3

2.9K 137 9
                                    

Jema's POV

"Iba ka talaga Jemalyn! Biruin mo napa-impress mo agad yung CFO ng Wong's Travelamo Visight." Proud na saad ni Kyla.

Kakatapos ko lang kasing maikwento sa kanila ang naging usapan namin kahapon ni CFO De Leon. We are currently waiting here in the conference room dahil may importanteng sasabihin daw si Papa samin.

Baka siguro tungkol dun sa partnership with the Wong's Travelamo Visight.

"At first, I felt nervous and uncomfortable kasi syempre I just met her pero nung medyo tumatagal, nagiging magaan na yung loob ko lalo na't hindi siya katulad ng iba ko nang nameet na strikto at seryoso." Sabi ko sa kanila sa naging experience ko kahapon.

"Atsaka sa dinami-rami na ng pinagdaanan ko dito at sa mga nakasalamuha ko, sisiw na lang sakin yun." Pagmamayabang ko naman.

"Wow!" Kenneth reacted.

"Ang taas naman nun Jems! Di ko ma-reach." Umakto pa si Eya na parang may inaabot na ikinatawa namin.

"Aba aba, nawawala na yata ang pagiging humble ng kaibigan natin ah." Ate Jia stated and giggled.

Agad naman akong napasimangot.

"Hindi kaya! Tsaka nagbibiro lang naman ako e. Ikaw naman Ate Jia hindi ka talaga mabiro." Pagpapalusot ko. "And always stay humble nga dba."

"That's right!" They replied and pointed me.

"But wait, ano nga ulit pangalan nung CFO ng company nila?" Pag-iiba ng usapan ni Mika.

"Bea De Leon daw." I answered.

"I want to meet her!" Nagagalak na saad ni Ej.

"You guys will meet her once na tinanggap na nila yung partnership with our company." I explained to her.

Tumango-tango lang sila at nang saktong matahimik kami ay ang pagdating naman ng aking ama.

We immediately stood up and greeted him.

"Good afternoon, CEO Galanza." We stated in unison.

He just nodded and told us to take our seats again at pumunta naman siya sa kanyang usual seat dito suot-suot ang napakaseryoso niyang mukha lalo na ang cold presence niya.

I gulped.

"I just want to tell you that the CEO of the Wong's Travelamo Visight has accepted the partnership with our company." He said that made us shock.

"Is this true, sir?" Fhen unbelievably asked.

"Yes and fortunately, their CEO want to meet the one who presented to CFO De Leon yesterday." Tukoy sakin ni Papa.

Ako? Gustong mameet ng CEO nila? Bakit kasi hindi siya yung nakipagkita sakin kahapon? Ay sabagay, busy person nga pala ang mga CEO.

Naramdaman ko naman siniko ako ni Kyla kaya agad ko siyang tinignan at sinamaan ng tingin.

"Ikaw Galanza ha, may hindi ka sinasabi." Taas babang kilay niyang wika.

"What do you mean? Nasisiraan ka na nga yata ng bait Ky." I rolled my eyes.

"Tsk. Whatever." Tumigil na siya sa pakikipag-usap sakin at muking binalingan si CEO Galanza na patuloy lang sa pagsasalita tungkol sa magiging partnership namin sa WTV.

"At ang lagi kong sinasabi sa inyo, always do your best specially now. Mas malaking kumpanya ang makakasama natin ngayon compare sa mga nagdaang taon. I know that all of you can handle this partnership so don't disappoint me." Seryoso niyang wika na may pagbabanta.

My Immortal Crush  Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin