofa at kinandong si Faith. Si Bianca naman ay pumunta dun sa piano at tumugtog.

NOW PLAYING: I Will Be Here (Piano Instrumental)-----Bianca

Bago ako matulog, I called my little sister, Beatrice.

"Kuya, napatawag ka," sabi nito. "Gusto ko lang mag-goodnight. Pakabait ka ha. Take care of yourself. I'm proud of you. Mahal kita, Bunso," sabi ko.

"Kuya, wag ka ngang ganyan. Good night na. I love you too."

I called Mom and Dad too. Ewan ko, I just need to hear their voices.

Nang matutulog na kami, itinabi ko si Faith sa amin ni Bianca. Before I closed my eyes, I kissed Bianca and Faith on their foreheads.

"Mahal na mahal ko kayo," I whispered and drifted into a deep sleep.

~

AUTHOR'S NOTE:

Okaaaaaaay. As promised I updated. :) Di ko alam kung kelan ako mag-uUD ulit e. Magiging busy na eh. Ciao loves. <3 Keep reading...

In My Heart ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon