22

2.6K 98 6
                                    

Jema's POV

"Jems, OT ka today?" Tanong agad ni Kyla pagkapasok niya ng opisina ko kaya tumigil muna ako saglit sa pagchecheck ng mga reservations at tinignan siya.

"Oo kailangan e. Ikaw ba?" Pabalik ko ring tanong at muling binalingan ang mga paperworks ko.

"Actually CEO Galan—este Tito Jesse told me that I could go home but since OT ka, sasamahan muna kita dito para hindi ka naman mag-isa." Taas-babang kilay niyang sagot at umupo sa harapan ko.

Hinayaan ko na lang siyang tulungan ako dahil gustong-gusto ko na ring makauwi. It's been one month after New Year and all of us became busy again. Lagi na lang akong nasa office, minsan naman sinasamahan ako ng mga kaibigan ko samantalang sina Deanna naman ay ganun din. Minsan nasa bahay siya at doon nagtatrabaho at kung minsan naman bumibisita daw siya sa firm nila. Hindi na kami masyadong nagkikita at nagsasama dahil punong-puno na yung schedule namin and we fully understand that one. We have the same kind of work so it's okay with us as long as we can still give time to each other.

Sina Bea at Ponggay naman, ayun madalang na lang kung dumalaw samin. Minsan ko na nga lang silang makita kasama si Deanna eh. Mukhang hindi sila okay? Pero wala namang nababanggit sakin si Deanna. Hay tatanungin ko na lang siya mamaya.

"How are you and CEO Wong?" Kyla asked out of nowhere causing me to glance at her.

"Okay lang." I shortly replied.

"Susunduin ka ba niya? Alam din ba niyang OT ka?" Sunod-sunod niyang tanong kaya walang gana akong tumingin sa kanya.

Ang daming tanong eh!

"Nope but she told me that she is going to pick me up after her duty." I simply answered. "Alam mo kung guguluhin mo lang ako dito, pwede ka nang umuwi."

"Ito naman hindi mabiro. Parang nagtatanong lang e." Dali-dali siyang bumalik sa kanyang ginagawa. Napailing na lang ako at tinapos lahat ng ito.

Tinulungan niya rin akong magligpit ng mga gamit at sabay kaming bumaba ng building. May mga nakita pa kaming employees kaya sinabihan ko rin sila na pwede na silang umuwi.

Pagdating namin sa main entrance, saktong may huminto na pamilyar na sasakyan naman sa harap namin ni Kyla at lumabas mula dito si Deanna.

Sabi ko na nga sa kanya itong kotse eh kaya familiar sakin kasi ginamit na niya ito nung isang araw.

"Gara ah!" Sabi ni Kyla habang tinitignan ng maigi ang sasakyan. Tinawanan lang siya nito at nilapitan ako.

"Hi bun." She hugged then she kissed my cheek. "How's work? Tapos na kayo?"

"Ayun sobrang dami na naman ng ginagawa pero kaya naman lalo na't tinulungan ako nitong si Kyla kaya natapos lang kami kanina." Sagot ko naman.

"Sakto lang pala ako haha. Sasabay pa satin si Ky?" She asked again but Kyla quickly shook my head.

"I'll just book a grab. Ayokong sirain ang moment niyo ni COO Galanza." Natatawa niyang sagot dahilan para tignan ko siya ng masama kaya dali-dali niyang itinaas ang dalawa niyang kamay.

"It's already late and also dangerous to go home alone specially you will ride a grab. Hindi lahat ng mga driver dyan ay mapagkakatiwalaan kaya sumabay ka na lang samin. There's no problem with it, right bun?" Nakatingin siya sakin at hinihintay akong sumagot kaya tumango ako.

Tama naman siya e. Actually kaibigan ko si Kyla kaya dapat ako ang nakaisip nun pero naunahan ako nitong isa. Kaya nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa sobrang care niya sakin at pati na rin sa ibang tao.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now