47

1K 58 15
                                    

Jema's POV

"Jema..."

"Jema..."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sakin ang mga pagmumukha nila. Kulang na lang makapalit sila ng mukha dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa habang nakatingin sakin. Nandito ang pamilya ko pati na rin sina Ate Jia at Kyla.

"Bakit?" Taka kong tanong. Eh kung makatingin kasi sila sakin, alalang alala ang pinapakitang emosyon nila.

"Anak, ayos ka lang ba? Pinag-alala mo kami." Hinawakan ni Mama ang kamay ko at hinawakan ng isa niyang kamay ang aking ulo.

Pinag-alala? Teka, hindi ko rin nga alam kung anong nangyari at kung bakit sila nandito. Ang naalala ko lang ay bigla na lang akong kinagat ni Trevor—

"WHAT THE FUCK?!" Wala sa sarili kong sigaw na ikinagulat nila.

"Jessica! Watch your words!" Sabi ni Papa.

"S-sorry po." I sighed. "Ano po bang nangyari? Bakit po kayo nandito at bakit ako nakahiga rito?"

"Kyla called me—" Kyla didn't let her finish.

"Ate Jia, ako na ang magpapaliwanag sa kanya." Ani nito. Napakunot naman ang aking noo.

Hindi ko sila maintindihan. May pinlano ba sila o ano?

"Nung umalis ka, naka-open ang location mo kaya ayun tinrack ko para rin masigurado kong magiging okay ka. I know what I did was wrong but I just can't feel comfortable that's why I did it. At hindi nga ako nagkamali. Hindi ko alam bakit ka nagpunta sa bar ng ganung oras pero nang makarating ka roon ay nagtagal ka lang ng mga ten minutes hanggang sa tumawag ka sakin. Pero boses ng isang lalaki ang una kong narinig."

Wait what? How did that happened?

Sinubukan kong alalahanin ang nangyari pero argh! Hindi ko talaga maalala. And how did that guy opened my phone? My password yun.

"I was so scared but then that man told me that you were unconscious since you entered the bar. I'm also confused on hiw did he managed to call me but I know that he's a good person. Siya raw ang may-ari ng bar na iyon. Siya na rin ang nagdala sayo dito sa hospital. At first, wala kaming tiwala sa kanila pero he gave us his calling card." Inabot niya sakin ito na tinignan ko ng maigi.

Ang unfamiliar ng pangalan niya.

"Pero bakit ka ba nagpunta roon?" Tanong ni Mama.

Hindi ko rin po alam. Gulong-gulo lang ako sa nangyayari.

Hindi ko nasagot si Mama pero biglang nabalik muli ang atensyon ko kay TJ. My neck. My neck is okay. Pero pakiramdam ko parang totoo yung mga nangyari.

"Where's Trevor?"

"He's out of town." Mabilis na sagot ni Ate Jia. That's unusual of her. Mukhang hindi rin ito natutuwa.

"I don't know what his problem is but damn! Todo alala kami sayo tapos yung boyfriend mo uunahin pang tapusin ang trabaho niya." Inis na dugtong niya.

Pinakalma muna siya nila Papa.

Naiintindihan ko naman na mahal ni Trevor ang trabaho niya. Pero mas importante pa ba talaga yun kaysa sa kalagayan ko ngayon?

"I'll just talk to him. Magpahinga ka muna dyan." Sabi ni Papa at lumabas ng kwarto.

Sinabi na lang din ni Mama na hayaan muna iyon at isipin ang sarili ko.

Pero hindi ko talaga maiwasan. The way TJ did that, I can tell. He looked like a vampire.

——————————

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now